Chapter 36

5 0 0
                                        

Chapter 36

Ulan

JASMINE'S POV

"Salamat," usal ko nang makarating kami sa inn.

Tahimik niyang binigay sa akin ang plastic ng pagkain ko. Hindi siya sumagot at namulsa lang.

Napalabi ako. "Magkano ba ito?"

Umiling siya. "Libre ko na nga. Makulit."

Napayuko ako. Sobrang bigat ng atmospera sa pagitan naming dalawa. Nag-isip ako ng puwedeng sabihin.

"Uuwi na ako," aniya at tumalikod na.

"I... really hope that you will forgive me... someday. Hindi man ngayon."

Hindi siya huminto. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad kaya sumikip ang dibdib ko.

"And we can still be friends after everything."

Christian didn't bother to look at me. Marahas akong bumuntong hininga na para bang sobrang bigat ng dala dala ko sa balikat ko. Matamlay akong pumasok sa inn.

"Ma'am! Nag-alala po ako. Saan po kayo nagpunta?" Natarantang tumakbo si Daniel sa akin.

Napatingin ang ilang tao na naiwan dito sa inn sa amin. Tipid akong ngumiti para ipakitana ayos lang ako.

"Bumili lang ako ng dinner. Hindi na kita ginising dahil malapit lang naman."

"Naku ma'am. Kapag nalaman po ito ni sir Johnny, papatayin ako nun!"

Bahagya akong natawa, ng pilit. "It's okay Daniel. Don't worry. Sige, papasok na ako sa loob. You should go to your room too. Hindi naman na ako lalabas."

Mataman akong tinitigan ni Daniel. "Sige po ma'am. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo."

Tumango ako at pumasok na sa loob. Pagkasarado, natulala ako sa sahig. Hindi makapaniwala na nagkita't nagkausap nga kami ni Christian. Napahawak ako sa aking dibdib na hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ang pagtibok.

I know I shouldn't feel these things when I was the one who hurt him before. Wala akong ibang minahal kundi siya lang at hanggang ngayon, hindi ko madala ang sarili ko na magmahal ng iba.

Christian is the only person who loved me genuinely. Most of the suitors I had since we broke up only cares for my surname. Ngayon ay dahil nagiging kilala na ang pangalan ko.

I thought I only care for him because of our past and because our relationship didn't end up pretty well. But now, I can't believe that my feelings for him are still here, that my heart still beats for him.

Napalunok ako at umiling. He doesn't love me anymore. Like he said, he is not the Christian I knew before. He has changed. He is no longer mine.

Tumango ako sa aking sarili at kakain na sana nang maalalang nilibre niya ako. Tumagal ang tingin ko sa plastic na binigay niya sa akin.

Kaya lang, agad kong inalis sa isipan ko ang biglang pumasok na ideya tungkol doon. I am just imagining things. Overthinking would only lead me nowhere.

Christian is not my Christian anymore. I can't be greedy now. I have no right to begin with.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ako kaagad nakatulog kagabi kaya medyo clouded pa ang utak ko. Naalimpungatan nga lang nang marinig ang boses ni Johnny umagang umaga.

"I can't believe you! Lumabas ka nang hindi kasama si Daniel? Bakit?!"

"Good morning Johnny... Anong oras ka na nakabalik kagabi?" I asked with my eyes half closed.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon