18

58.8K 1.2K 80
                                    

Happy valentines! My 2nd valentines writing here on wattpad, same pa din wala pa din jowa😂🤣




Samuel is staring on the shelf infront of him, nalilito kase siya kung ano ba ang kukunin. Ano nga ulit pinapabili ni Brielle? Loreal? He get his phone on his pants and dial again her number pero katulad kanina ay hindi pa din nito sinasagot ang tawag niya. May ginagawa siguro ito. Instead he dial his secretary number.



"Hello Andrea? Ano nga yung pinapabili kanina ni Brielle? Narinig mo yun kanina? Loreal diba? Anong kulay ba?" Tanong niya sa sekretarya, narito kase siya ngayon sa D.M mall dahil nagkita sila ng kaibigang si Marcus. At galing din kanina si Andrea sa bahay niya dahil may pinapirmahan ito sa kanya bago ito dumiretso sa opisina.




"Hala sir hindi ko po maalala, kayo po ang kausap diba?" Sabi naman ni Andrea.



"Okay sige salamat na lang kukunin ko na lang ito lahat." Sabi ni Samuel at pinatay na ang tawag. Kumuha na lang siya ng tig-iisang box ng Loreal na pangkulay ng buhok. Siguro naman may tatama na isang kulay sa lahat ng kinuha niya.




Nagtataka kong tiningnan ang pinamili ni Samuel, hindi lang bente pirasong pangkulay ng buhok ang nasa lamesa. "Ano ito? Bakit pang kulay ng buhok?" Tanong ko sa kanya.





"Diba yan ang pinapabili mo? Loreal?" Balik na sabi ni Samuel.




Napakamot ako sa aking ulo ng wala sa oras. "Laurel Samuel hindi Loreal!" Aanhin ko naman ang ganito kadaming pang-kulay ng buhok? Tsaka hindi naman ako nagkukulay ng buhok ko. Inis na tiningnan ko ito, magluluto kase sana ako ng adobong pata pero ipepressure cooker ko muna para lumambot kaya kailangan ko ng laurel dahil pang-pabango yun.



"Sorry! Malay ko bang magkaiba yun." Natatawang sabi ni Samuel buti na lang hindi niya sinama kanina si Marcus sa grocery kung hindi pareho silang naging tanga dahil siguradong hindi din nito alam yun. "Teka ano ba yung laurel?" Hirit pa niyang tanong kay Brielle pero binato lang siya nito ng box ng loreal.




Instead of adobong pata I fried porkchop for our dinner and ginisang kangkong. Naunsyami yung adobong pata ko dahil kay Samuel at bukas daw magpapa-grocery na lang siya sa kasambahay dito. Buti na lang gusto din ng anak ko ang ginisang kangkong, kung sabagay tsinaga ko talaga siya matuto noon na kumain ng gulay.




"Siya nga pala bukas ang alis mo diba?" Tanong ko kay Samuel habang nanonood ng TV. Nasa taas si Thalia para magpalit ng pantulog kasama si nana Cora, katatapos lang din namin kumain.



"Oo 2 days lang ako doon kaya wag mo ako ma-mimiss." Sagot ni Samuel at hinila si Brielle sa tabi niya. He will go on Indonesia with Marcus for business expansion tomorrow morning.




"Kapal ah! Hindi kita ma-mimiss no!" Feelingero yan? Ganyang-ganyan siya noong magkarelasyon pa kami feeling niya ma-mimiss ko siya lagi lalo na kapag lumuluwas siya ng Maynila.



"Then why your asking?"


"Niyayaya ako ni Abigail bukas, puwedeng sumama kami ni Thalia at nana Cora? Luluwas daw siya ng Manila." Kwento ko naman.


"Saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Samuel, niyaya ng pinsan niya si Brielle pero siya mismo hindi.



"Sa condo unit daw niya bibisitahin niya."



Napatango-tango si Samuel he knew that place, sa may Roxas boulevard din yun na malapit sa building niya. "Okay sige magpapasama na lang ako sa inyo ng bodyguard."



M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon