Chapter 19
Ligaw
JASMINE'S POV
I knew from that moment, I am sure my answer to his question.
Nawaala lahat ng pangamba ko tungkol sa lahat ng ginagawa. He really did all of that because he likes me. Ang kitid ng utak ko para isipin na ginagawa niya lang iyon dahil sa kagustuhan ni papa. I think so little to him. Na imbes makita ko lahat ng effort niya magmula noon, sarili kong opinion ang pinakinggan ko.
Christian likes me. He said he loves me while looking at me in my eyes. Damang dama ko na nagsasabi siya ng totoo. Walang halong biro kagaya ng araw araw niyang pangangasar sa akin. This time, I knew that he is telling me the truth.
How can this amazing guy likes me so much? Alam niya na hindi ako ideal na babae. I have flaws. I have my heart disease. I will only drag him down while he's obviously made to shine among others. Why is he choosing me when there can be someone who's capable of handling him better?
Hindi ko na napigilang ngumiti habang tinitingnan ang script ko para sa nalalapit na school event. He likes me. Christian really likes me. Hindi siya caring dahil sa gusto ni papa, caring talaga siya sa akin dahil gusto niya ako. Naooverwhelm tuloy ako sa nararamdaman ko sa sobrang saya.
Natigilan ako at kinalma ang sarili nang marinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. This is not good for me. Kapag nasobrahan ako sa kilig ay baka atakihin ako sa puso ng wala sa oras. Huminga ako ng malalim at nagseryoso. Babasahin ko na sana ang aking script nang may tumabi sa akin.
Si Oliver. "Did you see fireworks last night? Bakit parang your eyes are twinkling so much from a distance?"
"H-huh? Hindi naman... Bakit?"
"You looked like may nangyaring maganda sa buhay mo. What is it? Magsabi ka naman."
"Kumusta na kayo ni Victoria? Nagkausap na ba kayo?"
Mabilis siyang umiwas ng tingin at sumimangot. Tumawa ako sa kaniyang naging reaksyon. Tingnan mo ito, ayaw niya ring pag-usapan ang parte niya.
"Kausapin mo na..."
"As if she'd listen to me. Sa tuwing lumalapit ako, she's distancing herself na para bang I have some kind of disease?"
"You're Oliver, I know you can do something about that." Ngisi ko.
Tumingin siya sa akin ng matagal at maya maya, marahas na bumuntong hininga.
"Start na raw ng rehearsal sabi ni sir! Tara na guys! WOAH!" Sigaw ng isang kasamahan namin kaya tumayo na kami.
"Right. Kung ayaw kong mapunta siya sa iba, I better do everything to get her back."
Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang likod ni Oliver. Alam ko naman na mahal nila ang isa't isa, although medyo toxic nga lang, pero at least halata ko na totoo ang nararamdaman nila. I really hope na magkaayos na sila para hindi na sila nagkakasakitan na dalawa.
Pagkatapos ng ng rehearsal, pumunta muna ako ng library para ibalik 'yung libro na hiniram ko kahapon para sa aming math quiz bukas. Hindi pa man ako nakakahawak ng doorknob ng library, may tumawag na sa pangalan ko.
Lumukso ang puso ko nang marinig na si Christian iyon. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya na tumakbo papunta sa akin. Hindi pa ako nakakabawi nang makalapit na siya habang hinihingal dahil sa pagmamadali. May kasama siya na isang student.
"O-oh... Christian..."
"Binibisita mo ba ako?" Ngisi niya.
"Ha? Hindi ah... May ibabalik lang sana ako na libro."
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe