Chapter 18

5 0 0
                                    

Chapter 18

Totoo

JASMINE'S POV

Bumuntong hininga ako. Binasa ko lang ang chat ni Christian kahapon dahil natatakot akong sumagot. Umalis na rin sina Rylanie kahapon. Hindi naman ako pumasok dahil nagpacheck up kami ni papa.

Ngayon pa lang ulit ako papasok. Hindi man sinabi ni papa ang resulta ng examinations ko, alam ko na may problema dahil biglang nadagdagan ang iniinom kong gamot.

"Huwag mong kalimutan itong inumin pagkatapos mong kumain ha?" Sabi ni papa nang makita niya akong tahimik na nag-aalmusal.

"May problema po ba sa check-up kahapon papa?"

Papa smiled at me. I can see sadness in between. Nakaramdam ako ng takot para doon.

"May napansin lang na kunti ang doctor sa check up mo kahapon kaya kailangan natin gamutin agad."

"Ano po 'yon?"

Papa kissed my forehead. "Just a small inconvenience nak. Kakausapin ko rin ang adviser ninyo tungkol sa kalagayan mo."

"Just tell me papa. Ano po 'yon?" Tanong ko.

Ilang minutong hindi sumagot si papa. Maya maya ay umupo siya ng kunti para makalevel niya ang height ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at ngumiti.

"Sabi ng doctor mo, your heartbeat is higher than your previous records, base sa nakuha niya sa doctor mo sa Manila."

Uminit ang pisngi ko dahil alam ko na dahil iyon kay Christian. Simula kasi nang magconfess siya sa akin ay hindi na 'yon nawala sa isipan ko.

"We don't know the cause of it so we have to keep it stable. Kaya mind your medicines, okay?"

"S-sige po..."

Nagpaalam na si papa habang ako ay mas naging miserable sa agahan ko. Paano ko sasabihin na kaya ako kinakabahan during the examination ay dahil may isang lalaki na nagconfess sa akin?

And I like him too?

Iniisip ko pa lang na sasabihin ko kay papa ay nahihiya na ako. Paano pa kaya kung sa ibang tao?

Kaya bago pa ako masundo ni Christian sa oras na palagi siyang pumupunta rito ay nauna na akong pumasok. Which is pinagsisihan ko rin agad kasi napagod ako sa paglalakad sa pataas na daan.

Wala rin kasing masakyan. Kaya pawis akong pumasok sa school.

Dahil maaga pa, si Rita palang ang naabutan ko. Nang makita niya ako ay binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"Himala? Hindi kayo sabay ni Christian?"

"A-ah? Kasi ano... Maagang umalis si papa kaya maaga rin ako pumasok..."

Naningkit ang mga mata niya. "Nag-away kayo ano?"

"Hindi ah!" Iling ko bago pumunta sa upuan ko. "Ayos naman kami."

Tumango si Rita pero ang mga mata niya ay nasa akin pa rin. Kaya naisipan kong lumabas para magpahangin.

Kaso, nakita ko na sa malayo si Christian na papasok. Suot ang bag sa isang balikat habang nakapamulsa.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon