"Sir hindi daw puwede lumapag ang helicopter niyo sa San Juaquin." Sabi ng piloto ng helicopter ni Samuel.
Napamura naman ng malakas si Samuel sa sinabi nito, napatingin na lang siya sa ibaba. Kaunti na lang sana eh, nasa San Juaquin na siya dapat pero bakit biglang ganito? Agad niyang inayos ang suot na pin ridel o headset para kausapin ang piloto niya na nasa unahan. "So what are we going to do?"
"Lalapag na lang po tayo sa katabing probinsya tapos doon na lang kayo sasakay ng kotse niyo. Wala naman ho kase sinabi kung bakit bawal tayo lumapag sa kanila." Paliwanag ng piloto.
"Okay sige, do it then." Sabi na lang ni Samuel.
Pero paglapag nila sa katabing probinsya ng San Joaquin ay hindi pa pala doon natatapos ang kalbaryo ni Samuel dahil hinintay pa nila ng ilang oras para makarating ang sasakyan niya na galing Tagaytay kung saan naroon siya kanina. Alas syete pasado na ng gabi ng dumating ang driver niya, dalawang kotse ang dala niya ngayon ang isang sasakyan ay sakay ang apat na bodyguard na bitbit niya tapos ang isa ay para sa kanya.
"Come on tell me what's happening here? Bakit ayaw niyo ako papasukin sa San Juaquin?" Napipikon na tanong ni Samuel habang nakapameywang sa pulis na nasa checkpoint sa bukana papasok ng probinsya. Ito lang ang tanging daan at kalsada para makapasok sa probinsya ng San Joaquin. Pagod na siya at kanina pa nauubusan ng pasensya tapos ganito pa ang nangyayari.
"Pasensya na po sir utos ho kase ito ni Vice governor, kanina pa ho talaga pinapabantayan ang sasakyan niyo at wag daw papasukin ng San Joaquin." Magalang na sagot ng isang pulis kay Samuel, nagkaroon kase sila ng biglaang checkpoint ngayong araw.
Napaigting ang panga ni Samuel sa narinig, now he have idea what's happening. Nagpasalamat siya sa pulis at agad siyang bumalik sa loob ng sasakyan niya at nag-dial ng numero sa kanyang telepono.
"Abigail what's the meaning of this? Bakit ayaw ako papasukin ng mga pulis sa San Juaquin?" Wala ng pasakalye na tanong ni Samuel matapos sagutin ng pinsan niya ang tawag. Alam niyang ito ang may gawa nito.
"Hi my dearest cousin!" Masayang bungad ni Abigail. "Anong nangyari? Ayaw ka papasukin dito? Hala bakit daw?"
Bumuntong hininga muna si Samuel bago nagsalita. "Kaya nga ako tumawag sayo dahil yun ang sabi ng mga pulis dito sa checkpoint papasok ng San Joaquin. Order daw ito mula sa vice governor, and I'm one hundred percent sure hindi ito gagawin ng asawa mong si Gerald na bise gobernador ng San Joaquin sa akin kaya alam kong ikaw ang may pakana nito."
"Wow ah!" Kunwaring gulat na sabi ni Abigail. "Bintangers yarn? Masama ang nangbibintang kuya Samuel kinukuha agad yan ni lord."
"Abigail christine!" Galit ng sabi ni Samuel. "Hindi na ako natutuwa ha, kailangan kong makausap si Brielle kaya tigilan mo na ang kalokohan mo na ito." Sabi niya. "Pagod na ako kanina pa, naka-helicopter ako kanina pero hindi kami pinalapag tapos ang tagal ko pang hinintay ang sasakyan ko."
"Bakit parang kasalanan ko pa? Pagod ka na kuya?" Tanong pa ni Abigail. Alam niya na kung nasa harap niya lang ang pinsan ngayon ay masasakal na talaga siya nito.
Pareho lang ito at si Gerald once na tinawag na ng buo ang pangalan niya ay galit na talaga. Pero syempre mas iinisin niya pa ito."Yes I'm tired so tawagan mo na ang pulis dito sa checkpoint para makatuloy na kami diyan." Sabi na naman ni Samuel.
"Nakaupo ka nga lang sa byahe tapos pagod ka na agad? Pero kapag nagkakantunan kayo ng kaibigan ko inaabot kayo ng umaga."
"ABIGAIL!" Tangina talaga ang bibig ng babaeng ito napaka-pasmado! Sa isip-isip pa ni Samuel. "Your mouth! Ano ka ba!"
"My mouth is talented kuya tanong mo pa kay mi loves." Natatawang sagot ni Abigail.
"Hindi nakakatuwa Abigail, that's gross!" Napangiwi pa na sabi ni Samuel. "Dalian mo na tawagan mo na ang pulis dito para makapasok na ako diyan."
Ay naku ha! Ikaw ang may kailangan tapos may pasigaw-sigaw ka pa sa akin. Wow imba ka kuya!" Pang-aasar pa ni Abigail. "Tsaka wag ka nga demanding diyan, haller ikaw ang may kasalanan dito no!"
"Sige na Abigail tawagan mo yung pulis dito para makapasok na kami ng San Joaquin." Ulit uli ni Samuel. Kamag-anak ko ba talaga ito? Matanong nga si tita kung hindi ba napalitan si Abigail sa ospital.
"No way! Ano ako bale? Kahit magpinsan tayo yung loyalty ko ay naka Brielle no! Bahala ka diyan mag-isa kuya! Bumalik ka na lang doon sa chararat mong fiancee kuno dahil hinding-hindi ka talaga makakapasok dito sa San Juaquin!" Sabi pa ni Abigail at muling pinatayan ng tawag ang pinsan niya, lintek lang talaga ang walang ganti, noon siya sinasabihan nito na hindi na makakapasok sa kompanya nito at bahay niya pero ngayon siya naman ang magbabawal!
Muling dinial ni Samuel ang numero ni Abigail matapos siya nitong patayan ng tawag pero nakapatay na ito. Ngaling-ngaling ibato niya ang telepono. Okay I'll try to call Gerald. Relax Samuel baka bigla kang magkasakit sa puso.
"Hello? Pare?" Sabi ni Gerald ng sagutin ang tawag ni Samuel. He was expecting his call since earlier.
"Gerald I know you have idea on what your wife did to me ayaw ako palusutin dito sa checkpoint papasok ng San Joaquin baka naman puwedeng ikaw na ang tumawag man lang sa mga pulis dito." Dire-diretsong sabi ni Samuel, Gerald might be a silence type if person but he knew of course he's powerful also on politics. At isang utos lang nito sa mga pulis na narito sa checkpoint ay makakadaan na siya.
"Yes, yes I knew that. Pasensya na Samuel pero si Abigail ang may gusto niyan at kumausap sa provincial general ng San Joaquin kanina. Galit sayo ang pinsan mo pare dahil daw sa ginawa mo sa kaibigan niya, and honestly sinabi niya kanina sa provincial general namin na wanted ka daw at balak mong kindnapin sina Brielle dito. Gerald explained, and knowing his wife na magaling mag-drama naniwala naman siguro ang mga pulis dito.
Putangina talaga! Ako wanted? At mangingidnap? Siraulo talaga ang Abigail na yun! Ginawa pa akong suspect! "But I need to go there Gerald, kailangan kong makita at makausap ang mag-ina ko. Tulungan mo naman ako pare.." sabi ni Samuel.
"Sorry Samuel kilala mo naman si Abigail baka ako naman ang mawalan ng asawa kapag tinulungan kita. Actually wala nga sila dito sa bahay, nasa Caspir sila kasama ang mag-ina mo sa resthouse namin." Paliwanag pa ni Gerald, kaninang hapon nagtungo doon ang mga ito sa kabilang bayan ito ng Estrella and of course takot niya lang mawalan ng sexy time silang mag-asawa.
"So what should I do then? I really need to see Brielle and Thalia Gerald." Parang nanghihina na sabi ni Samuel.
"I have a friend who can help you pero wag mo na itong sabihin sa pinsan mo dahil baka sa akin naman siya magalit." Sabi pa ni Gerald baka tuluyan na siyang mawalan ng sex life kapag nalaman ng asawa niya na tinulungan niya si Samuel.
"Okay sige! Deal." Bigla tuloy nagkabuhay si Samuel sa narinig.
"Pero eto pare durugista ito ah, inuunahan na kita mandurugas itong makakatulong sayo kaya mag-expect ka na na may kapalit ito para makapasok ka dito sa San Joaquin." Paliwanag na naman ni Gerald.
"Okay no problem wala akong pakialam kahit pa ano hingiin niya basta ang importante makita ko lang ang mag-ina ko." Saad ni Samuel, kung pera ang hihingiin ng sinasabi ni Gerald para tulungan siya ay walang problema doon.
Then Gerald smiled while holding his phone, dapat niya lang tulungan si Samuel para naman makauwi na din ang mag-iina niya dito sa bahay. "I'll send to you his number, my friend Eros Jacinto is the one who can help you Samuel. He's the Governor of San Juaquin and no one can say NO to him aside on his wife."
Excited ako sa next chapter😆 namiss ko si Eros hahahaha. Pakape na kayo para masaya! Maulan pa naman ngayon!
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A Series #3 Samuel Dawson
RomanceSamuel Dawson and Brielle story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.