Chapter 4

8 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

Hatid-sundo

JASMINE'S POV

"May gusto ka bang kainin?" Tanong ko kay Christian habang naglalakad pauwi.

Gusto ko sana siyang ilibre ng pagkain. Kahit man lang 'yon makabawi ako sa pagtuturo niya kanina. Nakakahiya na nalaman niyang hindi ako magaling sa math pero dahil sa kaniya, mas naintindihan ko 'yong lesson. Kaya bilang pambawi, gusto ko sana siyang ilibre.

"Bakit? Gutom ka ba? May alam kong bilihan ng meryenda diyan sa malapit." Aniya.

Umiling ako. "Hindi. Gusto sana kitang ilibre. Pambawi ko sa pagtuturo mo sa akin."

Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Ha? Nako, hindi na. Ayos lang 'yon. Maliit na bagay lang naman 'yon."

"I insist. Saan ba 'yong sinasabi mong bilihan ng meryenda? Tara doon."

"Ayos lang talaga Jasmine. Walang kaso sa akin 'yon. Pero kung gusto mong kumain, puwede tayong magmeryenda roon sa sinasabi ko pero ako ang magbabayad."

Naguluhan ako. Dapat ako 'yong manlilibre dahil ako 'yong tulungan. Bakit siya ang magbabayad?

"Hindi. Bakit ikaw ang magbabayad? Ako dapat."

Ngumisi siya. "Hindi ako nagpapalibre sa babae, Jasmine."

"Pero–"

Bumilog ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa kabilang kanto.

"Halika na! Baka magsara 'yon. Mahuli pa tayo!"

Wala akong nagawa kundi tumakbo kasama niya. Hindi naman kalayuan 'yong tinakbo namin pero hiningal na ako agad doon. Nang tumigil si Christian sa pagtakbo ay umupo muna ako sa gilid ng kalsada para habulin ang hininga.

"Shit! Napagod ka ba?"

Iritado ko siyang tiningnan. "Ano sa tingin mo?"

Humalakhak siya. "Sorry. Kunti lang naman 'yong distansya doon sa pinanggalingan natin. Siguro hindi ka nag-eexercise kaya ganiyan."

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Lumapit naman siya roon sa tindahan ng maruya. Bumili siya roon. Habang ako ay kumukuha na ng pera mula sa bag ko. Medyo nakakahinga na rin ako ng mas maayos.

Pagbalik ni Christian, inabot niya sa akin 'yong maliit na paper bag na may lamang maruya. Nag-angat ako ng tingin.

"Magkano?"

"Hindi na nga,"

Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Binunot ko ang bente pesos. Naramdaman ko naman siyang umupo sa tabi ko.

"Magkano nga?"

"Ang kulit," pinilit niyang ibigay sa akin ang maruya. "Kahit ibato mo pa sa akin 'yang bayad mo, hindi ko 'yan tatanggapin."

Sinimangutan ko siya. Ayaw kong makipagtalo na lalo na't tinitingnan na kami ng mga bumibili sa tindahan ng maruya. Kaya ang ginawa ko, binuksan ko ang bag niyang nasa likuran niya at mabilis na hinulog doon ang bente.

"O-oy! Sabi ng–"

"Salamat!"

Kinuha ko ang maruya sa kamay niya. Umawang naman ang bibig niya at agad na binuksan ang bag. Tumayo naman ako at nagsimula ng maglakad.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon