20

47.2K 1.1K 73
                                    

"Hindi po kayo bati ni mommy no?" Tanong ni Thalia kay Samuel. Tatlo silang magkakasabay nag-almusal pero ang mommy niya ay halatadong galit sa daddy niya kanina dahil ito nag-papansinan.

"H-hindi ah, baka inaantok pa ang mommy mo kaya hindi namamansin." Pagdadahilan ni Samuel na sinundan na lang ng tingin si Brielle na umakyat na sa itaas. Binati niya kase ito kanina ng good morning pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin gaya ng mga nakaraang araw. Halatadong galit pa din ito sa kanya hanggang ngayon.

"Weeeeh?" Parang hindi kumbinsido na sabi ni Thalia. "Baka inaway mo po siya daddy. Bakit siya nag-iisnob sayo."

Oh ngayon paano ka magpapapaliwanag sa anak mo? "H-hindi ko din alam anak eh."

"Sabi ni tita Abigail kahapon kay mommy galit ka daw kase naka-swimsuit siya kahapon. Siguro po pinagalitan niyo si mommy? Hindi ko na din kayo bati!" Tumayo si Thalia sa upuan. "Ang sexy nga ni mommy kahapon tapos magagalit kayo."

Napaawang ang bibig ni Samuel ng sundan din ng anak niya ang mommy nito. Patay na, hirap na nga siya suyuin si Brielle pati ba naman si Thalia dumagdag pa. What I'm going to do now?

Nasa Dawson pharmaceuticals company na si Samuel ng tumawag na naman sa kanya si Abigail.

"Ano na naman Abigail christine? Wag mo akong istorbohin ngayon dahil may kasalanan ka pa sa akin." Agad na sabi ni Samuel sa pinsan niya. Wala siyang tulog na maayos at madami pa siyang pipirmahan na mga papeles.

"Grabe ka naman kuya para mangangamusta lang eh." Sabi naman ni Abigail sa kabilang linya. "Balita ko magka-away kayo ni Brielle? Inaway mo ano?"

"Tsk, ikaw ang puno at dulo nito Abigail kaya hindi ako pinapansin ni Brielle tapos patawag-tawag ka pa sa akin ngayon." Inis na sabi ni Samuel. "Kung hindi mo siya sinama-sama sa condo mo hindi kami mag-aaway."

"Hello sinama ko man siya o hindi ikaw pa din ang may kasalanan. I just talked to her kuya at alam ko ang ginawa mo kagabi sa kanya. And Brielle is right, siraulo ka nga dahil binitin-bitin mo daw siya." Kuwento pa ni Abigail.
Makikibalita galaga siya lalo pa at alam niyang galit talaga ang pinsan niya kahapon kaya tinawagan niya si Brielle kanina.

"My God Abigail shut up!" Agad na bulyaw ni Samuel sa pinsan. "Don't call me okay! At wag mo din tawagan si Brielle naiintindihan mo? Kung hindi lagot ka sa akin." Saway niya sa pinsan, alam niyang hindi ito susunod sa kanya pero mas okay pa din na sabihan niya na. Sa inis niya pinatayan niya na lang ito ng tawag. Pasalamat na lang talaga at naging babae si Abigail kung naging lalaki lang ito malamang nabugbog niya na ito kahit mag-pinsan pa sila.

Samantala inabala naman ni Brielle ang buong araw niya sa kusina, nagluto siya ng kung anu-anong pagkain na pinagsaluhan naman nila ng mga kasambahay at bodyguards na naroon. Uuwi muna kase si nana Cora sa Panggasinan sa makalawa kaya naghanda siya ng kaunting salo-salo para dito.

"Daddy!" Agad tumakbo si Thalia ng makita ang ama niya sa pintuan kasunod ang mga bodyguards nito. "Ang aga niyo po umuwi." Sabi pa niya matapos magmano.

Inabot ni Samuel kay Thalia ang isang bouquet ng bulaklak. Aba, mukhang hindi na galit sa akin ang anak ko ah. "Para sayo." At hinalikan niya pa ito sa pisngi. Tama ito umuwi talaga  siya ng maaga ngayon dahil hindi siya makapag-concentrate sa trabaho. He keep thinking about Brielle. Dumaan siya sa flower shop bago umuwi at binilhan ang kanyang mag-ina ng bulaklak. Matapos bumitaw ang anak sa kanya ay nilapitan niya si Brielle na nasa hapag-kainan.

"For you, peace offering." Sabi ni Samuel kay Brielle.

Tiningnan ko ang binili niyang bulaklak na inaabot niya sa akin. Ano ito suhol? Buti sana kung pagkain nabusog pa ako. "Si Thalia na lang sana ang binilhan mo, sayang ang pera Samuel." Balewala kong sabi sa kanya at nagpatuloy sa pagkain ng tuna pasta na niluto ko. It's still early, alas kuwatro pa lang ng hapon.

"Kaya ko bumili ng flower shop para sayo o ng flower farm Brielle." Sambit ni Samuel at inilapag ang binili niya ding paboritong cake nito sa lamesa na bitbit naman ng bodyguards niya. "I bought this for you too."

Napangiti na ako ng makita ang isang ube cake na dala niya. So he still know my favorite? Agad ko itong binuksan at tinawag ang anak namin para bigyan bago ako kumuha ng para sa akin.

Lihim na Napangiti si Samuel ng makitang naging busy si Brielle sa pagkain ng bitbit niyang cake para dito. Of course he will never forget her favorite food, Brielle have a sweet tooth. And she like to eat her favorite ube cake. "Bati na tayo?" Tanong niya dito at umupo pa sa harap nito.

Tiningnan ko ito ng maigi, kahit inis pa din ako sa kanya hanggang ngayon dahil sa ginawa niya sa aking gabi pogi pa din talaga ang bwisit na ito. "Hindi Samuel, galit pa din ako sayo. At kung sa tingin mo okay na tayo dahil kinakain ko ang cake na bitbit mo sorry pero hanggang ngayon bwisit pa din ako. At wala akong balak idamay ang pagkain sa galit ko sayo." Sabi ko sa kanya at binuhat ko ang aking plato, doon na lang ako sa sala kakain. Bahala ka diyang letse ka!

Thank you in advance sa magpapakape sa akin.
#maribelatentastories

M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon