OUR STORY THAT BLOOMED AGAIN
--PROLOGUE--
I smiled at him and nodded.
"I promise..."
"Promise mo talaga 'yan ah?" Paniniguro niya bago isinuot ang singsing sa daliri ko.
Mahigpit niya iyong hinawakan at pinagsalikop niya ang aming mga daliri. Napatitig ako roon at hindi na napigilang mapangiti. Hindi ko alam na may araw pa palang masasaya ako sa lahat ng nangyayari sa aming dalawa.
Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Sa ilalim ng paborito naming puno, sa gitna ng palayang pagmamay-ari nila Christian at ng karagatan sa likuran, sa tabi niya kung saan itinuturing ko ng lugar na kinabibilangan ko.
"Hindi mo na puwedeng bawiin. Nangako ka na sa akin. Dito sa paborito nating lugar." Nakanguso niyang sabi. "Gagawin mo 'yang pangako mo, ah?"
"Oo naman." Natatawa kong sabi. "Wala ka bang tiwala sa akin?"
Lalong humaba ang nguso niya. "Mayroon naman... Gusto ko lang makasiguro..."
Ginaya ko ang nguso niya. "Ikaw nga riyan eh. Sa ating dalawa, ikaw ang maraming nagkakagusto."
Binitawan niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Sinubsob niya ang mukha sa aking balikat. Natawa ako lalo na't para siyang batang ayaw maiwan mag-isa.
"Ikaw naman ang gusto ko eh. Basta, araw araw bibisita ako sa inyo. Pagkatapos ng klase, susunduin kita palagi sa school mo."
"Malayo kaya!" Singhal ko. "Hindi mo naman puwedeng hiramin 'yong sasakyan ng papa mo."
"Magcocommute ako." Aniya. "Puwede naman 'yon."
Tinampal ko ang braso niya kaya humarap siya sa akin. Uminit ang pisngi ko nang makitang kunti lamang ang distansya naming dalawa.
"Baliw ka ba? Maaksaya ng pera 'yon!"
Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Bakit parang ayaw mo na sunduin kita?"
"Ayaw ko lang na nahahassle ka. Hindi ka ba mapapagod doon?"
Bumilog ang mga mata ko nang bigla niya akong dampian ng halik.
"Kapag ikaw ang pinag-uusapan, hindi ako mapapagod."
Ngumisi siya bago ako muling hinalikan ng saglit.
"Lipat na rin kaya ako sa school mo?"
Muli kong tinapik ang balikat niya dahil sa pinag-iisip niya. Akala siguro niya madaling lumipat ng school. Nakapagbayad na si mama niya tuition niya sa school na papasukan niya. Samantalang ako ay may nakuhang scholarship sa school na papasukan. Bukas na rin ang pasukan kaya mahirap gawin ang gusto niya.
"Baliw..." Nakanguso kong sabi.
Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Wala akong nagawa kundi gamitin ang kamay bilang suporta sa likuran ko. Biglang humangin sa bukid kaya mas naging payapa ang lahat.
"Mamimiss kita..." Bulong niya sa damit ko. "Sobra."
"Magkikita naman tayo tuwing hapon!"
"Kahit na... Hindi na kita makikita sa umaga at tanghali."
Napapikit ako. Ang laki talaga ng problema ng lalaking 'to. Tiningnan ko siya na nakasubsob pa rin ang mukha sa balikat ko.
"Para naman akong mag-aabroad niyan, Christian."
"'Yon na nga eh. Pakiramdam ko mapapalayo ka ng sobra sa akin."
Humiwalay siya at nakasimangot akong tiningnan. "Bakit ka ba kasi diyan nag-apply ng scholarship?"
Natawa ako sa hitsura niya. He is sulking too much. Hindi ko alam kung maiinis na ba ako o tatawa sa mukha niya.
"Alam mo... Ang pangit mo talaga kapag nakasimangot." Sabi ko sabay pisil ng kaniyang medyo chubby na pisngi.
"Aray!" Aniya.
Tumakbo ako palayo habang tumatawa. Kabado na baka mahuli niya ako at bawian.
Unting unting nawala ang sinag ng araw. Napalitan ito ng magdidilim ng lugar. Wala na ang malalagong palay sa paligid kundi mga bagong tanim. Ang lubak lubak na daan ay ganoon pa rin ngunit tila pakiramdam ko sobrang dami ng nagbago.
Napalunok ako at napayuko. Pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako aapak sa lugar na 'to. Hindi na ako babalik pa at kalilimutan nalang ang lahat. Pero heto ako ngayon, nakatayo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Kung saan natapos ang lahat.
Bumuhos ang ulan. Wala akong dalang payong kaya nabasa ako. Napalunok ako at mas lalong bumigat ang pakiramdam. Gustong maiyak ng mga mata ko pero walang lumalabas.
Parusa ko ba 'to? Sa lahat ng nagawa ko sa kaniya?
Unti unti akong umupo sa putikan at niyakap ang mga binti. Muling nanumbalik lahat ng mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Mga ala alang gustong gusto ko ng talikuran at ibaon sa hukay.
Siguro nga, parusa ko 'to. Deserve ko 'to dahil ako naman ang may kasalanan. Pinaparusahan ako dahil sa pagiging makasarili ko. Kasalanan ko lahat. Siguro kailangan ko nalang tanggapin ang mga ito.
Natigilan ako nang biglang wala akong maramdamang ulan. Dalawang pares ng sapatos ang tumumbad sa paningin ko. Pamilyar na pamilyar at kilalang kilala ko kung kanino.
"Basa ka na."
Hindi ako nag-angat ng tingin. Mas humigpit ang yakap ko sa sarili ko.
"Kung gusto mo palang magkasakit, sana hindi mo na tinanggap ito."
Now I feel bad for myself. Kung awa awa na ako sa sarili ko, mas grabe ngayon. Pakiramdam ko napakapathetic kong tao.
Christian squatted in front of me. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at ibinigay ang payong na nakabukas. Nakita kong may payong na isa sa palapulsuhan niya. Binuksan niya 'yon.
"Kung tingin mo maaawa ako sa'yo dahil sa ginagawa mo, nagkakamali ka."
Tumayo na siya. Tinitigan akong hindi makatayo sa sobrang panghihina. Lumambot ang ekspresyon niya ngunit agad ding nawala 'yon. Umiwas siya ng tingin at hirap na lumunok.
"Don't turn the tables, Jasmine. It won't work anymore. Hindi na ako ang Christian na kilala mo."
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe