Chapter 20

5 0 0
                                        

Chapter 20

Birthday

JASMINE'S POV

I can't take it. He's making me feel so much that it ovewhelms me so much. Every single day.

Katulad ngayong Sabado. Practice namin sa mga clubs at imbes na unahin niya ang magreview, ito at kasama ko ngayon.

"Ano 'yan? Script niyo para sa?"

"Bonifacio day pero sa Tuesday namin ipeperform. May program kasi sa morning at magpeperform daw kami."

"Aba, talagang nabibilang ka na sa theater club ah? Hindi ka naman na ginugulo nung Olipot na 'yon?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na mahal na mahal nun si Victoria?" Natatawa kong lingon sa kaniya. "Baka naman siya ang gusto mo kaya panay ang banggit mo roon?"

"Huy hindi ako bakla ah? Kahit maging babae pa 'yon, 'di ko 'yon tatanggapin."

Napailing nalang ako sa kaniya na halos mandiri nang maimagine siguro silang dalawa ni Oliver.

Nagpatuloy nalang ako sa pagmememorya ng script ko habang naglalakad kami pareho papunta sa room ng club namin.

Dapat ay ako lang talaga ang naglalakad dito kaso nakita ako ni Christian sa cafeteria na bumibili ng meryenda. Halos mainis na nga si Rita nang ilang beses niya itong tawagin pero inuna pa talaga ni Christian na sabayan ako.

Tinanggihan ko na siya pero ito, kasabay ko pa rin. Ang tigas ng ulo talaga.

"Sigurado, masesermonan ka nanaman ni Rita sa ginagawa mo ngayon."

"Palagi namang galit 'yon. Hayaan mo na."

"Bumalik ka na roon. Kaya ko namang pumunta mag-isa. Malapit na oh." Huminto ako para hindi na siya tumuloy.

Binaba niya ang dalawang kamay niyang nakalagay sa likod ng ulo niya at sinimangutan ako na parang bata.

Nangiti ako dahil doon. "Bakit? Sige na..."

"Gusto ko lang naman na masiguro na maayos kang makakapunta sa room niyo. Tsaka para lumayo layo na rin 'yong Olipot na 'yon."

"Okay naman ako Christian. Atsaka wag ka ngang ganiyan? Natrautrauma na sa'yo 'yong tao kasi palagi mong binabalaan."

"Dapat lang. Nagseselos na nga ako na mas nakakasama mo siya sa school kaysa sa akin."

Natigilan ako nang bigla siyang naging uneasy at palarong sinipa ang bato na malapit sa amin. Ginagawa niya 'yon habang nakapamulsa at mahaba ang nguso.

Sumulyap siya sa akin. Lalong humaba ang nguso niya nang makitang pinipigilan kong matawa sa kaniyang ginagawa.

"Nakakasama mo na nga lang ako sa tanghalian at uwian. Saglit pa... Laging na rin kasi akong excuse dahil malapit na ang contest namin... Tapos natatawa ka pa sa akin..."

Kinagat ko ang labi ko para hindi ngumiti at hinampas ko sa kaniya ang papel na hawak ko.

"Basta bumalik ka na sa library. Bye!"

Tumakbo na ako dahil hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa akin.

"Jasmine! Huwag kang tumakbo!" Sigaw niya.

Uminit ng pisngi ko at naglakad. Pero mabilis ang lakad ko habang hinahawakan ang dibdib ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Alam kong hindi dahil sa pagtakbo ko 'yon.

Para kay Christian. Siya ang dahilan nito.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil sasama ako kay papa papunta sa hospital para sa weekly check-up ko.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon