Chapter 29

4 0 0
                                    

Chapter 29

Christmas

JASMINE'S POV

Tama ba itong pagkakasuot ko? Tiningnan ko ulit ang picture ni Zero Two at ang sarili ko sa salamin ng kuwarto ko. Mukhang tama naman. Lumapit ako para ayusin ang contact lenses na suot suot ko.

"Nasa labas na si Christian at Timothy anak!"

"Sige po papa! Pababa na po!"

Kinuha ko na ang lahat ng kailangan kong dalhin pati ang regalo ko sa nabunot ko. Pagbaba ko, nakita ko silang dalawa na suot suot ang kanilang mga cosplay costumes.

Si Christian na nagsuot ng Hiro cosplayer bilang partner ko sa Darling in the Franxx, at si Timothy na Zenitsu from Demon's slayer ang napili.

"Ang ganda mo talaga Jasmine!" Bungad ni Timothy sa akin kaya napangiti ako.

Hinintay ko ang sasabihin ni Christian na tiningnan ako mula ulo hanggang paa pabalik sa katawan ko at sa mukha ko. Laglag ang panga niya na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

Umikot ako sa harapan nila at lumapit sa kaniya. Sumulyap si Timothy kay Christian na napatakip ng bibig habang pinipigilang ngumiti sa naging galaw ko.

"Darling, ohayo!" I tried to sound like Zero Two. Pati si Timothy ay napatakip ng bibig.

Muntik ng matumba si Christian kaya nag-alala kami ni Timothy nang alalayan siya. Iritado niyang tinabig ang kamay ni Timothy paalis sa akin.

"Lumayo ka nga?" Lumingon siya sa akin at palihim na hinawakan ang magkabilaan kong pisngi habang nasa taas pa si papa. "Ohayo, my Zero Two. Ang ganda ganda mo."

"Ang guwapo mo rin. Bagay na bagay mo maging si Hiro."

"Dapat lang. Maganda ang girlfriend ko. Hindi puwedeng magdoubt sila na pinili mo ako."

"Uhh. Excuse me ano? Nandito ako? Hindi naman ako sumama rito para maging third wheel niyong dalawa."

Natawa ako kay Timothy. Kaso nga lang, tumayo kami ng diretso nang marinig namin ang mga footsteps ni papa. Tumabi ako sa gilid ni Christian. Nagkatinginan kami ni papa nang makababa siya. Nang kay Christian na siya nakatingin, tumaas ang kilay niya. Sumunod ay kay Timothy.

"Magkapareho ata kayo ni Christian, anak? Ano kayo? Mga estudyante ba sa isang Sci-Fi movie?"

"Ah, Engineer, isa po silang cou–"

"Partner papa! Partner po kami sa isang sci-fi anime. Like 'yong Pacific rim na style po?"

Mabagal na tumango si papa. "Oh, maganda 'yon. Eh ano naman itong costume ni Timothy?"

"Zenitsu po. Isa po akong demon's slayer!" Umarte pa si Timothy gamit ng espada niya na gawa sa kahoy.

Lumapit si papa sa amin dala ang kape niya. Huminto siya sa harapan ni Christian na hindi man lang gumalaw sa pagkakatayo niya. Napansin ko ang panginginig ng kamay niya sa gilid ko.

"You look so stiff Christian. Ayos ka lang ba?"

"Opo Engineer!"

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon