Chapter 21

8 0 0
                                        

Chapter 21

Kiss

JASMINE's POV

"Hulaan niyo anong dinala ko?" Sabi ni Anastacio kaya napalingon kaming lahat sa kaniya.

Maya maya ay naghiyawan at nagkantiyawan na sila nang ilabas nito ang ilang vape at isang bote ng alak.

"Mga loko kayo! Kapag nalaman iyan ng nanay ni Christian!" sabi ni Hazel.

"Ayos lang kasi nandito naman Christian." Ani Jared na sinapak agad ni Anna.

Tatayo na sana ako para umalis para umiwas nang agawin biglang unahan ako ni Christian at nagtungo kay Anastacio.

Suminghap kaming lahat nang sapakin niya ito sa ulo. "Kita mong nandito si Jasmine, magdadala ka niyan!?"

"B-bakit? Bawal ba siya?" Tanong niya. "Puwede ata ang vape sa kaniya?"

"Usok pa rin! Doon nalang kayo sa kabilang lamesa. Kapag nahuli kayo ng nanay ko, bahala kayo diyan."

"U-uhh... Christian, kahit dito na sila. Gusto ko sanang puntahan 'yong dalampasigan bago ako umuwi. Puwede naman na ganun."

Nakita kong lumiwanag ang mga mukha ng kaibigan namin dahil sa sinabi ko. Agad lumapit sa akin si Christian pagkatapos kong sabihin iyon.

"Samahan na kita."

"Sigurado ka? Puwede namang sumama ka sa kanila–"

Inilingan niya ako at kinuha na ang maliit kong bag para makaalis na kami sa lugar.

Dali akong nagpaalam sa kanila bago sumunod kay Christian na nagmamadaling umalis.

"Hindi puwede. Kailangan kitang ihatid sa bahay niyo ng maayos."

"Ano ka ba Christian? Ayos lang naman. Malapit lang naman bahay namin dito. Puwedeng puwedeng lakarin!"

"Tingin mo papayagan kitang umuwi ng mag-isa?" Tumawa siya. "Atsaka gustong gusto ko na rin na mahiwalay tayo sa kanila kanina pa. Maganda ang timing mo."

"Ano?" Natatawa kong sabi habang inaalalayan niya akong bumaba sa pababang parte ng lupa.

"May gusto akong ipakita sa'yo kanina pa."

"Ano iyon?"

Nakaapak na ang mga paa namin sa buhangin. Huminto siya at may kinuha sa kaniyang bulsa. Nang ibigay niya ito sa akin, nanlaki ang mga mata ko.

Isang brown teddy bear key chain. Nahihiyang ngumiti sa akin at kinamot ang batok habang ako ay sobrang tuwang tuwa sa binigay niya.

"Pasensya na ah? Napanalunan ko 'yan sa claw machine sa bayan. Naisip kita nung makita ko ang teddy bear na iyan kaya sinubukan ko. Nakailang try din ako bago ko makuh–"

Niyakap ko siya ng mahigpit bago pa man matapos ang kaniyang sinasabi.

"Salamat Christian. Nagustuhan ko." Malambing kong sabi.

Hindi siya kaagad nakapagsalita. Nagtaka ako kaya bumitaw ako. Lalong kumunot ang noo ko nang makita ko na para siyang natulala sa ginawa ko.

"Bakit Christian? Ayos ka lang ba?"

"H-huh? A-ah!" Umatras siya sa akin at ginulo ang buhok. "Ugh! Umayos ka nga Christian!"

Natawa ako sa kabaliwan niya. Ito ba ang epekto ko sa kaniya? Lumapit ako sa kaniya para silipin ang nakayuko niyang ulo habang ginugulo ang buhok.

"Salamat sa regalo mo. Dapat ako ang nagreregalo sa mama mo eh." Nguso ko.

Humarap siya sa akin. "Ano ka ba? Hindi naman importante kay mama na may regalo ka. Ang importante ay nakadalo ka."

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon