Chapter 12
Akin
JASMINE'S POV
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Nasa school ako? Anong ginagawa ko rito?
Lumingon lingon ako muli para makakita ng kakilala. Pagtingin ko sa classroom namin na nasa harapan ko lang, nakita ko si Christian.
Unti unti akong napangiti nang makita siya na nakaupo sa kaniyang upuan. Lalapit na sana ako nang maestatwa ako sa aking kinatatayuan.
Rita ran towards him and her hair flowed in front of him. Tiningala siya ni Christian at ngumiti rin sa kaniya.
Sumikip ang dibdib ko na makita silang sobrang lapit. Para akong nanonood ng dalawang bida sa isang pelikula. Ang sinag ng araw na nagmumula sa kanilang gilid.
Ang bawat tingin nila sa isa't isa na tila may pagkakaintindihan sila. Napalunok ako nang makitang hinalikan ni Rita si Christian.
Nagising ako sa pagkakatulog at hindi makapaniwala sa napaniginipan. Kumurap kurap ako sa sobrang gulat.
Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit sa lahat ng puwede kong mapaniginipan ay iyon pa?
Sumimangot ako at ginulo ang aking buhok. Kung anu ano naman kasing naiisip mo Jasmine. Ngumuso ako, natulala nang maalala nanaman ang panaginip ko.
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdamang sumakit ito. Huminga ako ng malalim at ilang beses na nag-inhale exhale.
Ano ngayon kung sila ni Rita? Kung may gusto sila sa isa't isa, wala namang problema doon. Wala naman akong karapatan na pagbawalan sila.
Kaibigan lang naman niya ako.
Natulala ako sa sariling naisip. Bakit napakalungkot ko nang maisip ko 'yon?
Umiling ako sa sarili at humiga na lang agad. "Kailangan mo nang matulog Jasmine. May contest ka pa bukas."
Tumango ako sa aking sarili at sinubukan na matulog. Pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa ako makatulog. Tiningnan ko ang orasan ko.
Alas kuwatro na ng madaling araw. Since hindi naman na ako makatulog. Magluto nalang ako siguro ng babaunin ko mamaya.
Iyon nga ang ginawa ko. Naabutan ako ulit ni papa na naghahanda na sa lunchbox ko. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang ginagawa ko.
"Oh? Bakit dalawang lunchbox dadalhin mo?" Kunot noo niyang tanong.
Napakurap ako at napatingin sa kaniya. "U-uh... H-hindi ko po kasi nabigay 'yong sandwiches ko kay Christian kahapon. K-kaya gumawa nalang ako ng lunch para sa kaniya."
Tumaas ang dalawang kilay ni papa. "Ganoon ba? Akala ko para sa akin 'yong isa."
Hirap akong napalunok.
Ngumiti si papa at ginulo ang buhok ko. "Joke lang anak. Goodluck sa contest ninyong dalawa ngayong araw. Late akong uuwi kaya magtext ka sa akin. Understood?"
"Noted po papa. Salamat po!" Ngiti ko.
Nagpaalam na si papa. Kaya lang, nataranta akong umakyat sa kuwarto ko nang marinig na binati niya si Christian.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
