Chapter 14
Struggle
JASMINE'S POV
Papa:
Sa susunod na araw ay bibisita ang tito Romeo mo. Kasama niya 'yong pinsan mong si Rylanie kaya samahan mo akong sunduin sila sa terminal.
Natuwa ako sa sinabi ni papa dahil ang pinsan kong si Rylanie ang pinakaclose ko sa lahat ng pinsan ko. Iniisip ko palang na magkikita na kami ay excited na ako.
Maganda sigurong bumili ng ibibigay sa kaniya. Ano naman kaya ang maganda? Tanungin ko ba si Christian or Timothy since taga rito sila?
Kaagad kong nakita ang pangalan ni Rylanie sa messenger ko.
Rylanie:
Beb! Bibisita kami sa inyo! Can't wait to see you!
Ako:
Ako rin! Nabalitaan ko galing kay papa. Dala ka ng lechon niyo ah?
Rylanie:
Oo naman! Sinabi ko na 'yan kay daddy kaya don't worry! I-tour mo ako ha? Inaasahan ko na hindi boring diyan sa lugar niyo.
Natawa ako sa kaniyang sinabi. Sasagot pa sana ako nang biglang magflash ang number ni Christian sa phone ko. Kumunot ang noo ko. Ano nanaman ang kailangan nito?
"Hello?"
Lumingon lingon ako sa paligid. Wala akong kasama ngayon sa shed dahil tapos naman na kami. Hinahantay ko nalang maglunch.
"Tingin ka sa likod mo."
Sumunod naman ako sa sinabi niya. Bumilog ang mga mata ko nang makita si Christian. Dala 'yong lunchbox niya at isang box ng pizza.
"Oh. Nandito ka na pala. Nasaan si Timothy?" Tanong ko.
Ngumisi siya at tumakbo palapit sa akin. "Wala. 'Di makakasama 'yon. Busy na nakikipagdate."
"Date?" Nakalapit na siya sa akin kaya pinatay niya na ang tawag.
Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang mga dala niya sa lamesa.
Natigilan ako nang marealize na dalawa lang kami ni Christian dito. Parang bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.
"Oo. Alam mo naman 'yon. Hindi na nagbago."
Binuksan niya na lunchbox niya kaya nataranta akong buksan din 'yong akin. Wala sa sarili akong umusog ng kunti palayo sa kaniya. Pero sa distansya na hindi niya naman mahahalata.
Natigilan ako sa sarili kong ginagawa. Bakit ba ako lumalayo? Ano bang nangyayari sa akin?
"D-dapat kinayag mo sa atin. Ang laki ng pizza na binili mo. Hindi natin mauubos 'yan." Sabay turo ko sa pizza niya.
Binuksan niya rin 'yon tapos may kinuha siyang coke mula sa bag niya. Gulat ako nang makitang handang handa siya dahil may dala rin siyang dalawang baso.
"Nagdala ako, in case." Sumulyap siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
"Nag-abala ka pa..." Sabi ko sabay simula ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
