"What?" Maang na tanong ni Abigail sa harap ng pinsan niyang si Samuel. Ilang sandali lang pagkabalik nila sa bahay nito ay dumating naman ang pinsan niya.
"Wag mo ako ma-what what Abigail christine bayaran mo yung nagastos mo." Singil naman ni Samuel. Mag-aalas sais siya ng gabi nakauwi sa bahay niya at naabutan niya ngang naroon ang pinsan niya gaya ng sabi ng pinsan .
"Grabe ka sa akin ah! Parang hindi tayo mag kamag-anak."
Sagot ni Abigail habang katabi si Brielle."Alam kong may pera ka Abigail kaya walang grabe doon tsaka bakit card ko pa ginamit mo?"
"'Wala ko cash kanina, tsaka bayad mo na sa akin yun no!" Naiinis na din na sabi ni Abigail, dito siya susunduin ng kanyang asawa ngayon kaya hinihintay niya na lang din.
"Bayad on what? Wala naman akong utang sayo."
"Hello binuntis mo kaya ang kaibigan ko tapos hindi ka naniwala ng sabihin ko ang tungkol doon 8 years ago." Ungkat na naman ni Abigail.
"Abby.." ako na ang magsasaway dahil tiyak na parang aso-t-pusa na naman itong dalawa na ito kapag pinabayaan ko.
"TV lang binili ko tsaka cellphone, the rest mga damit na binili namin ni Brielle tsaka yung TV para naman sa nga pamangkin mo yun so okay na? Tsaka Kuya Samuel kapag nakita mo lang yung mga lingerie nitong si Brielle na nabili namin kanina I'm sure magkakaroon ng kapatid si Thalia."
Hinila ko ang buhok ni Abigail, napakadaldal talaga samantalang siya naman ang pumili ng lahat ng yun.
"At ikaw naman Brielle umalis ka na naman ng naka-short? Diba sabi ko ayaw ko na nakikita kong nakaganyan ka kapag hindi mo ako kasama?" Baling ni Samuel kay Brielle.
"Ito ang komportable suutin eh." Sagot ko.
"Ang kj mo pa din kuya Samuel, anong gusto mo mag-saya si Brielle?" Singit na naman ni Abigail.
"Tumahimik ka diyan Abigail at hindi kita kinakausap." Singhal ni Samuel sa pinsan niya, siya ang pinakamatanda
sa kanilang magpipinsan pero hetong si Abigail kahit anong mangyari parang kasing edad lang pag kausapin siya."Pero infairness kuya Samuel ang ganda pa din ni Brielle, pak na pak pa din ang itsura. Parang walang pinagbago kaya siguro kanina sa mall ang daming nakatingin sa kanya." Dagdag pa ni Abigail habang kumakain siya ng cake na nabili din nila kanina.
"Ano?" Agad tiningnan ni Samuel si Brielle na parang kinukumpirma ang sinabi ni Samuel.
"Hay naku Samuel wag ka maniwala diyan kay Abigail hindi totoo sinasabi niyan." Minsan pahamak din talaga ang babaeng ito eh.
"Umuwi ka na nga Abigail sa inyo bago pa kita maisako." Sabi na naman ni Samuel na halatadong napipikon na.
"Hinihintay ko pa ang pogi kong asawa kuya. Tsaka ngayon lang kami nagkita ni Brielle kaya pagbigyan mo na ako."
Tiningnan na lang ni Samuel si Abigail, ngayon biglang may kuya na ang tawag sa kanya samantalang ng mga nakaraang taon susugurin pa siya nito sa opisina niya para awayin at Samuel lang ang tawag nito sa kanya.
"Let's go Brielle iwan mo muna yang babaeng pasmado
ang bibig, andiyan na daw sila nana Cora." Aya ni Samuel, nasa gate na daw ng bahay niya ang sumundo sa nana Cora ng dating kasintahan. Sa pharmaceutical company niya lumapag ang helicopter niya na sumundo dito sa Panggasinan at galing doon ay yung driver niya na ang sumundo dito papunta dito.Agad akong sumunod kay Samuel palabas ng bahay niya matapos magpaalam kay Abigail, saglit lang kami naghintay at dumating na nga si nana Cora.
"Brielle!" Agad niyakap ng matanda si Brielle ng makababa siya ng sasakyan.
"Nana Cora.." masaya ko itong niyakap ng mahigpit.
"Naku nakakahilo pala sumakay ng helicopter, hindi na ako uulit."
Natatawa ko itong tiningnan, first time din kase nitong sumakay ng helicopter. Pero masaya ako at nandito na ito ngayon at makakasama na namin ni Thalia.
"Nana Cora si Samuel nga pala ang daddy ni Thalia." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Magandang gabi ho." Magalang na bati ni Samuel.
"Ikaw pala ang nakabuntis kay Brielle." Tiningnan ito ni nana Cora at agad nilapitan, kinurot, kinurot niya si Samuel sa tagiliran na kinagulat ng mga tauhan na naroon sa labas ng bahay. "Naku alam mo ba ang hirap niyang si Brielle kay Thalia ha? Tapos eh parang hindi mo na isosoli sa Panggasinan yang mag-ina."
Hindi malaman ni Samuel kung matatawa o magagalit ba sa pagkurot ng matanda sa kanya. Pero dahil sa sinabi nito naintindihan niya agad ang punto nito. "Humingi man po ako ng tawad sa inyo ay tapos na ang nangyari, pero babawi naman ako sa kanilang dalawa ngayon." Sinsero niyang sabi sa matanda.
Napatingin ako kay Samuel, maniniwala ba ako o hindi sa sinabi niya?
"Dapat lang! Aba katakot-takot kaya ang hirap ni Brielle sa anak niyo." Sabi ulit ni nana Cora. "Nasaan na nga pala si Thalia? Miss na miss ko na ang batang yun."
"Nasa kuwarto po nana, nakatulog na kanina sa byahe. Galing po kase kami sa mall." Sagot ko dito.
"Aba'y gisingin mo na ang batang yun at mahihirapan na makatulog yun mamaya." Anya pa ni nana Cora kay Brielle.
"Sige ho nana kayo na ang gumising para makapag-hapunan na din tayo at makapaghinga kayo." Sabi ko sa kanya at inaya na namin siya ni Samuel papasok sa loob ng bahay.
Isang masayang hapunan ang naganap, masayang-masaya si Thalia dahil narito na din sa wakas ang nana Cora niya. Dumating na din ang asawa ni Abigail at muli kaming pinakilala ng makulit kong kaibigan sa isa't-isa. He's even inviting us to go on their house in San Joaquin pero simpleng tango lang ang sinagot ko. I'm not yet ready to go home, hanggang ngayon natatakot pa din ako na hindi tanggapin ng tatay ko kapag nagpakita ako doon. Beside king uuwi man ako dapat lang na magpakita ako sa bahay namin.
It passed nine in the evening pero narito kaming apat sa may swimming pool, Samuel and Gerald are having some drinks. Ipapahatid na lang daw ito ni Samuel pauwi ng San Joaquin gamit ang helicopter niya.
"Don't be too close on him mi loves, salbahe yang pinsan ko na yan remember." Sabi ni Abigail kay Gerald na katabi niya.
"Tsk. Tumigil ka na nga Abigail sa kakaganyan mo, wag mong ibahin yung usapan bayaran mo yung three hundreds thousand ko." Si Samuel matapos inumin ang hawak na beer.
"Neknek mo as if babayaran ko yun, si Brielle pwede gamitin yung card mo pero akong pinsan mo hindi puwede? ang unfair mo naman!" Reklamo ni Abigail.
"Bakit si Brielle ka ba? Hindi naman diba?" Sagot ni Samuel. "Buti Gerald natatagalan mo yang pinsan ko? Look at her, she's so annoying."
Natawa ng malakas si Gerald bago sumagot. "We've been together for 8 years and yes may time na nauubusan ako ng pasensya sa pinsan mo lalo na kapag gumagawa ng kalokohan pero wala eh. Mahal ko." Simpleng sagot niya.
Ngingiti-ngiti naman si Abigail na dinilaan ang pinsan niyang si Samuel. At tsaka hinawakan ang kamay ng asawa. "Well ganda kase ng pinsan mo eh." Sabi niya kay Samuel with matching pairap pa ng mata.
Natawa ako sa kalokohan ni Abigail, but her husband is right makulit talaga ang kaibigan ko at ikaw na lang ang susuko sa kulit nito still Abigail is one of the nicest person that I ever met and I'm happy for both of them. They look a lovely couple at alam kong magiging masaya pa sila lalo sa mga darating na taon.
☕☕☕☕☕☕☕☕
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A Series #3 Samuel Dawson
RomanceSamuel Dawson and Brielle story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.