Chapter 17
The one
JASMINE'S POV
Hindi ko alam kung paano ko nahila ang medyo tipsy kong pinsan matapos nang nangyari sa ilog kanina.
Mabuti nalang talaga may nakita akong pedicab kanina pauwi kaya nakasakay kami ni Rylanie.
Sinarado ko kaagad ang pintuan ng kuwarto ko. Dahan dahan akong napaupo sa sahig habang si Rylanie ay nahihilong humiga sa higaan ko.
May gusto sa akin si Christian? Paano nangyari 'yon?! I mean, hindi ko napansin! Napahawak ako sa dibdib kong sobrang bilis ng kabog. Bagay na alam kong hindi dahil sa karamdaman ko sa puso.
Baliw na ata ako. Nakakabaliw ito! Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Talaga bang nangyari 'yon?!
"Bakit ba tayo umuwi agad? Ang sakit ng ulo ko."
"Huh?" Natauhan ako sa tinanong niya.
"Nagmamadali kang umuwi. Pauwi na ba sila papa?"
"O-oh?" Kumurap kurap ako.
"Huh?" Binuksan ni Rylanie ang mata niya pero pinikit din. "Nalasing ata ako. Umiikot paningin ko."
"Lalabas lang ako..." Nanginginig ang kamay kont binuksan ang pintuan ng kuwarto ko at bumaba.
Tulala ako hanggang sa makarating sa kusina. Wala sa sarili akong uminom ng tubig pero hindi pa rin nun nakakalma ang puso kong parang nakikipagkarera sa mga iniisip ko.
May gusto siya sa akin. May gusto sa akin si Christian. I really can't believe it. How? I mean, since when? Kailan pa siya nagkagusto sa akin? Bakit hindi ko napansin?
Ilang oras yata akong ganon ang posisyon habang iniisip ang pag-amin sa akin ni Christian. Nabalik nalang ulit ako sa reyalidad nang marinig ko ang sasakyan ni papa.
"Hala. Sila papa." Una ko kaagad naisip si Rylanie na siguradong maaamoy nila uncle.
Kaya nagmadali akong umakyat sa kuwarto at ginising si Rylanie para utusan siyang maligo.
"Bilisan mo. Bilisan mo!"
"T-teka! Umiikot paningin ko!" Aniya. Binigyan ko siya ng tuwalya at pinababa.
Ako naman ay nagmadaling mag-ayos sa higaan at pinilit na tanggalin ang amoy alak sa kuwarto ko. Pinalitan ko rin ang mga punda't kumot ko.
"Jasmine? Rylanie?" Tawag ni papa sa akin kaya nataranta na ako.
"Po? Pababa na po!"
Nakapasok kaya sa bathroom si Rylanie? Bumaba na ako nang masiguro ko ng wala ng amoy ang kuwarto ko. Pagbaba ko, nilingon ko kaagad ang bathroom. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig na nagshoshower na siya.
"Kumusta ang picnic ninyo? Nadaanan ko si Christian na pauwi sa kanila. Katatapos lang?" Tanong ni papa na naglalagay ng pagkain sa kitchen island.
"P-po?" Bigla akong ninerbyos sa pagbanggit ng pangalan ni Christian. "Kanina pa po kami umuwi. Hindi pa po sila tapos nang umuwi kami."
"Ah, ganoon ba? Sige sige. Tulungan mo nalang akong magluto. Darating din ang mommy ni Rylanie at ang kapatid niya kaya maghahanda tayo."
"Sunduin ko lang asawa ko John. Nasa bayan na raw sila." Ani uncle na agad namang tinanguan ni papa.
"Darating na sina mommy?!" Sigaw ni Rylanie sa banyo.
"Oo kaya bilisan mo riyan."
Sandaling nawala sa isip ko ang nangyari kanina sa ilog habang tinutulungan si papa sa pagluluto. Dumating din sina auntie at ang kapatid ni Rylanie na eight years old na si Jayette.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe