26

45.9K 1.1K 25
                                    

AlingKulutzArinque thank you kagabi! Nakatulog na ako😆



"Uy Brielle.." tawag ni Abigail sa pangalan ng kaibigan, nilapitan niya ito sa isang lamesa.

"Ano na naman Abigail? Nananahimik ako dito." Sagot ko sa kanya, mamaya kung ano na naman ibigay nito sa akin eh. Nabusog ako ng husto sa dami ng handa sa binyag ng anak ni Bullet. Siya pala ang kinukuwento sa akin ni Abby noon na kaibigan nga ni Samuel.

"Tara doon tayo kay Elaine makipag-chikahan." Aya ni Abby. "Mukhang nag-iinuman sina mi loves eh mag-kuwentuhan muna tayo doon."

"Natutuwa nga ako na makilala sila, ang bait ni Elaine tapos obvious na mahal na mahal siya ni Bullet." Sabi ko naman habang nakatingin sa gawi nila Samuel. Nasa isang lamesa ang mga ito at nag-iinuman, may dumating pa kase sila na kaibigan na Rios ang pangalan. "Sayang hindi ko naisama si Thalia."

"Kinidnap pala ni Anastasia ang pamangkin ko. Nakita ko kanina sa Facebook post niya ang dami nilang nilalantakan ni Thalia na pizza." Kuwento ni Abigail.

"Iuuwi naman yun mamaya ni Anastasia sa bahay."

"Siya nga pala Brielle nakita ko nung nakaraan ang daddy mo." Pag-uumpisa ni Abigail at naupo sa harap nito.

Napatitig agad ako sa kanya ng marinig ang sinabi niya. "A-and?"

"Sinabi ko na nasa Manila ka, na nagkita tayo."

"Ano namang sabi niya? Galit pa din ba siya? Kamusta na siya? Anong itsura na ni papa?" Sabik na tanong ko.

"He get old of course, he was looking for you. And I guess it's time for you to go back on your home Brielle."

Kaya ko na ba? Paano kung hindi pa din ako tanggapin ng papa ko? Paano kung hindi ko pa din maiharap si Samuel sa kanya? Sa kanila? "Natatakot pa din ako Abby, kilala mo si papa lumakas nga lang ang boses nun takot na ako eh."

"Pero mahaba na masyado ang walong taon Brielle, umuwi ka na sa atin. Ipakilala mo na si Thalia sa lolo niya, I'm sure matutuwa pa yun kapag nakita niya ang apo niya." Sabi pa ni Abigail.

"At paano kapag hinanap niya ang tatay ni Thalia? Siguradong itatanong at itatanong niya sa akin kung sino ba ang nakabuntis sa akin noon." Yung ang kinakabahala ko, hindi ko nga alam kung ano na ba kami ni Samuel ngayon eh.

"Bring kuya Samuel with you, ipakilala mo siya sa papa mo at sabihin mong siya ang tatay ni Thalia. Come on Brielle that's your father kung galit man sayo yun I'm sure lumipas na ang galit niya at hindi na ngayon. I'm your friend and I know you so much, kahit itanggi mo alam ko na gusto mo ng umuwi. So better think of it, kausapin mo si kuya Samuel tungkol diyan." Seryosong sabi ni Abigail.

"H-hayaan mo sasabihin ko sa kanya mamaya ang tungkol sa sinabi mo." Tumayo na ako at nagpa-akay sa kanya papunta kung nasaan sina Elaine.

  Imbes na umuwi kami ni Samuel matapos ang dinaluhang binyag ay napa-check in kami sa mismong hotel na pinagdausan dito sa Laguna. Bakit? Dahil nalasing siya at natatakot ako na magmaneho siya ng nakaino hindi din naman ako marunong magmaneho.

"Come here baby.." tawag ni Samuel na nahiga na sa kama matapos hubarin ang suot niyang polo.

"Matulog ka muna Samuel, your drunk." Sabi ko sa kanya, ayaw pa nga sana kami pauwiin ng kaibigan niyang si Bullet at kahit doon na lang daw muna kami sa bahay nila magpalipas ng gabi pero tumanggi si Samuel.
Kaya ang nangyari yung bayaw ni Bullet na isa ang nag-suggest na magpalipas muna kami sa hotel hanggang sa mahimasmasan itong si Samuel.

"I'm not drunk baby, nakainom lang." Sabi pa ni Samuel at hinigit pa lalo si Brielle palapit sa kanya. Ang sarap ng mga kwentuhan nila kaninang magkakaibigan, sayang nga lang at wala yung dalawa kaya hindi sila kumpleto. Bullet and Marcus are happily married now, at talaga nga sigurong totoo ang kasabihan na "Life's start at 40." Dahil pare-pareho silang ganoon ang nangyayari. Pero siya hindi pa pala ayos ang kanila ni Brielle. He just overwhelmed now that his baby came back after so many years with their daughter. Sabi nga ni Rios pasalamat nga siya dahil bumalik pa si Brielle kahit walong taon pa ang nakakalipas.

"Sige hindi na lasing kung hindi basta matulog ka muna." Sabi ko na lang sa kanya, nakapikit na ang mata nito ng tingnan ko. He's not used to drink anymore, beer lang naman ang ininom nila kanina na nakita ko pero ang bilis niya talaga malasing.

One month passed..

Samuel greeted nicely nana Cora, they went on Panggasinan because of her birthday celebration.

"Happy birthday po!" Masayang bati ni Samuel na yakap-yakap ang anak nilang si Thalia. Ginamit niya ang helicopter niya papunta dito na request din ng anak niya. Kung si Thalia ay hindi takot sa heights kabaliktaran naman si Brielle na takot pa din sumakay sa ganon.

"Akala ko hindi kayo makakarating, lalong-lalo na itong apo ko." Sabi pa ng matanda na nakatingin pa din kay Thalia.

"Nana may gift kami sayo, diba gusto mo ng cellphone? Binilhan ka namin para hindi na may tali na goma ang cellphone mo." Sabi ni Thalia na kinuha kay Brielle ang nakabalot na regalo. De keypad lang kase ang telepono ng matanda at dahil luma na at pasira na din may nakapulupot pang goma doon para hindi magkalas-kalas.

"Naku nag-abala pa kayo ayos pa naman ang telepono ko, tara na at pumasok na kayo sa loob." Sabi ni nana Cora. Talagang pinaghandaan niya ang kanyang kaarawan ngayon lalo pa at nagpa-catering si Samuel para sa kanya at regalo daw nito.

Pinalibot ni Samuel ang tingin sa loob ng isang bahay, simple at gawa lang ito sa mga light material. Umupo siya sa upuan na naroon sa sala, gawa ito sa kawayan maski ang lamesitang naroon. Kaunti lang ang gamit na nasa loob at ito nga siguro ang tinatawag na payak na pamumuhay.

"Dito kami tumira nila Thalia." Kuwento ko sa kanya habang nagwawalis ng sahig. Iniwan muna namin si Thalia sa labas kay nana Cora at sa kinuhang yaya ni Samuel para sa anak namin. Samuel always make sure the security of our daughter limang bodyguards din ang kasama nila ngayon at nasa labas. Hindi pa naman nag-uumpisa ang selebrasyon ng kaarawan nito kaya inaya ko muna si Samuel sa bahay ni nana Cora kung saan kami nakatira noon. Tamang-tama at may mga naiwan pa kaming mga gamit dito ng anak ko at kukunin ko mamaya.

"It's small." Sabi ni Samuel, maliit naman kase talaga pero ang importante malinis ito at nasa ayos ang mga gamit. May dalawa ding kuwarto at maliit na lababo sa kusina.

Inirapan ko ito, ang yabang talaga. "Maliit nga sinabi ko bang malaki?"

Natawa si Samuel sa reaksyon ni Brielle. Bakit ba nakakatuwa kapag napipikon ang mga babae? "Pero ang lupa na ito ay kay nana Cora mismo?" Tanong niya pa kase kung hindi puwede niya itong bilihin para sa matanda.

"Oo sa kanilang magkakapatid ang lupa na ito, nakita mo sila nana Rose kanina? Sobrang namiss nila si Thalia diba." Kung pupugin kase nila ng halik at yakap si Thalia kanina ay akala mo taon na mula ng huli nilang makita ang anak ko. Isang compound ang lugar na ito at tatlong bahay ang nakatayo kay nana Cora at at sa mga kapatid niya. At kampante ako na iwan si Thalia kapag may pasok ako noon dahil madami ang puwedeng mag-aalaga sa kanya.

"Where's your room?" Tanong ni Samuel.

Agad ko naman binuksan ang isang kuwarto doon, pangdalawahang tao lang ang kama at kasya lang kami ni Thalia. Isang cabinet lang din ang nakalagay para sa damit naming mag-ina at mayroon din doong electric fan.

"It's big like my walking closet." Sabi ni Samuel na naupo pa sa kama na naroon, malinis din dito at komportable. "We can have a quickie here baby pero baka bumigay ang kama."

"Gago!" Sagot ko at lumabas na ng kuwarto, narinig ko pa ang pagtawa nito. Siraulo talagang Dawson ito seryoso akong nagkukuwento tapos babanat ng ganon, manyak!

Thank you in advance sa magpapakape🤣 jusko nakakaantok na umaga
#maribelatentastories

M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon