A/N: Fanart of our pretty Jasmine :>>
Chapter 16
Confession
JASMINE'E POV
Inis kong tiningnan si Christian ng sabihin niya 'yon. Lalo tuloy mas naging excited si Rylanie sa biglaang gala bukas kaya wala akong choice kundi samahan siya nang magpaalam siya kina papa at uncle.
"Basta hindi kayo magpapagabi, ayos lang. May pupuntahan din kami ng uncle mo kaya maganda rin na magbonding kayong dalawa." Pagpayag ni uncle bago binigyan ng pocket money si Rylanie.
Nilingon ako ng pinsan kong sobrang saya sa pera na binigay ng papa niya.
Kaya ngayon, bumibili kami sa bayan ng ambag din amin sa picnic. Ako ang nagtutulak ng cart habang si Rylanie ang panay lagay ng mga pagkain doon.
Ngumuso ako sa sobrang dami ng nilalapag niya. "Mas'yado na ata itong marami, Rylanie. May mga dala pa sila Timothy roon-"
"'Yong iba sa atin. Hindi naman natin dadalhin lahat 'yan." Aniya habang binabasa ang isang korean cup noodles.
"Kakain natin ito lahat?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"Bukas ito. Magmovie marathon tayo buong magdamag!" Ngisi niya. "Tsaka mas gusto ni papa na inuubos ko sa pagkain 'yong pera kaysa sa ibang bagay kaya ganito."
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ang lakas mo pa rin kumain."
Tumawa siya sa akin. "Ikaw naman, hindi pa rin nagbabago. Nagugulat ka pa rin palagi sa akin."
Ngumiti ako sa kaniyang sinabi. Tinulungan ko siyang bitbitin ang mga pinamili namin. Sa sobrang dami, inasahan ko na uuwi na kami. Pero napatingala nalang ako nang maisipan niyang bumili ng burger.
"Favorite ko ito. Kailangan natin bumili."
Binigay niya sa akin ang isa kaya kinain namin 'yon habang pauwi. Kagaya ng inasahan namin, wala na sila papa sa bahay nang madatnan namin. Kaya nilagay ko muna sa fridge ang mga pagkain na iiwan namin at inayos ang mga dadalhin.
Kaya lang, bigla akong napaupo nang maramdaman ang puso ko na sumikip. Napahawak ako sa dibdib ko at pumikit ng mariin.
"Anong magandang isuot-Jasmine!"
Dinaluhan ako agad ni Rylanie. Pinaupo niya ako ng maayos at nataranta sa puwedeng gawin sa akin.
"A-anong gagawin ko? Jasmine, talk to me."
"Kuwarto. Side table." Nahihirapan kong sabi.
Nakuha niya naman agad ang sinabi ko dahil agad siyang tumakbo papunta roon. Pagbalik ay dala niya na ang gamot na iniinom ko sa tuwing inaatake ako ng ganito.
Binigyan niya ako ng tubig at uminom din ako agad. Nang makainom, naghintay ako ng ilang minuto bago tuluyang nawala ang sakit sa dibdib ko.
Saka lang napaupo sa tabi ko si Rylanie na marahas na napabuntong hininga.
"Tinakot mo naman ako. Huwag nalang ba tayo tumuloy?"
Umiling ako. "Okay naman na ako. Nakainom na ako ng gamot ko."
"Pero paano kung atakihin ka mamaya?"
"Hmm mm." Umiling ako at humarap sa kaniya. "Hindi na ako aatakihin mamaya kasi minsan lang ito. Tsaka kapag hindi tayo pumunta, pupunta ang mga 'yon sa atin."
"Sigurado ka ba na okay ka na?" Tanong niya at inayos ang buhok ko. "Naku! Pinag-aalala mo naman ako!"
"Thank you." Ngiti ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomantikA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe