CHAPTER THREE
Pagtuturo
JASMINE'S POV
Ayos naman ang mga naunang araw ko. Mababait silang lahat sila sa akin. Minsan ay iniimbitahan nila akong sumabay sa kanila kumain kaya hindi naman ako na-out of place.
Medyo nakikilala ko na rin ang mga kaklase ko. Si Rita na class president namin ngayong taon. Masungit at palaging nagagalit sa mga kaklase naming pasaway. Si Hazel na secretary namin na sobrang sipag magsulat sa blackboard kapag tinatamad ang mga teacher namin magsulat.
Mabait din sa akin sina Mike at ang grupo niya. Actually, parang wala ngang grupo grupo sa classroom na 'to. Parang isang malaking grupo at ako ang bagong salta. Malalaman mo lang kung sino ang magcloclose tuwing lunch at groupings.
Si Christian ang nangunguna sa kalokohan. May kaibigan ito na palaging kasabay kumain sa tapsilogan. Sabi ni Hazel ay Timothy raw ang pangalan nun pero mahilig magpangalan si Christian at ang tawag niya rito ay Timbong.
Sa bahay naman, hindi kami mas'yado nag-aabot ni papa dahil sa trabaho nito. Sumulyap ako sa listahan ng utang na nasa laptop niyang nakapatay. Sinilip ko kasi ang kuwarto niya para tingnan kung nandito ba siya kaso wala. Iyon lang ang nakita ko.
Tiningnan ko iyon at isa isang binasa. Mga utang na galing pa sa pagpapahospital ni mama. Hindi kami mayaman dahil nakapag-aral lamang si papa sa scholarship niya sa gobyerno. Si mama naman ay isang teacher. Masaya naman ang buhay namin dati noong nabubuhay pa ang mama ko. Kung hindi lang siya natalo ng sakit niya.
Kaya halos kumayod na ang papa ko sa kakatrabaho para mabayaran lahat ng utang niya sa hospital at sa mga kakilala. Para na rin daw may maipon siya pampaaral ko sa kolehiyo. Kaya kahit hindi ako katalinuhan, ginagawa ko ang lahat para magseryoso ng pag-aaral.
"Akin na 'yang notebook ko Christian!" Sigaw ng kaklase namin si Cassandra na hinahabol si Christian na tumatakbo sa loob ng classroom.
Ordinary day sa school. Makukulit silang lahat at maiingay. Vacant namin dahil may meeting ang mga teachers. May naggigitara sa sahig sa harapan at nagkakantahan. May nag-aayos naman sa likod at nagkwekwentuhan sa gitna ng mga upuan. May mga nasa labas na habang ang iba ay natutulog.
"Isip bata talaga 'yang si Christian. Nanggigigil ako, ang ingay!" Reklamo ni Rita na gustong matulog dahil hindi raw ito nakatulog kagabi sa ingay ng papa niyang lasing.
"Akin na sabi, eh!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Cassandra.
"Libre mo muna ako?"
Umikot ang mata ko. Ganiyan ang ugali niya. Mahilig mang-asar ng kung sino sino. Kahit sino nalang ang mapagtripan niya, pakikialaman niya. Nakakapagtaka na gusto pa rin siya ng mga kaklase namin. Kung sabagay, siguro sanay na sila.
At siguro, dahil na rin matalino siya. Hindi man kapani-paniwala. Isa siya sa lumalaban ng pinakamatalino sa klase. Kalaban niya si Rita na dating top one. Si Christian naman ang top 2 last year. Noong una ay hindi ako naniwala nang ikwento nila sa akin. Pero nang magkaroon kami ng unang quiz sa isang subject, isa siya sa mga nakaperfect.
"Oo na, ililibre kita basta ibigay mo lang sakin!"
Agad namang binigay ni Christian ang notebook kay Cassandra.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe