CHAPTER EIGHT
JASMINE'S POV
"Kausap ko si Mr. Picasso kanina. Mukhang nagustuhan ng may-ari 'yong trabaho natin kaya baka mabigyan ulit tayo ng project."
Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan ni papa at ng kausap niya sa kabilang linya. Almusal at may pasok ako pero masaya ako dahil isa ito sa mga miminsang mangyari sa bawat araw ko, ang makasama si papa sa hapag kainan.
Napapadalas na rin kasi ang pagtratrabaho't pag-oovertime niya kaya hindi na kami minsan napang-aabot. Pero bumabawi naman siya sa akin kapag may pagkakataon.
"Kain ka ng marami anak. Mukhang maraming biyaya ang darating sa atin." Ginulo ni papa ang buhok ko habang nakangiti.
"Talaga pa? May bago kayong project? Saan naman po?"
"Hindi pa sigurado. Pero palagay ko sa kabilang bayan lang kaya siguro magtatagal pa tayo rito."
Sa kauna-unahang pagkakataon, natuwa ako na hindi kami lilipat. Dati rati kasi, kapag sinasabing lilipat nanaman kami ng tirahan ay ayos lang sa akin. Mas maganda dahil hindi ko na makikita ang mga kaklase kong sabihin na nating, medyo may hindi maganda sa pag-uugali.
Ngayon kasi ay iba. Lahat ng mga kaklase ko ay maayos ang pakikitungo sa akin. May mga naging kaibigan ako kagaya nila Christian at Timothy. Sila Rita kasama pa ng ibang nakilala. Nasa kalagitnaan na rin kami ng school year at medyo nakikilala ko na sila ng mas mabuti.
Si Rita ang masasabi kong ina ng klase. Palaging taga-saway at sumusunod naman sa kaniya lahat. Si Anna na may pagkamaldita pero nailulugar, hindi gaya ng mga kaklase ko sa dating school. Si Ella na competitive kagaya ni Rita at si Hazel na palaging busy sa SSG.
Tapos si Christian at ang kaibigan nito sa kabilang section na si Timothy. Sila palagi ang nakasasabay ko pauwi dahil pareho kami ng dinadaanan. Kaya hindi rin nagtagal at naging palagay na rin ako sa kanila. Lalo na kay Christian na palagi akong kasama.
Humikab si Christian kaya napalingon ako. "Ang tagal matapos ng klase."
Hindi ko napigilang matawa dahil kanina pa siya hikab ng hikab. Mukhang napuyat yata ito. Siguro sa pag-aaral. Kapag nahuli ito ni sir Jervin ay mapagagalitan nanaman siya.
"Diyan sa likod, naiintindihan niyo ba?" Tanong ni sir kaya humarap kami.
"Yes sir!" Malakas na sabi ni Christian.
"Siguraduhin niyo lang na hindi kayo natutulog diyan. Mahuli ko lang kayo, alam niyo na ang consequences."
"Opo sir!" Sabi naming lahat bago siya muling nagdiscuss sa harapan.
Nakikinig ako nang biglang magbigay sa akin si Christian ng note. Gulong gulo man ay binasa ko iyon.
Hindi ka ba inaantok?
Umikot ang mga mata ko roon bago nagsulat din sa ibaba nito.
Hindi puwede. Kailangan kong makinig.
Binigay ko ito sa kaniya. Nasa kumplikadong parte na ng solving si sir kaso nagbigay nanaman si Christian ng papel.
Inaantok ako. Anong magandang gawin para hindi ako antukin?
Tiningnan ko siyang nakasubson ang mukha sa arm rest niya. Nakaharap sa kabila kaya hindi niya ako nakikita. Seryoso ba siya? Umaandar nanaman po ang ugali ni Christian.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
