05

59.1K 1.4K 63
                                    

"Congrats pare!" Masayang bati ni Marcus sa kaibigang si Samuel. Nagkita sila ngayon at masaya nitong pinakita ang isang papel sa kanya, akala niya pa ay tungkol sa negosyo yun pala ay hindi.

"I-I can't still believe it until now, may anak na pala ako." Hindi maawat-awat ang ngiti ni Samuel simula kanina ng ihatid sa kanya ng sekretaryang si Andrea ang result ng DNA test nila at kahit ilang beses niya pa nabasa ito ay paulit-ulit niya pa ding tinitingnan. Two days lang ang hinintay niya para lumabas ang resulta and it's positive! Thalia is really his daughter.

"I'm happy for you, who thought that the all mighty Samuel Dawson have already a child. I'm looking forward to meet her pare." Dagdag pa ni Marcus.

"Im still speechless, hindi pa din talaga ako makapaniwala tungkol dito Marcus."

"Atleast you had the chance to meet her kahit walong taon na kamo ang lumipas, and you should be thankful on your ex dahil sinabi pa din niya ang tungkol sa anak niyo."

Natahimik si Samuel, hindi niya alam kung dapat niyang ipagpa-salamat ang pagkaka-aksidente ng anak dahil kung hindi ito naaksidente at kinailangan ng dugo ay hindi niya ito makikilala at hindi siya pupuntahan ni Brielle. Pero natural magpapa-salamat talaga siya kay Brielle dahil kahit masalimuot ang nakaraan nila ay hindi nito pinagkait ang bata sa kanya, she's the one who insisted on him to have the DNA testing. He maybe seven years late on his daughter life but he have all the coming years to spend with Thalia at sisiguraduhin niyang magiging masaya ang anak niya at siya. "I'll be going now pare kailangan ko pang bumalik sa Ospital, ngayon ang labas ng anak ko." Paalam niya sa kaibigan.

"No problem, just call me if magkikita-kikita tayo ulit para masabihan ko si Bullet and next time let's have a drink on my Bar." Ani ni Marcus.

Samuel ride on his white Cadillac Escalade 2022 bullet car, sinenyasan niya ang kanyang driver na umalis na sila. Kasunod niya ang isa pang sasakyan na sakay naman ang apat niyang bodyguards. He can't wait to see his daughter, dalawang araw na ito sa Ospital mula ng manggaling sila sa Panggasinan at makakalabas na nga ito ngayong araw dahil nag-negative lahat ng mga result nito sa ginawang test dito. Pina-eksamin niya muli ang anak ng ipa-confine niya ito dito para makasigurado na maliban sa bali nito sa paa ay walang ibang malalang natamo. Kahit pa ba hindi pa siya sigurado ng mga oras na yun kung anak niya ba talaga ito o hindi. Still he want the best for her at ngayon nga lumabas na ang resulta Thalia is really his daughter and he's so fucking happy right now!

"She's sleeping.." sabi ko ng pumasok si Samuel sa loob ng kuwarto, tumango lang ito at inabot sa akin ang kulay brown na envelope.

"She's my daughter.." seryosong sabi ni Samuel habang binabasa ni Brielle ang resulta ng DNA test ng anak nila.

"I told you she's yours.." sabi ko naman. I'm a virgin when you took me remembered? Gusto ko sanang isigaw dito pero wag na pala.

"We need a set up Brielle, gusto ko makasama ang anak ko." Agad na sabi ni Samuel, napag-usapan na kase nila kahapon na uuwi ang mga ito ng Panggasinan pagkalabas ng Ospital pero ngayong nalaman niya na ang resulta ay parang ayaw niya na itong pabalikin doon. He want to spend time with his daughter.

"Hindi ko naman ilalayo ang bata kung yun ang iniisip mo Samuel pero may sari-sarili na tayong buhay ngayon at yung buhay naming mag-ina ay nasa Panggasinan." Sagot ko naman, alam ko na na ganito ang mangyayari kapag lumabas ang resulta ng DNA test nilang mag-ama. He will demand of course pero isa lang ang sigurado ako, hindi ko ibibigay sa kanya ang anak ko.

"Just stay on my house for awhile please, gusto ko pang makasama ang anak ko Brielle, gusto ko pang makilala namin ang isa't-isa."
Pakiusap pa ni Samuel.

"May trabaho ako sa Panggasinan Samuel.." sabi ko. Pang three days ko na nga ngayong araw na absent sa trabaho at buti na lang mabait ang team manager ko kaya pinayagan ko. Single mom din kase ito katulad ko. I'm working as a call center agent, tatlong taon na ako sa kompanyang pinapasukan ko at dito lang ako nagtagal. Kung ang mga nakatapos nga ng pag-aaral ay hirap sa paghahanap ng trabaho paano pa kaya ang katulad kong undergraduate.

"Puwede ka naman mag-leave sa trabaho habang nagpapagaling pa si Thalia." Samuel said while looking on Brielle, medyo ilang pa din sila sa isa't isa hanggang ngayon at nag-uusap lang sila tungkol sa bata.

"One week lang ako makakapag-leave Samuel." Sagot ko, tinawagan ko na kanina ang team leader namin at pumayag naman ito na mag-leave ako lalo pa at hindi pa magaling ang pilay ni Thalia idagdag pa na may follow-up checkup din siya. Ayoko naman mag-absent ng mag-absent dahil sayang ang sahod. No work no pay pa naman kami.

"Then you can stay on my house for a week, please Brielle I want to be with our daughter." Pagsusumamo ni Samuel, wala namang magandang kahihinatnan kung mag-aaway pa silang dalawa o pag-aawayan pa nila ang ganitong bagay. Beside he's matured enough now, hindi na siya katulad noon na mabilis magpadalos-dalos as mga bagay-bagay.

"Okay pumapayag na ako.."

Agad nilapitan ni Samuel si Brielle at niyakap, but it seems awkward between them kaya naman bumitaw siya agad sa pagkakayakap dito. And when he look on Brielle she's also speechless. "T-thank you! Thank you so much." Sabi niya na lang dito.

Mag-aalas singko ng hapon ng makarating sila Samuel sa kanyang condo unit malapit lang din sa Building niya sa may Roxas boulevard. Penthouse ang kanya at buong floor ang sakop niya. So his place is also like the usual house, eto nga lang ay condo unit. He's staying here for the past two years since umalis siya sa bahay nila ng daddy niya.

"Heto po ang bahay niyo daddy?" Tanong ni Thalia na nakaupo sa isang wheelchair, binilhan talaga ito ni Samuel para hindi magalaw-galaw ang paa nitong may bali.

"Yes and this is yours too." Masayang tinulak ni Samuel ang wheelchair ng anak papunta sa living room, kasunod niya si Brielle pati a ang kanyang sekretarya.

"Pati po kay mommy kanya din ito?" Nilingon pa ni Thalia ang ama ng magtanong siya.

"No anak, kay daddy mo ito." Agad kong sagot.

"Sayo ito at kay mommy mo Thalia sa ating tatlo." Paliwanag ni Samuel.

"May bahay naman po pala kayo dito sa Manila pero nandoon kami sa malayo. Tsaka mukha pong wala akong kalaro dito dahil building po ito." Sabi ulit ni Thalia na pinapalibot ang tingin sa unit.

"Ayaw mo ba sa ganitong bahay?" Tanong ni Samuel at lumuhod sa harap ng anak. He really like to stare her face. Kamukha niya kase talaga ito.

"Medyo po, tapos nakakahilo po kanina sa elevator." Sagot ni Thalia.

"Don't worry bibili tayo bukas ng bahay." Sabi ni Samuel sa anak na akala mo ay bibili lang ng laruan.

"Samuel!" Agad kong tawag sa kanya. "Anong bahay pinagsasabi mo? Naninibago lang si Thalia kaya ganyan, hindi mo na kailangang bumili ng bahay." Alam kong mayaman siya at kayang-kaya nito bumili ng bahay gaya ng sinasabi niya pero ayoko na kung ano ang sabihin ni Thalia sa kanya ay agad nitong susunduin.

"But that's our daughter wants so sino ba naman ako para tumanggi." Kibit balikat na sagot ni Samuel kay Brielle. "Diba anak?" Baling niya pa kay Thalia. He will buy a new house tomorrow for sure for his daughter.

Thank you sa magpapakape!
#maribelatentastories






M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon