Chapter 10
Tinamaan
JASMINE'S POV
"From the top! From the top! Ano ba ito Jasmine? Emosyon! Emosyon! You are sexually abused! May naabuso bang nahihiya?!" Sigaw sa akin ng directing teacher namin.
Napalunok ako at napayuko. Hindi ko pa naman kasi nasusubukan ang ganitong role. Atsaka hindi ko rin naman talaga sumama sa ganito.
"Skip muna siguro sa part na 'to boss. Iprapractice nalang muna namin ni Jasmine 'to."
"Dapat lang! Malapit na ang District Meet! Kung papalya palya tayo, hindi tayo mananalo nito!"
Napalabi ako at agad na umalis sa stage para sa susunod na scene. Dire diretso ako agad sa bag ko para uminom ng tubig. Para na rin sana makapagpahinga dahil kanina pa kami nagrerehearse.
"Hey! Hey..." Tawag sa akin ni Oliver.
"Oh? Oliver,"
"Kailangan natin pag-usapan 'yong nangyari kanina. Is this your first time in theater?"
"Hindi naman," umiwas ako ng tingin at pasimpleng binawi ang braso ko.
"Oh, then first time sa heavy role?"
Tumango ako sa kaniya. "Pasensya na talaga. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin sa ganoong role. Hayaan mo, susubukan ko pag-aralan pag-uwi."
"Oh, don't worry. Gusto nga kitang tulungan eh. You know, may alam akong movie na makakatulong sa'yo kung paano umarte ng–"
"Hi Oliver! Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Victoria na agad yumakap kay Oliver.
Medyo awkward dahil halata naman na ayaw niya sa akin. Pero ayos na rin kasi nagkaroon ako ng dahilan para i-excuse ang sarili ko.
Umalis ako kaagad pagkatapos ko magpaalam. Pumunta ako sa upuan kung saan nasaan ang bag ko at agad na kumuha ng tubig.
Umupo ako sa tabi ng bag ko at pinanood ang ibang kasamahan namin na tuloy tuloy ang pag-acting sa stage.
Tipid akong napangiti sa galing nilang lahat. Naalala ko tuloy noong nakasama ako sa theater club noong elementary pa ako. Noon pa man ay nakahiligan ko na ang pagsama sama sa mga ganito.
Hindi ko naman siya talagang tinututukan pero naeenjoy ko ang acting. Iniisip ko nga, kung wala akong maisip na career path ay baka ito ang tahakin kong landas.
Natigil nga lang ako nang mawala si mommy sa amin ni daddy. It was hard. Ang hirap to the point na tumigil ako sa pagsama sama sa mga ganitong bagay dahil hindi na siya katulad ng dati.
Hindi na ako masaya. Siguro kasi wala na si mommy na nanonood at nandiyan palagi sa akin. It was her dream for me to become an artist. Ngayong wala na siya, hindi ko na mahanap ang saya na ipagpatuloy doon.
Siguro...
Kung nandito lang sana si mommy...
"Gatas?"
Napalingon ako kay Christian na inaabutan ako ng bote ng gatas. Napangiti ako at tinanggap iyon. Ngumiti siya. Tumabi siya sa tabi ng bag ko saka pinanood 'yong mga kasamahan ko. Si Oliver at Victoria na ang nasa stage.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
