03

65.2K 1.5K 33
                                    




Samuel can't believe what he's seeing right now, a little girl laying on the hospital bed really looks like him. Para niya itong male version.  "What's her name? "Baling niya kay Brielle na nakaupo sa tabi ng kama at hawak ang maliit na kamay ng bata..

"T-thalia, her name is Thalia. 7 years old na siya." Sagot ko naman, isinalin na dito ang dugo na kinuha mula kay Samuel kanina. "Puwede mo siyang ipa DNA test kung nagdududa ka na anak mo siya Samuel." I said to him without looking on his eyes. Of course he will ask me for sure how it happened that we had a child now. Ang alam nito ay umiinom ako ng pills noon pero may araw na sa sobrang busy ko sa school ay nakakalimutan kong uminom. And it's my fault, kasalanan ko kung bakit ako nabuntis. Pero yung makita ko siya na may kasamahang babae ng araw na sasabihin ko sa kanya na buntis ako ang hindi ko mapapalagpas.

Natahimik si Samuel sa sinabi ni Brielle, hindi niya inaasahang magsasabi ito tungkol sa DNA test. But now he's 100 percent sure na anak niya talaga ang batang ito na walang malay sa harap niya. But of course he will run DNA test when they reach Manila.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon ang tungkol sa bata? Na nabuntis pala kita? Na may anak na pala tayo?" W-why Brielle? Why?" Yun ang kanina niya pa gustong malaman tungkol dito kung bakit ngayon lang pagkalipas ng halos walong taon.

"I tried Samuel, I tried. Pero umalis ka papuntang Amerika kasama ang babae mo, and I said also to Abigail about my pregnancy that time. Sinabi ko yun sa pinsan mo, but what you did? Hindi ka naniwala kay Abigail diba? Hindi ka naniwala na buntis ako. I tried to call you a lot of times ng sabihin sa akin ni Abby na ayaw mo siyang paniwalaan." Halos basag na ang boses na sabi ko at tiningnan si Samuel. "Then I saw your picture with your woman being happy, tapos itatanggi mo sa akin na wala kayong relasyon? Na walang nangyari sa inyo ng makita ko kayo? Habang ako tinakwil ng  tatay ko dahil nabuntis ako ng maaga ikaw nagpapakasaya naman pala sa ibang bansa."
Hindi ko maiwasang isumbat sa kanya, alam ko mas malaki ang kasalanan ko pero ako ang mas naghirap kaysa sa kanya.

"Wala kaming relasyon ni Katarina Brielle!" Saad ni Samuel. "Nagpaliwanag ako sayo noon diba? Pero ayaw mo maniwala. She seduced me that night! And swear to God wala talagang nangyari sa amin ng gabing yun. At kung nalaman ko lang na buntis ka papanagutan kita alam mo yan!"

"Pero hindi nga nangyari diba? Hindi ka nga naniwala kay Abigail eh." Abigail is his cousin, na naging matalik ko namang kaibigan noong nasa med school kami sa San Juaquin. Ang pinsan din niya ang dahilan kung bakit kami nagkakilalang dalawa. "Hayaan mo wala naman ako balak maghabol sayo, s-salamat sa dugo mo dahil nadugtungan ang buhay ng anak ko."

"Anak natin Brielle! Anak natin hindi lang anak mo." Mabilis na sabi ni Samuel, if Abigail will knew this he's sure susugurin siya nito.

"Hindi ka pa nakakasigurado na anak mo talaga si Thalia Samuel, kaya ipa DNA mo siya pagdating sa Manila." Muli kong hinawakan ang kamay ng anak ko, sabi kanina ng doktor ay magiging maayos na daw ang lagay nito dahil nasalinan na ng dugo. Pero hindi ako tatanggi na matingnan ng ibang espesyalista ang anak ko sa Manila.

"Does Abigail know this? Nakakausap mo pa din ba siya hanggang ngayon?" Hindi pinansin ni Samuel ang sinabi ni Brielle tungkol sa DNA test, dahil siguradong mag-aaway lang sila tungkol dito. Hindi na sila nagkakausap ng pinsan niyang si Abigail simula noong hindi niya na makita si Brielle. At kahit sa mga family gatherings ng pamilya nila ay hindi siya nito kinakausap hanggang ngayon, ni hindi nga siya inimbitahan ni Abigail ng magpakasal ulit  ito sa pangalawang pagkakataon sa simbahan. His cousin got married on her  childhood sweetheart, Gerald. The vice governor of San Juaquin.

"Ang alam lang ng pinsan mo ay buntis ako dahil nagkausap pa kami bago ako umalis sa San Juaquin pero after that wala na ako naging contact sa kanya simula noon." Sagot ko naman, and knowing Abby siguradong sasakalin ako nito kapag nakita niya ako ngayon.

"How about your family?" Tanong ulit ni Samuel.

"Ayoko pag-usapan ang tungkol doon, ang importante ngayon sa akin ay nasalinan na si Thalia ng dugo at magising na sana siya." I don't want to talk about my family anymore, my father is fuming mad at me when he knew I'm pregnant. Sino ba naman ang matutuwa na magulang? Alam ko ang hirap ng tatay ko noon mapag-aral lang ako sa kursong medisina. At isang taon na nga lang sana ay magtatapos na din ako. Pero nabuntis ako, my father asked me many times who is the father of my child at sa hindi ko malamang na dahilan ay hindi ko sinabi sa pamilya ko kung sino ba ang nakabuntis sa akin. Dawson family is famous on our province, kilala sila sa pagnenegosyo katulad ng pamilya nila Abigail. But I stayed silence, walang sino man ang nakaalam kung sino ang tatay ng anak ko maliban sa kaibigan kong si Abigail.
"Bibili muna ako ng makakain, maiwan muna kita dito." Paalam ko sa kanya, pinauwi ko muna kase si nana Cora para kumuha ng ilang damit naming mag-ina dahil luluwas nga kami ng Maynila para mas matingnan ng maayos si Thalia.

Tiningnan na lang ni Samuel si Brielle na lumabas ng kuwarto, then he sit down on the chair beside of his daughter bed. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ito.

So all this year may anak pala talaga ako? And she's seven years old now! I can't wait to talk to her, na magising siya at makilala namin ang isa't-isa. Hindi pa kami tapos mag-usap ni Brielle at madami pa kaming dapat pag-usapan, ang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero tama nga siya uunahin muna namin na maging ayos ang kalagayan ng anak namin, sabi ni Samuel sa sarili.

Libre nyo na ako para masaya🙂
#maribelatentastories

M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon