Chapter 33
Sorry
JASMINE'S POV
"Jasmine! Halika, ipakilala kita sa may-ari ng bahay. Dito dito." Hinila ako ng manager ni Peter Ventura papunta sa nanay ni Christian.
Hindi na ako nakapalag nang isama niya ako papunta sa kanila. Peter was happy talking to Christian's mom while I'm trying my best to never show the uneasiness that I am feeling right now.
I can't believe that we will actually meet. Sinabi ni Johnny sa akin na wala sila rito, pero mukhang nagkamali siya dahil kaharap ko sila ngayon.
"Oh, hello. Nice to meet you, hija." Ngumiti ang mama niya sa akin.
She doesn't want them to know that she knows me. Mapait akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya.
"Good morning po."
"Jasmine Cariel po madam. Ang star po sa programa namin. Nanay daw siya ng isa sa empleyado ng ATIN. Mabuti nalang at nagkaroon tayo ng ganito kalawak na set."
Tumawa ang mama ni Christian sa sinabi ng manager ni Peter Ventura. "Hindi sa amin ang lahat ng iyan sir. Ito lang po banda. May nakabili na sa lupaing iyan."
"Ay, talaga po? Akala ko po ay sa inyo pa po 'yan."
Napayuko ako. Hindi ako makapagsalita sa usapan nila.
"Oo. Sa amin iyan dati. Kaso napilitang ibenta noon dahil kailangan sa negosyo..."
"Ay ganoon po ba? Naku! Sayang naman!"
"Wala tayong magagawa lalo na kung hindi tayo nabibigyan ng pagkakataon." Itinawa ng mama ni Christian ang sinabi niya.
"Tama po kayo... Hahaha!"
Tinawag ng isang crew ang manager ni Peter kaya nagpaalam na ito. Susunod na sana ako nang tawagin ng mama ni Christian ang pangalan ko. Ngumiti siya sa akin, nang walang halong kasiyahan.
"Nagpunta ka pa talaga rito, hija?"
Napalunok ako. "T-tita–"
"Matapos mong saktan ang anak ko, ito ang gagawin mo sa kaniya? Hindi ka na nahiya hija? Grabe ang hirap na dinanas ng anak ko nang dahil sa'yo. Mabuti nga at masaya ka na sa buhay mo. Huwag mo naman sanang saktan pa uli ang anak ko."
Pinigilan ko ang mga luha ko na tumulo dahil sa mga sinabi nila. Bawat salita ay sinasaksak ako.
"Tama na hija. Tama na ang pagpapahirap niyo ng lolo mo sa anak ko. Ito nalang ang bagay na nagagawa niya ng malaya. Ito nalang ang mayroon siya hija. Huwag mo naman sanang alisin din ito sa kaniya."
Then Christian came. Natulala ako dahil sa huli nilang sinabi. Hindi ko maintindihan. Anong ibig nilang sabihin? May ginawa ba si lolo sa kaniya sa loob ng apat na taon na 'yon?
I have been trying to keep myself together these past few days. Nakatulong na hindi ko palaging nakikita si Christian. Despite being uncomfortable, I still tried to maintain my mind to be clear. Kahit na lahat ng lines ko ay nagpapaalala lang sa akin sa pinagsamahan namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
