Chapter 7

9 1 0
                                        

CHAPTER SEVEN

Practice

JASMINE'S POV

"Papa, alis na po ako!" Pagpaalam ko kay papa.

"Sige nak. Ingat sa pag-alis!"

Hindi ngayon pupunta si papa sa site dahil Linggo. Pero ako ay may practice pang pupuntahan sa plaza. Magprapractice kami ng sayaw na ipeperform namin sa Monday. Kasama ko sina Ella at Hazel habang sa kabilang group naman sina Rita, at Christian. Nahiwalay naman si Anna.

Dahil malapit lang ang plaza ng baranggay na 'to, nilakad ko nalang papunta roon. Si Ella ang leader at sabi niya kailangan on time kaming darating. Iyon nga lang, pagdating ko, dalawa lang kaming nandoon at mukhang late ang iba.

Nakasimangot na ang mukha ni Ella, halatang hindi natutuwa na dadalawa lang kami ngayon sa napag-usapang oras.

"Kapag ako nainis, tatanggalin ko silang lahat sa group ko! Tayong dalawa nalang!"

Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya. Tumabi ako sa kaniya at hinagod ang kaniyang likod para pakalmahin.

"Wait nalang natin sila. Baka may inasikaso lang."

"Siguraduhin lang nila na may dahilan itong pagiging late nila. Sinabi ko na kasing nine thirty!"

Bumuntong hininga ako sa init ng kaniyang ulo. Sa malayo, nakita ko ang group ni Rita na pumasok sa plaza. Dahil malaki ang lugar na ito, dito na rin siguro nila naisipang magpractice.

Una kaagad na nakakita sa akin ay si Christian na agad tumakbo para makalapit sa amin. Tinawag pa siya ni Rita na kalaunan ay sumunod din sa kaniya.

"Nasaan ang mga kagroup niyo?" Tanong ni Christian kay Ella.

"Ewan!" Inis nitong sabi bago kumuha ng pagkain sa kaniyang bag.

Lumapit sa akin si Christian at tumabi.

"Anong nangyari?" Bulong nito.

Bumuntong hininga lang ako bilang pagsagot. Mukhang nakuha naman niya agad at napatango tango.

"Napunta kasi sa group niyo 'yong mga tamad." Walang tabas na sabi ni Rita.

"Oo! Kaya nakakainis!"

"Mabuti nalang pala at napapasunod ko itong nga kagroup ko kahit na medyo..."

"Siyempre nandiyan kayong top one at top two! Mahiya sila sa inyo kung hindi sila dumalo." Sagot ni Ella kay Rita.

Humalakhak si Christian sa narinig. "Takot lang talaga sila kay Rita."

Rita smiled proudly and raised both of her hands. "Of course!"

Natawa ako sa kanilang tatlo. Umirap si Ella nang makita ang mga kagroup namin na magkakasamang pumasok sa plaza. Nang makita nila ang hindi maipintang mukha ni Ella ay agad silang tumakbo.

"Sorry Ella!" Sabi nilang lahat, na huminto pala muna sa bagong bukas na milktea shop para bumili.

Nagulat ako nang kalabitin ako ni Christian at binigyan ng bote ng gatas. Palagi niya na itong ginagawa simula nang magpunta ako sa bahay nila para magreview sa exam namin last week.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon