Chapter 13

9 0 0
                                        

Chapter 13

Ice cream

JASMINE'S POV

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian ako ni Christian sa malayo.

Dahan dahan din akong ngumiti sa kaniya. Sana ay galingan niya sa kaniyang contest. Alam kong kayang kaya niya 'yon.

"Tara na Jasmine!" Ani ni Wendelle kaya napalingon ako sa kaniya. Tumango ako at binalingan si Christian ulit.

Pero pumasok na silang dalawa ni Rita. Kaya unti unting nawala ang ngiti ko roon.

Napalabi ako at nagpatuloy sa paglalakad. Naiwan nga lang ang mapait na pakiramdam na hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman.

"You know what? I'm so fucking tired of you Victoria! I am breaking up with you!" Dinig kong sigaw ni Oliver mula sa malayo.

Lahat kami ay natigilan sa narinig namin. Abala kami sa paghahanda dahil next na kami tapos ito ang nangyari.

"What? What?! Ang kapal naman ng mukha mong makipagbreak sa akin! Matapos kong ibigay sa'yo lahat, ito igaganti mo?!"

"You are toxic! Controlling! Manipulative bitch!"

"Well, you're a fucking dick! Stupid bastard who only likes to try someone new without being so fucking serious about it! For all you know, everyone knew how big Playboy you are! Ako lang ang nagtiis sa isang kagaya mo!"

"What is this all about?! Ano ba 'yang pinag-uusapan ninyo?! Oliver?! Victoria?!" Sabi ni sir pagdating.

Hindi siya sinagot ni Oliver pero si Olivia tuloy tuloy ang pagdadaldal.

"Ibigay mo sa akin lahat ng binigay ko sa'yong bwisit ka!" Aniya bago lumapit dito. "Give me that shirt! That shoes too!"

Nanlaki ang mga mata ko. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Oliver at iritadong hinubad ang t-shirt niya. Pati 'yong sapatos din. Tinapon niya ito sa paanan ni Victoria na umawang ang bibig sa ginawa ni Oliver.

"I am a better person so all the things I gave to you, kung ayaw mo na. Ibigay mo nalang sa iba." Then Oliver stormed out.

"Oliver! Oliver! Bumalik ka rito! Susunod na–hindi ako makapaniwalang sa dinami dami ng araw na puwede kayong magbreak, ngayon pa."

"I-I can't believe you! Are you really going to do this to me huh?! I hate you! Fuck you!" Umalis din si Victoria kaya naiwan si sir at 'yong shirt and shoes sa sahig.

"Bakit ngayon pa? Kapag nainis pa naman si Victoria, posibleng hindi na siya sisipot sa play." Dinig kong sabi ni Wendelle sa tabi ko.

"Naghiwalay daw sila kasi nakita ni Victoria na may kasamang babae sa bar si Oliver kagabi." Ani Kylie kaya nagsilaputan ang mga kasamahan namin para makinig sa chismis.

"Ang toxic nilang dalawa talaga. Nakakagulat na umabot pa sila ng three months."

"Fixed sila remember? Hindi naman talaga siya mahal ni Oliver."

"Talaga? Pero akala ko mahal nila isa't isa?"

"Sabi nung friend ko, pareho silang nagchecheat sa isa't isa kaya deserve."

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon