"Buti at walang nangyari sa inyong dalawa nang bumigay ang kama mo Brielle." Sabi ni nana Cora habang nag-aalmusal silang apat.
Agad ko naman sinipa si Samuel sa ilalim ng lamesa, tatawa pa eh! "Hindi naman po nana, nagising po kami agad." Pagsisinungaling ko habang pinapakain si Thalia.
"Kung sa bagay ilang taon na ang tanda ng kama na yun tapos sa laki ba naman nitong si Samuel ay talagang bibigay yun." Dagdag pa ng matanda.
Bibigay po talaga nana Cora, hard fucker po yang Dawson na yan eh. Sinabi ko na ngang dahan-dahan pero sige pa din. "Hayaan niyo po ipapalabas ko yung kama na yun kay Samuel mamaya."
"Papalitan ko na lang ho, nagpahanap na ako sa bodyguards ko ng kama kanina. Para naman ho sa susunod hindi na bumigay, at mas matibay." Sabi ni Samuel sabay tingin kay Brielle na nasa harapan niya pero inirapan lang siya nito. Literal na bumigay kagabi ang isang paa ng kama sa kuwarto nito at buti na lang hndi napano si Brielle lalo pa at ito ang nasa ilalim niya. Atleast they both cum, hard.
"Uuwi na ba kayo ng Maynila pagkatapos niyong kumain?" Tanong pa ni nana Cora.
"Opo nana, kailangan na po ni Samuel makauwi dahil sa kompanya niya." Sagot ko naman, pareho kaming walang tulog ng maayos dahil matapos masira kagabi ang kama ay naglatag na lang ako ng kutson dito sa sala. And knowing Samuel na maselan at maarte no choice siya kung hindi tumabi sa akin.
"Ganon ba? Mamimiss ko na naman itong apo ko." Sabi pa ulit ng matanda.
"Hayaan niyo po nana ipapasundo ka po ni daddy dito para pumunta sa bahay namin doon." Sagot naman ni Thalia na tapos ng pakainin ni Brielle.
"Ay naku apo hinding-hindi na ako sasakay sa helicopter ng tatay mo." Tanggi agad ng matanda na kinatawa nila Brielle at Samuel.
"Hayaan niyo po sa driver ko na lang kayo ipapasundo para sa sasakyan ko na lang kayo sasakay." Sagot ni Samuel.
Mag-aalas nuwebe ng umaga dumating ang inutusan ni Samuel na bumili ng kama, at hindi lang isa kung hindi dalawa ang pinabili niya. Yung isa ay para sa kuwarto ni nana Cora.
"Naku ang dami-dami namang appliances nito Samuel!" Sabi ng matanda habang nakatingin sa mga bagong gamit sa loob ng bahay niya. May bagong ref, TV, electric fan, washing machine at ultimo rice cooker. "Maraming salamat dito, napakasaya ko talaga."
Nakangiti pang sabi ng matanda."Wala hong anuman nana Cora, maliit na bagay lang ho yan sa lahat ng naitulong niyo sa mag-ina ko."
"Pero salamat pa din." sagot ng matanda, nagtaka pa nga siya kung saan nakabili ng mga appliances ang bodyguard ni Samuel dahil maaga pa.
"Sige nana Cora uuwi na ho kami." Paalam ko naman, magaling talaga itong Samuel manuhol eh. Akala mo walang ginawa kagabi.
"Sige Brielle, si Thalia ha alagaan niyo ng mabuti." Bilin pa ng matanda.
Mula Pangasinan ay sasakyan na ni Samuel ang ginamit namin at hindi na ang helicopter niya. Ako na ang nag-request noon dahil gusto ko dumaan kami sa Manaog church, kung saan madalas kami magpunta dito para magsimba ni Thalia dati.
Pagdating naman namin sa bandang Pampangga ay doon na kami kumain, may convoy kase kaming dalawang sasakyan na for security purposes daw."Wag mo na siyang kargahin Samuel, gigisingin ko na lang si Thalia." Sabi ko sa kanya ng makarating kami sa bahay.
Nakatulog na kase ang anak namin sa biyahe."Nahhhh I can carry her." Sagot agad ni Samuel. "Gusto mo pati ikaw buhatin ko eh."
Pilyo niya pang sagot kay Brielle.Agad ko itong hinampas paano ba naman tumingin ang driver niya sa gawi namin. Nakakahiya! "Ewan ko sayo, letse!" At kinuha ko na ang maliit naming bag at nauna ng pumasok sa loob.
Agad kong nilapitan si Abigail ng makita ko siya, lumuwas pala ang gaga at may kasama pa. It's Friday afternoon at buti na lang wala si Thalia dahil kinidnap na naman ng tita Anastasia niya para dalhin sa lolo nito. Ewan ko pero ilang beses na akong inaya ni Samuel na ipakilala sa daddy niya pero panay ang tanggi ko hanggang ngayon. I'm scared, ayokong makarinig ng hindi maganda mula sa daddy niya kaya tama na yung si Thalia lang ang makilala nila.
"Hi." Bati ko sa kanila matapos maupo sa harap nilang dalawa. Nasa isang restaurant kami dito sa may Taguig, Mid east restaurant to be exact.
"Akala ko kasama mo ang pinsan kong siraulo eh." Agad na sabi ni Abigail. "'Anyway Brielle meet Luna, a good friend of mine."
"Hello!" Simple kong bati sa katabi niya, siguro may lahi ito dahil hindi mukhang pilipina, ang ganda nito at ang tangkad. "Hindi ka naman englishera ano?" Tanong ko agad, mabuti na yung alam ko nakakasakit din kase ng ulo ang panay english. Katulad pag magkasama kami ni Samuel ako nagtatagalog tapos siya english ng english kaya pati yung anak namin nadadamay.
Natawa agad si Abigail sa sinabi ni Brielle. "Medyo na lang Brielle, naturuan ko na yan eh." Kuwento niya. "Asawa siya ng may-ari ng Restaurant na ito."
"Ooooh I see, nice meeting you. I'm Brielle." Pakilala ko sa kanya.
"I'm Luna." Sagot ni Luna at nakipag-kamay pa. "'Sabi ni Abigail long lost bestfriend ka daw niya, is it true?"
"'Hoyyy Luna anong feeling mo sa akin sinungaling? Bestfriend ko nga yan." Singit agad ni Abigail kanina pa kase ito ayaw maniwala na may bestfriend siya.
"Yes, mag bestfriend nga kami way back on college." Sagot ko.
"Hala! Eh di pasmado din ang bibig mo katulad Abigail?" Tanong ni Luna.
Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi, mas pasmado pa din ang bibig niya." Sagot ko ulit.
"Tigilan niyo nga akong dalawa, alam naman nating lahat na mabait ako." Nakangiting sabi ni Abigail.
"Not sure on that Abby, diba pinapaiwas ako ni Weizman sayo kase bad influence ka daw sa akin." Tukoy ni Luna sa asawang si Oscar.
"Yes I know pero tuwang-tuwa naman yang asawa mo kapag may binibigay ako sayo na mga kontrabando." Sabi pa ni Abigail.
"Bakit ano bang binigay sayo ni Abigail?" Curious kong tanong.
"Ay naku alam mo na puro kalokohan ang alam ng babaeng ito. From the sex toys, sex pills, coffee that will make you horny and even juice she have it na." Paliwanag ni Luna. "At first I don't believed she's a doctor, parang hindi nakakapaniwala."
"Kapani-paniwala Luna hindi nakakapaniwala." Pagtatama ni Abigail.
"Aaahh basta same lang yun, I don't really believe she's a doctor before." Sabi pa ni Luna, not really convincing specially she like to gave they called paraphernalia but yes she's right they enjoyed it though.
Tiningnan ko si Abigail na busy sa dinalang pagkain ng waiter. "That's why your cousin is pissed on you Abby." Sabi ko sa kanya.
"Mainis na siya kung mainis wala naman siyang magagawa beside Brielle you both enjoyed my magic coffee diba? Nakadami yata kayo ng pinsan ko eh." Balewalang sabi ni Abby.
"Ewan! Gaga ka talaga wag mo ng ipaalala." Saway ko sa kanya, naalala ko na naman ang lintek na kapeng yan eh.
"Teka ano bang ginagawa niyo dito sa Manila? At bigla kayong nagpunta." Tanong ko.
"Well may kinuha kase akong package." Sagot ni Abigail.
"Package? Eh bakit hindi mo na lang pinadala sa inyo?" Takang tanong ko.
"Magagalit na kase si mi loves sa akin Brielle." Paliwanag ni Abigail.
"Bakit ano ba laman ng package?" Tanong ko pa ulit.
"Don't worry babahagian ko kayo ni Luna, mga bagong sex toys galing America!" Tuwang-tuwa na sabi ni Abigail na tumingin pa sa dalawa. Nabitawan naman ni Luna at Brielle ang mga hawak nilang kutsara dahil sa narinig.
☕☕ na kayo!
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A Series #3 Samuel Dawson
RomanceSamuel Dawson and Brielle story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.