Chapter 27
Engineer
JASMINE'S POV
"Papa alis na po ako!"
"Sige 'nak, ingat!"
Tumakbo ako sa labas ng bahay namin. Nandoon si Christian na naghihintay sa akin habang nakasakay sa kanilang tri-bike. Ngumiti siya nang makita ako.
"Good morning girlfriend."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo."
Humaba ang nguso niya bago sinimulang paandarin ang bike.
"Ayaw mo ba talaga na malaman nila ang tungkol sa atin?"
"Hindi naman sa ganoon. It's just that... Sa ugali ng mga kaibigan natin... Hindi maiiwasang..." Naghanap ako ng magandang term sa sasabihin ko.
"Mmm... Sige... Naiintindihan ko."
Sumikip ang dibdib ko sa kaniyang tono. "Sorry na Christian. Hindi naman natin ililihim eh. Hahanap lang tayo ng tiyempo... Hahanap din ako ng tiyempo kay papa."
"Ako nasabi ko na kina nanay at tatay."
"Ha?!"
Sumimangot siya sa reaksyon ko. "Ano? Ayaw mo rin? Magulang ko 'yun ah."
"H-hindi... I mean... Paano ko sila haharapin mamaya... 'Yong regalo ko..."
"Jasmine, huwag kang mag-overthink. Matagal na akong binubugaw ng nanay ko sa papa mo kaya tuwang tuwa siya na naging tayo na. Si tatay naman, proud pa nga iyon sa akin kasi hindi na raw ako torpe."
Humalakhak siya sa sinabi niya. Kumalma naman ako dahil sa mga narinig ko. Akala ko hindi nila ako tatanggapin. Pero ang marinig ito mula kay Christian ay nagbigay sa akin ng peace of mind.
"Kaya mamaya, ipapakilala na kita sa kanila."
"Sige. Dala ko naman na ang regalo ko sa mama mo. Sana magustuhan niya."
"Huwag kang mag-alala. Magugustuhan niya 'yon."
Ngumiti ako sa kaniya. Ang saya pala sa feeling na malaya ko ng tinanggap ang nararamdaman ko kay Christian. Ngayong boyfriend ko na siya, para akong nakahinga ng maluwag dahil hindi ko na kailangang pigilan ang sarili ko.
Si Christian na akala ko hinding hindi magkakagusto sa akin, pero ngayon ay masayang masaya na kasama ako.
Ganoon din ako. Sobrang saya. Pakiramdam ko, palagi akong naooverwhelm sa sobrang saya na kasama siya palagi. Nawawala lahat ng worries ko. Siya talaga 'yong taong palaging nag-eencourage sa akin na magpursigi sa passion ko.
Napakasuwerte ko sa kaniya.
Hinintay ko siyang pinapark ang tri-bike nila. Pagkatapos ay tumakbo na siya sa akin para kunin ang bag ko.
"Anong oras program niyo mamaya?"
"Mga nine siguro. Huwag mong sabihing pupunta ka?"
"Bakit? Ayaw mo akong manood?" Kunot noo niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi naman. May review ka kasi. Kung hindi puwede, okay lang naman kung hindi ka makapanood. Mas importante 'yang review niyo para bukas."
"Mas importante ka sa lahat ng 'yon Jasmine."
Natigilan ako sa kaniyang sinagot. Seryoso siya nun na akala noonh una ay inaasar niya nanaman ako. Pero dahil hindi ko makayanan ang mga titig niya, umiwas ako ng tingin.
"Bukas ay division meet niyo na, hindi ba?"
"Oo. Pero maaga naman 'yon matatapos kaya makakauwi kami agad. Siguro mga hapon nandito na kami."
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe