Chapter 2

12 2 0
                                        

CHAPTER TWO

Unang Araw


JASMINE'S POV

"Maging mabait kayo kay Jasmine, ha?" Sabi nung teacher namin pagkaupo ko. "Okay, class... Let's start. Dahil first day natin, wala munang lesson. Kumusta naman ang bakasyon niyo?"

Classmate ko pala 'yong lalaking 'yon? Kung sabagay, mukhang hindi naman magkalayo ang edad naming dalawa. Nagkibit balikat ako at nakinig na lamang sa klase.

Iba ang classroom ng eskwelahan na 'to sa dati kong pinapasukan. Dito ay arm chair lang ang meron. Kahoy pa at hindi bakal. Sa dati kong pinapasukan kasi ay nay kaniya kaniya kaming lamesa at by two kada isang column. Dito ay magkakadikit ang limang upuan.

Kaya nakakaasiwa na sinusulyapan ako ng mga katabi ko. Nasa gitna nila ako kaya ramdam na ramdam ko ang tinginan. May mga kaklase pa akong nakatingin sa akin na nakapuwesto sa gilid ng classroom. Gusto ko mang magtalukbong sa hiya pero nilabanan ko 'yon. Nakaupo lang ako ng maayos at diretso ang tingin sa teacher.

Mukha ngang ako ang topic ngayon ng buong klase. Dahil kada bagong subject ay palagi akong nagpapakilala. Hindi rin miminsan na tinanong ako ng mga teacher namin kung ano nga bang mga karanasan ko sa dati kong school at dahilan kung bakit kami lumipat sa baryo na 'to.

"My father is an engineer. May project sila sa bayan kaya minabuti nalang ni papa dito muna kami manirahan pansamantala."

"Pansamantala?" Tanong ng guro. "Ibig sabihin ay lilipat ka rin after ng school year na ito?"

Dahan dahan akong tumango. Ito ang isa sa pagkakaiba ng mga teacher namin sa syudad. Hindi sila nang-uusisa doon. Kapag may bagong salta, tama na ang pagpapakilala. Hindi 'yong ganito na tinatanong ka pa kung anong dahilan ng paglipat.

Wala namang kaso sa akin. Hindi lang ako sanay dahil hindi ko 'yon nararanasan sa mga school na pinapasukan ko.

Last subject namin at walang ibang bakanteng upuan kundi sa tabi ni Christian. Siya lang naman ang kakilala ko sa klase dahil hindi pa ako pamilyar sa lahat. Hindi rin naman sila lumalapit sa akin at para bang nahihiya pa akong kausapin.

Straight ang likod ni Christian na nakaupo. Nakatukod ang kamay sa arm chair at nakapatong ang baba sa kamao. May hawak itong ballpen at may notebook sa arm chair niya.

Lumapit ako sa kaniya. "Puwede bang makiupo?"

Napakurap siya at lumingon sa akin. Parang balisang balisa at hindi makatingin ng maayos.

"Sige. A-ayos lang. Wala namang nakaupo diyan." Sabi niya sabay tingin sa harap agad.

Kumunot ang noo ko. Nakakapagtaka na ibang iba siya nang una ko siyang makita sa ngayon. Dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Nilagay ko ang bag ko sa paanan ko.

"Uhh..."

Tumingin ako kay Christian nang kalabitin niya ako. Nakakamot siya sa kaniyang pisngi at ngumiti sa akin pagkatapos.

"Hindi maganda ang pagpapakilala ko sa'yo noong isang araw. Pasensya ka na roon."

Pinagmasdan ko siya na hindi alam kung saan pupulutin ang mga sasabihin. Nang mag-angat siya ng tingin ay agad siyang yumuko.

"Gusto ko sanang makipagkilala sa'yo ng mas maayos."

Mabagal akong tumango. Wala namang kaso sa akin 'yong nangyari noong nakaraan. Actually ako nga dapat ang humingi ng paumanhin dahil nakikiusyuso ako sa buhay nila. Hindi na dapat ako nanood doon.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon