Chapter 9

4 1 0
                                    

Chapter 9

Theater

JASMINE'S POV

"Jasmine, pinapatawag ka ni sir sa faculty."

Parehong umangat ang tingin namin ni Christian sa pagtawag sa akin ni Hazel.

"Ano nanaman daw?" Si Christian ang nagtanong.

"Ewan." Umupo si Hazel kina Rita na abala sa pagrereview para sa nalalapit na District Meet.

Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili. "Mauna muna ako Christian.

"Sige, hintayin kita." Ngiti niya sa akin kaya tumango ako.

Nagtungo na ako sa faculty room at naabutan ko si sir na pinagsasabihan ang isa sa mga estudyante niya.

"Bakit ba kasi ngayon pa 'yan nagback-out!"

"Good morning po sir." Tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.

"Jasmine from section A right?"

Tumango ako sa kaniya at lumapit. Nahiya nga lang sa mga tingin ng students niya sa akin.

"I heard that you went from a theater club back in your school before?"

Nanlaki ang mga mata ko. Paano nila nalaman 'yon? Wala akong ibang pinagsabihan non.

"Your adviser told me. She saw from your records."

Napalunok ako at kinabahan lalo sa kaniyang puwedeng sabihin.

"Makinig ka sa akin Jasmine. Alam kong maiintindihan mo ako. We need someone who can portray a side character with so much impact. And based from your past performances here in your previous school's website, you have the talent."

"Sir–"

"Sasama ka sa amin sa nalalapit na District Meet."

"Po?!" Gulat kong sabi.

"Yes. May nagback out kasi na kailangang palitan agad and because we have no enough time to rehearse much, we need you."

"Sir. Hindi ko pa po nasusubukan na makipagcontest. It was just a theater club. A simple play for kids. Sir I–"

"Huwag ka nang mag-alala sa mga school activities at attendance mo. Ako ng bahala doon."

"Pero sir–"

"You will also be excused from this day onwards."

"Sir hindi ko po kaya–"

"You will get an automatic high grade from any activities you will be missed, Jasmine. And if you guys won, you will have additional points in your next quarter exam. How is that?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Napansin 'yon ni sir kaya ngumisi siya.

"Ihatid niyo na si Jasmine sa room niyo at i-orient niyo na siya. Galingan ninyong lahat! I will be expecting!"

Hinila na ako ng dalawang estudyante na nandoon pa kanina. Pagkalabas ay kinausap nila ako habang ako ay nagugulat pa rin sa nangyari.

"Hi! Ako nga pala si Kylie!"

"Wendelle."

"Nice to meet you Jasmine!"

"N-nice to meet you two..."

"Bago ka lang dito ano? I mean, this school year ka lang pumasok?"

"Oo..."

"Welcome sa school and welcome sa aming club!"

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon