Chapter 28
Boys
JASMINE'S POV
"Anong sinabi ni papa sa'yo?"
Napalingon sa akin si Christian saglit. "Wala naman."
Sumingkit ang mga mata ko. "Liar. He said something to you. Don't lie."
"Bukod sa i-uwi kita agad, wala na."
Hindi pa rin ako naniniwala. "Sure ka?"
"Oo nga. Jasmine, huwag kang mag-alala. Nag-aalala lang talaga papa mo kaya kinausap ako. Sinabi ko naman na uuwi tayo agad at hindi na magtatagal dahil kailangan maaga din ako bukas."
Tinitigan ko siyang abala sa pagpepedal. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako agad o hindi. Si papa kasi, hindi naman siya ganun dati pero ngayon ay hinintay talaga kaming makalayo bago siya pumasok sa loob.
Nakita ko pa kanina si Christian na parang nakakita ng multo nang harapin nila ako ni papa. Tapos sasabihin niya walang sinabi si papa sa kaniya?
Hindi kaya, alam na ni papa ang tungkol sa amin? Kinausap na ba niya si papa about sa amin? Napalunok ako at kinabahan sa sasapitin ko mamaya kung sakali ngang totoo. Ayaw kong magalit si papa dahil dito.
Nakarating kami sa bahay nila matapos ang ilang minuto. Inalalayan ako ni Christian pagbaba at sabay na pumasok sa loob.
"Sure ka ba talaga na walang sinabi si papa sa'yo?"
Natawa siya ng bahagya. "Wala nga. Talagang nag-aalala lang ang papa mo. Talagang mahal na mahal ka lang talaga ng papa mo."
Tipid akong ngumiti. "Okay..."
"Nga pala, umalis muna si tatay at nanay dahil may kakausapin daw sila sa bayan. Ayos lang ba na maghintay ka ng ilang minuto?"
Tumango ako. "Oo naman."
Pumasok kami sa loob. Pinagbuksan ako ni Christian ng pintuan nila. Dahil hindi naman na bago sa akin ang lugar na ito, kumportable akong pumasok sa loob. Mayroon na rin ang tsinelas na binili ni Christian noon para sa akin.
"Upo ka muna diyan. May gusto ka bang kainin?"
"Wala naman. Ikaw ba meron?"
"Mayroon kaming butter cookies dito. Gusto mo ba?"
"Medyo busog pa ako Christian. Ikaw nalang."
"Hindi. Mamaya na rin ako kakain kung ganoon."
Umupo siya sa tabi ko habang maingat kong nilalapag sa table ang regalo ko para sa nanay niya. Lumingon ako sa kaniya na nakatulala.
"May sinabi talaga ang papa ko sa'yo. Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"
Napalingon siya sa akin at tumawa. "Ano ka ba? Wala nga!"
"Sinungaling!"
Nagulat ako nang yakapin niya ako at sumubsob sa balikat ko.
"Kakagatin kita kapag hindi ka pa tumigil."
Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin. Ngumisi siya sa akin.
"Gusto mo ba pumunta sa likuran? Nood tayo sunset."
"Sige ba." Tumango ako.
Hinila niya ako patayo at dumaan kami sa pintuan ng likuran ng bahay nila. Kulay kahel na ang kalangitan nang lumabas kami. Nakita ko ang ilan sa mga alaga nilang manok at kambing na nakapasok na sa kani-kanilang mga stall.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
