08

53.4K 1.4K 21
                                    


Thank you sa mga walang sawang tumutulong magreport ng mga nagbebenta ng soft copies ng story ko. Libre na nga sa wattpad ibebenta pa😑



It passed ten in the evening when I go outside to drink water on the kitchen, dahan-dahan pa akong umalis sa tabi ni Thalia, tulog na ito kanina pa. Then I saw Samuel drinking alone on his small Bar here on his penthouse. "Samuel.." tawag ko sa kanyang pangalan ng makita ito.

"Ikaw pala Brielle, bakit gising ka pa?" Tanong ni Samuel ng makita ang dating kasintahan.

"Iinom lang ng tubig." Simple kong sagot at dumiretso ako sa kusina niya at kumuha muna ng baso bago naglagay ng malamig na tubig mula sa ref at ng matapos akong uminom ay nilapitan ko ito ulit. "Anong oras tayo aalis bukas?" Tanong ko sa kanya.

"After breakfast, need ko din pumunta sa company before lunch." Sagot ni Samuel pagkatapos inumin ang alak sa kanyang baso.

"Okay sige maaga naman nagigising si Thalia. It's getting late Samuel, dapat matulog ka na." Sabi ko pa ng makitang mapungay na ang mga mata nito. Samuel is not a heavy drinker madali din ito malasing katulad ko. "Bakit ka ba umiinom?"

"Just celebrating.."

Naupo ako sa isang stool chair sa harap niya tutal hindi pa naman ako inaantok. "Celebrating of what?"

"Na may anak pala talaga ako, tayo.." ngumiti pang sabi ni Samuel sa kaharap.

"H-hindi ka ba galit dahil nabuntis ako? Alam ko mas malaki ang kasalanan ko dahil may Thalia tayo ngayon. Hindi ko alam pero siguro may time noon na nakakalimutan kong uminom ng pills." Paliwanag ko sa kanya.

"Why should I be mad? I should be thankful dahil hindi ka nagpadalos-dalos noon ng malaman mong buntis ka. You're graduating that time but you choose to continue your pregnancy even without me.."

"Hindi ko naman pinag-sisisihan na ipagpatuloy ang pagbubuntis ko noon, at kung iniisip mo na baka pumasok sa isip ko ang magpa-abort nagkakamali ka. I maybe young back then pero hindi ko kayang pumatay."

"And I am so proud of you for that, you raise Thalia very well Brielle. Hindi man dapat ako matuwa sa nangyari sa kanyang aksidente pero kung hindi dahil doon ay hindi ko naman makikilala ang anak natin." Samuel reach Brielle's hand. "And I owe a lot to you because of that." Puno ng sinseridad na sabi ni Samuel.

I'm looking on his hand that are holding mine, para akong nakukuryente na hindi ko maintindihan but I calm myself baka sabihin niya may epekto pa siya sa akin hanggang ngayon. "Kahit naman anong mangyari ikaw pa din ang tatay ni Thalia, at kahit itago ko sa kanya kung nasaan ba ang tatay niya darating pa din ang time na hahanapin ka niya."

"And my father want to meet you, you remember him right?" Binitawan niya ang kamay ni Brielle at muling nagsalin si Samuel ng alak sa kanyang baso at ininom ito.

Tumango ako bilang sagot, natural kilala ko ito at natatandaan ko pa hanggang ngayon. "Hindi naman kita aalisan ng karapatan kay Thalia pero sana kahit anong mangyari wag mo siyang ilalayo sa akin. Your rich Samuel, even your family at kung tutuusin ay kayang-kaya mong gawin yun ora mismo pero sasabihin ko na sayo kapag ginawa mo yun hindi ko kaya, hindi ko makakaya na wala ang anak ko. Hindi ko kayang wala si Thalia at hindi kita mapapatawad."

Tumayo si Samuel sa kanyang kinauupuan at nilapitan si Brielle at muling hinawakan ang kamay nito. "I will not do that Brielle, hindi ako siraulo para gawin ang bagay na yun." Paninigurado niya dito.

"Mabuti na ang sigurado Samuel na habang maaga alam mo na ayokong mangyari ang ganoon." Sabi ko pa.

Samuel stared on Brielle, kung hindi siya nagkakamali twenty nine years old na ito ngayon pero kahit ilang taon man ang lumipas Brielle still look the same kahit mas nag-matured na ito ngayon at hindi katulad dati. "Did you had a boyfriend or relationship after we separated ways?" Hindi niya maiwasang itanong, parang hindi niya maisip na may sumunod sa kanyang maging nobyo nito o kung may nobyo nga ba ito ngayon. Siya ang una lahat dito, first boyfriend, first love at sa kanya pa binigay ni Brielle ang pagka-birhen nito ng mismong kaarawan niya noon.

Naiilang akong lumayo ng tingin. "W-wala, sa tingin mo magagawa ko pang mag-boyfriend pagkatapos ng nangyari sa atin? I was busy taking care of Thalia, at isang buwan nga lang ng makapanganak ako ay nagtrabaho na ako dahil kung hindi wala kaming kakainin at hindi ko mabibigay ang pangangailangan niya." Its not easy to be a single mom on a young age, pero kinaya ko para sa anak ko, may time noon na gusto ko ng umuwi na lang ng San Joaquin at lumuhod na lang sa harap ng tatay ko at humingi ng tawad. Pero natatakot ako na baka kapag malaman niya kung sino ang nakabuntis sa akin at ama ng anak ko ay sugurin niya ito.


Napatiim bagang si Samuel sa narinig kung sana nakinig siya at naniwala sa pinsan niyang si Abigail noon ng sabihin nitong buntis si Brielle ay siguro hinanap niya ito dahil hindi talaga siya papayag na magbuntis at palakihin nito ng mag-isa ang anak nila. "I-im sorry for that, at alam ko hindi ko na mababalik ang panahon na yun kaya babawi ako ngayon sayo at kay Thalia."

"Kung wala nga si nana Cora hindi ko alam kung saan ako pupulutin noon, kaya lang naman ako napadpad sa Panggasinan dahil taga doon siya. At nung umalis ako sa bahay siya na ang kasa-kasama ko hanggang ngayon." Kuwento ko sa kanya, nana Cora is like my second mom. Anak kung ituring ako nito at apo naman kay Brielle. "She's old Samuel pero inaalagan niya pa din si Thalia kapag nasa trabaho ako." Matanda kaseng dalaga si nana Cora pero may mga kapatid ito sa Panggasinan na walang sawang tumulong sa akin ng manganak ako.

"Puwede ko siyang ipasundo bukas kung gusto mo." Samuel said.

"Talaga?" Tiningnan ko ito sa mukha ng diretso. "Thalia will be happy if she will see her nana."

"Then ipapasundo ko siya bukas, I should thank her also for taking care of you and Thalia." Saad pa ni Samuel.

Nginitian ko ito, we really both matured now. Mas iba na talaga kami ngayon lalo na ako. Kung bata-bata pa siguro ako ay baka hindi kami ganito ka-casual sa isa't-isa at baka inaaway ko na ito. "I-ililigpit ko na itong ininom mo Samuel, matulog ka na." Nakakailang naman kase dahil ang lapit-lapit namin sa isa't-isa.

"I'm not yet sleepy Brielle and I was thinking about these for two days." Anya ni Samuel.

"Tungkol saan?"

"W-what if we continue our relationship? let's give it another shot, let's give Thalia a complete family."

"S-samuel ano ka ba." Pilit pa akong tumawa sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko. "Lasing ka na yata at kung anu-ano ang sinasabi mo."

"I'm serious Brielle at hindi ako lasing, I want to give Thalia a complete family." Ulit ni Samuel.

"Kung gagawin lang natin yun para bigyan ng kumpletong pamilya si Thalia at wala naman na tayong nararamdaman sa isa't-isa that will be useless Samuel. Ayokong lumaki na nakikita ni Thalia na kaya lang tayo nagsasama ay dahil gusto lang nating bigyan siya ng sinasabi mong kumpletong pamilya." Of course I want to give my daughter a complete family pero ayokong i-trap ang sarili ko sa ganon kung wala naman na kaming nararamdaman ni Samuel sa isa't-isa na kung hindi naman na namin mahal ang isa't-isa. "Did you understand my point?"

Samuel caress her face. "'I'm still attracted to you Brielle kung yun ang gusto mong malaman. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay natin noon pero baka puwede natin bigyan ng isa pang pagkakataon ang relasyon natin." Hindi itatanggi ni Samuel pero may puwang pa din sa puso niya si Brielle ng makita niya ito ulit kahit lumipas na ang maraming taon.

I just stared on him, heto na naman ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Baka naman lasing lang siya kaya nasasabi niya ang ganito? "H-hindi ko alam Samuel ang isasagot ko sayo, hindi ko alam."

Hinawakan ni Samuel ang baba ni Brielle at itinaas, yumuko kase ito agad ng magsalita siya. "Then this might change your mind." He lower his face and kiss her lips.

Sana may manglibre pangpagana lang mag update❤
#maribelatentastories

M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon