CHAPTER SIX
Group Study
JASMINE'S POV
"Hi, ako nga pala si Timothy... Timothy Daryl Martinez."
Ilang araw ang nakalilipas simula noong habulin kami ng taong 'to, ngayon lang siya pinakilala ng harapan ni Christian.
Lunch at sila ang kasabay ko. Kasama namin sila Rita, Hazel, Ella, at Anna. Sa tabi naman ni Timothy ay si Jared na kakapakilala lang kanina. Sa malayo ay sina Mike na sumusulyap sa amin habang ang iba'y busy sa kani kanilang mga pagkain.
Tinanggap ko ang kamay ni Timothy na abot tenga ang ngiti sa akin. "Hi."
Nanlaki ang mga mata nito nang hawakan ko ang kamay niya. Binitawan ko ito ngunit tinitigan niya ito ng may panlalaki ng mata. Lumingon ito kay Christian na hindi na maipinta ang mukha sa ginagawa ng kaibigan. Binatukan ni Jared si Timothy.
"Pre... P-pre..."
"Kumain na nga kayo!" Ani Rita na masama ng nakatingin kina Timothy.
Nahihiyang tumingin sa akin si Christian na halatang hindi niya talaga ginusto ito. Sina Timothy at Jared naman ay hindi na magkaintindihan sa kamay ni Timothy.
"Para kayong shunga diyan sa ginagawa niyo." Ani Anna na katabi ni Jared.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Anna." Si Jared na nilingon nito. "Suplada mo pa rin."
Umirap sa ere ang mga mata ni Anna. Nagulat naman ako nang bigyan ako ni Timothy ng isang bote ng gatas. Katulad doon sa gatas na hawak hawak ni Christian dati.
"Ito oh, baka nauuhaw ka..." Nakangiti nitong sabi.
Ilang beses naman napalingon doon sa bote si Christian at binigyan ang kaibigan nang hindi makapaniwalang tingin.
"Anong kalokohan ito, Timbong?"
"Hoy! Diba sinabi ko na sa'yo huwag mo akong tatawagin ng ganiyan sa harapan ng maraming tao?"
Nagulat ako nang kunin ni Christian ang bote ng gatas na binigay sa akin ni Timothy. Napailing si Rita sa inasal ng magkaibigan. Habang sina Jared, Anna, at Ella ay may sariling mundo.
"Hindi na talaga magbabago ang mga 'yan." Kumento ni Rita.
"Huwag mo 'tong iinumin," lumingon sa akin si Christian. "Huwag kang tatanggap ng kahit ano galing sa kaniya!"
"At bakit naman? Hindi ko naman nilagyan ng kahit ano 'yan!"
"May allergy si Jasmine. Dugyot ka pa naman. Ayaw ko lang na mapahamak siya nang dahil sa'yo."
"Mapahamak?!" Tila nainsultong sabi ni Timothy.
"A-ayos lang naman..." Nahihiya kong sabi dahil hindi naman dapat gawing dahilan 'yon.
Nakakahiya na nga na nalaman ng lahat na may allergy ako tapos parang na-oobliga pa silang mag-ingat sa akin.
Ayaw ko pa naman ang napagsasabihan ng maarte.
"Hindi ayos 'yon!" Sabay nilang tugon sa akin kaya natigilan ako.
Lumingon si Christian kay Timothy. "Huwag mo na siyang kukulitin kung ayaw mong magka-allergy siya nang dahil sa'yo–"
"Hindi naman ako mabaho! Amoy downy 'tong uniform ko uy!"
"Ano ba kayong dalawa?! Hindi ba kayo titigil?!" Naiiritang sabi ni Rita. "Kanina pa kayo ah?"
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
