Chapter 34
Unexpected
JASMINE'S POV
He wanted me to go. But I choose to stay.
I won't let him suffer again just because of me. Kung iiwan ko siya rito dahil sa mga sinabi niya sa akin, maraming maapektuhan na trabaho. Lalong lalo na siya na balak pang akuhin ang responsibilidad ng pagpapaalis niya sa akin.
Hindi ako papayag na may mahihirapan nanaman nang dahil sa akin. Nagdesisyon ako na kunin ito, kailangan ko itong tapusin. Besides, napapayag ko si lolo na tapusin ko muna ang trabaho ko rito bago itutuloy ang kasal.
Wala naman na akong ibang matatakbuhan. Kahit pala anong gawin ko, gagamitin at gagamitin niya pa rin sa akin si Christian. Galit ako sa lolo ko pero wala akong magawa. Wala akong kakayahan na kalabanin siya. Napatunayan niya 'yon sa akin matapos kong malaman ang katotohanan kahapon.
Lolo always gets what he wants. Either he manipulates others or force them to do his bidding. There's no blood nor friendship in his life. Kahit ako na nag-iisa niyang apo mula sa nag-iisa niyang anak, he will use every people he can get just to cage me again.
I thought, may almost three months naman ako. Bakit hindi ko nalang enjoy-in ang kalayaan na mayroon ako? Tutal wala lang din akong magagawa. Umalis man ako rito o manatili, walang magbabago. Hindi pa rin nito maiaalis na kahit anong gawin ko, hindi na ako mapapatawad ni Christian. Lalong lalo na sa ginawa ng lolo ko sa negosyo nila.
I doubt iyon lang ang ginawa ni lolo sa kaniya. From his mother's words, it didn't just end with buying their farmlands. And I feel so guilty about it. Because I know, Christian didn't do anything to deserve it. I caused that to him, I should be punished.
So, if this is his revenge. Then I'll accept it. Anuman ang gusto niyang gawin o ipakita sa taping na ito, I'll face it. I'll have no words. I will just gladly accept it. Because Christian deseves it. He has to blame me for all the things he's been experiencing since he's met me.
Ito na lang ang maibibigay ko sa kaniya. Hindi ko ipagkakait ang karapatan niyang magalit sa akin. Kaya pumasok pa rin ako kinabukasan para gawin ang trabaho ko.
Masakit, lalo na't halatang halata sa mga script na ginawa niya na sobrang minahal niya ako noon. Mahal na mahal niya ako sa puntong isinulat niya ang kuwento naming dalawa bilang alaala. Bawat dayalogo, masakit sa dibdib ko dahil pinapamukha lang nito sa akin na maling mali na sinaktan ko siya noon, na iniwan ko siya dahil sa kadahilanang napakatoxic niyang tao.
Hindi totoo na hindi siya nakabubuti sa akin. Ako ang hindi nakabubuti sa kaniya. Ako ang problema. Nagsinungaling ako sa kaniya.
"Bakit nandito ka pa rin?
Hindi ko na kailangang lumingon pa para kilalanin kung sino iyon.
"Binigyan na kita ng tsansa na umalis. Bakit nanatili ka pa rin?"
Malakas ang agos ng tubig sa dalampasigan. Katatapos lang ng taping kung saan naglalakad kami sa dalampasigan. Mamaya ay 'yong part kung kailan sinagot ko siya noon.
Napatingin ako sa mga kasamahan namin na nagpipicture sa dagat. Kasama ni Johnny ang iba pang managers, habang ang ibang mga co-stars ko ay iba iba na rin ang ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
