Chapter 15

5 1 0
                                    

Chapter 15

Pinsan ni Jasmine

JASMINE'S POV

"Jasmine!!!" Sigaw niya sa malayo palang ng airport.

"Rylanie!!!"

Niyakap ako ng pinsan ko nang makalapit siya sa akin at tumalon talon pa sa sobrang saya na makita ako. Sa sobrang saya ko rin ay mahigpit ko siyang niyakap.

"Namiss kita! Ang tagal kitang hindi nakita!"

"Oo nga. Tumangkad ka rin!" Sabi ko bago kami nagcompare ng height.

Ngumisi siya sa akin. "Siyempre! Ikaw naman sexy! Lumaki ata dibdib mo?"

"Hindi ah!" Yakap ko sa sarili ko. Tumawa siya sa akin. "Ikaw, kung anu ano nakikita mo."

"Ng kunti lang naman. Ito naman."

Dumating ang papa ni Rylanie kaya nagmano ako. Sakto rin na dumating si papa matapos kunin ang sasakyan sa parking lot.

"Ang laki na pala nitong si Jasmine. Kumusta na ang puso mo? May improvement na ba?"

"Noong nakaraan ay inatake nanaman siya kaya balak kong isama siya sa mga susunod na araw para sa check-up. Maghahanap pa ako ng puwedeng doctor para kaniya." Sabi ni papa bago kinuha ang malaking box ni uncle.

"Talaga? May kakilala ako rito. Puwede nating puntahan mamaya."

Siniko ako ni Rylanie kaya napalingon ako sa kaniya. "Totoo ba? Inatake ka nanaman?"

"Ah 'yon ba? Sa alikabok lang 'yon."

Mahina niya ako ng tinapik. "Mag-ingat ka kasi. Hindi biro 'yang kondisyon mo ah?"

"Oo na po," sinubukan kong pagaanin ang usapan namin. "Nga pala, bakasyon niyo ba?"

"Biglang wala kaming pasok kasi may event sa school. So, long weekend kami hanggang Monday."

"Oh? Ibig sabihin matagal pa kayo rito?"

"Long weekend nga diba?" Aniya at umiling sa akin.

Natawa nalang din ako sa kaniyang sinabi. Pinagpatuloy namin ang kwentuhan namin sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa inuupahan naming bahay.

Dahil sa kuwarto ko matutulog si Rylanie, tinulungan ko siyang ayusin ang mga gamit niyang medyo marami para sa tatlong araw na bakasyon.

"Dapat diba nung nakaraang linggo kami pupunta rito? Kaso may biglaang business meeting si papa kaya nausog. Sumakto din na long weekend namin."

Umupo si Rylanie sa kama ko habang pinapatuyo ang kaniyang buhok. Ako naman ay abala sa pagtutupi ng mga gamit ko na tinanggal ko sa kalahati ng closet ko para may mapaglagyan si Rylanie.

"Maganda rin na ngayon kayo umuwi. Wala kaming mas'yadong gagawin dahil katatapos lang ng district meet. Next next week pa exam namin kaya medyo maluwag pa."

"Sino 'to?"

Napalingon ako sa sinabi niya. 'Kinuha niya 'yong picture sa side table ko. Kaming tatlo nina Christian at Timothy na pinicturan ni papa pagkauwi namin galing district meet.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon