37

41.2K 1.2K 106
                                    

Few chapters left, manlibre na kayo para umabot tayo ng chapter 50😂 PM is the key!

"Oh bakit ikaw lang ang lumabas? Nasaan sila Brielle?" Agad na tanong ni Abigail ng sumakay si Samuel sa sasakyan niya.

"I need to go back on Manila.." seryosong sagot ni Samuel habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Natawa naman ng malakas si Abigail sa narinig, she have idea what happened inside. "Don't tell me pinaalis ka? Hahahaha ano? ayaw sayo ng tatay ni Brielle no? Nasapak ka ba? Patingin."

Inis na inalis ni Samuel ang kamay ng pinsan sa pisngi niya. "Hindi ako nasapak okay." Paliwanag niya.

"Aaahhh talaga ba?" Tatango-tango na sagot ni Abby. "Hindi ka nasapak pero pinaalis ka ng tatay ni Brielle dahil ayaw sayo no? Mas masakit yun kuya!" Hirit pa ni Abigail sabay tawa.

Tiningnan na ni Samuel ang katabi na pinsan. Paano kaya siya natagalan ni Gerald? "Dalian mo na bumalik na tayo sa resthouse niyo. Magpapasundo na lang ako sa helicopter ko." Utos niya pa dito.

"Ano nga muna kase ang sabi ng tatay ni Brielle? Bakit ikaw lang nandito? Ayaw sayo?"

"Her father wants to talk on my dad Abby, or else hindi ko daw makikita sina Brielle at Thalia." Tipid na paliwanag ni Samuel.

"Aaaahh, so dadalhin mo si Tito Mariano dito?" Paninigurado pa ni Abby.

"Oo, kaya dalian mo na para makabalik agad kami ni daddy dito." Sabi pa ni Samuel, hindi niya ipapagpabukas ang mga ganitong bagay lalo pa at nag-oo siya kanina sa tatay ni Brielle na dadalhin niya ang daddy niya dito ora mismo.

"Naku mahirap yan kuya, sandali lang at tatawagan ko muna si Tito para sabihin ko na wag sumama sayo." Pang-aasar pa ni Abigail sabay kuha ng kanyang telepono sa loob ng bag.

"Abigail naman!" Nauubusan ng pasensya na saway ni Samuel. "I'm serious mag-drive ka na dali." Sabi pa niya.

Napairap na lang sa kawalan si Abigail at nagdrive na. May kinakabahan dito, wag sana sumama sayo si Tito! Sabi niya pa sa sarili habang pinipigilang tumawa.

Manila..

Mag aalas onse ng umaga dumating si Samuel sa kanilang bahay, buti na lang at mabilis siyang nasundo ng piloto niya sa San Juaquin. Gusto niya ng matapos ang lahat ng ito ngayong araw. Para kaseng hindi niya makakaya na lilipas na naman ang isang gabi na hindi niya makakasama ang kanyang mag-ina.

"At bakit ako pupunta sa San Juaquin ha Samuel?" Tanong ni Don Mariano ang daddy ni Samuel. Nagulat siya ng makita itong narito sa bahay niya.

"Just talk on Brielle's father dad, kapag hindi mo ako sinamahan baka totohanin ng tatay ni Brielle na hindi ipakita sa akin ang mag-ina ko." Saad ni Samuel.

"Yan ang sinasabi ko sayo, kung noon pa lang inayos mo na ang paglipat ng apilido ng apo ko sa apilido natin hindi ka magkakaproblema ng ganito at may habol ka sa bata."

"I want to marry Brielle dad,  ayoko ng ibang babae siya lang ang gusto kong pakasalan. Isa pa hindi naman pupunta si Brielle sa San Juaquin kung hindi dahil sa pinarehas niyo sa aking anak ng mga Delvante na sinugod ang mag-ina ko." Giit pa niya.

"So ako ang sinisisi mo ganon ba?" Mapaklang tanong ni Don Mariano sa anak.

"Hindi naman sa ganon dad ang akin lang hinihingi lang naman ng tatay ni Brielle na makausap kayo, na dalhin ko ang tatay ko doon."

"'Para ano? Para mapilitan na din akong pakasalan mo ang anak niya? Ni hindi ko nga man lang nakilala ang babae mo baka nakakalimutan mo."

"Hindi siya basta babae dad, may pangalan siya. Si Brielle."

"Wala akong pakialam! Diba vice governor ang asawa ng pinsan mo doon? Bakit hindi ka nagpatulong sa kanya para magdala ng pulis at kunin ang apo ko sa kanila?" Hindi papatalo na sabi ni Don Mariano.

"Hindi ko kayang gawin yun dad, magagalit sa akin si Brielle." Paliwanag ni Samuel, kung kinakailangan na buhatin niya ang daddy niya ngayon maisama lang sa San Juaquin ay gagawin niya talaga.

Bumuntong hininga ng malalim si Don Mariano at tiningnan ang anak. "Paano kung ipilit ng tatay ng babaeng yun na ipakasal kayo? Anong gagawin mo?'"

"I'm gonna marry her of course, Brielle's is the mother of my child at siya lang ang gusto ko makasama na babae. I- I love her, so please dad samahan mo na ako, yun lang naman ang hinihingi ng tatay niya ang makausap ka."

Okay, ipahanda mo ang helicopter. I'll go with you for the sake of my granddaughter." Pinal na sagot ni Don Mariano sa anak.

At doon na napangiti ng tuluyan si Samuel sa sinabi ng kanyang ama.

"Dito na po kami titira lolo?" Masiglang tanong ni Thalia matapos nilang magtanghalian. Nakakalong siya dito samantalang tinitingnan lang sila nina Nicola at Brielle na abala sa pagliligpit ng kanilang pinag-kainan.

"Aba oo naman, ang tagal kaya bago ko kayo nakita ng mama mo kaya dito muna kayo sa bahay." Sagot ng matanda.

"Pero papaano po si daddy? Dito din siya titira?"

Napatingin ang matanda sa anak na si Brielle. "Malalaman natin kapag ginawa ng daddy mo ang gusto ko."

"Aaaahhh, gusto niyo po makausap ang isa ko pang lolo diba?"

"Oo pero hindi pa sigurado kung dadating sila." Sagot pa ulit ni Emilio.

Doon ako kinabahan sa sinabi ni papa, hindi pa kase nagtetext o tumatawag si Samuel mula kanina. Paano kung hindi nito maisama ang daddy niya dito? Siguradong tototohanin ni papa ang sinabi niya kanina kay Samuel. My father might get old but still he's still the same, at isa lang ang masasabi ko. Kapag sinabi niya ginagawa niya talaga.

Mag aalas dos ng hapon lumapag ang helicopter na sinasakyan ng mag-amang Dawson sa lalawigan ng San Joaquin. Mula doon ay tatlong sasakyan ang naka-convoy papapunta sa bahay nila Brielle. Dalawang sasakyan na ang sakay ay puro bodyguards lang nila at ang isa ay silang mag-ama naman. Samuel get even more nervous, he don't have any idea what will happen later. Pero sana maging maayos ang lahat.

Tipid kong nginitian si Samuel ng mapagbuksan ko ng pinto pati na din ang katabi nitong sa hula ko ay daddy niya. "'Magandang hapon po." Bati ko pa. "Pasok po kayo."

"Sino yan Brielle? Nandiyan na ba sila?" Tanong ng ama ni Brielle na nasa kusina.

"O-opo papa." Sagot ko naman.

Tinawag ni Emilio ang bunsong anak na si Nicola para dalhin muna nito si Thalia sa kuwarto. Sila munang matatanda ang mag-uusap usap.

Pinalibot ni Don Mariano ang tingin sa loob ng bahay matapos silang pauupuin ni Brielle. The house is very simple, a typical house in the province. Bungalow style at malawak sa loob. Sina Samuel at Brielle naman ay magkatabing nakaupo pero hindi pa sila nakakapag-usap. Ng ilang sandali pa at lumabas na din ang tatay ni Brielle na si Emilio.

"Nandito na pala kayo.." seryosong sabi ng matanda ng makapunta sa kanilang sala. Samuel heart beat get fast in instant when he saw the father of Brielle. He is hoping everything will be okay after this.

"E-Emilio?" Napatayo ang daddy ni Samuel ng makita ang may edad na din na lalaki na nasa harap niya.

"Kumpadre.." Nakangiting sabi ni Emilio ng makita si Mariano.



#maribelatentastories

M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon