Chapter 11

6 0 0
                                    

Chapter 11

JASMINE'S POV

Alala

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Nalaman ko pa naman kay Timothy ang sobra sobra niyang pag-aalala sa akin kanina. Kailangan may gawin ako bilang pambawi sa kaniya.

Pero totoo ba na ganoon ang ginawa niya? Sabi ni Timothy ay umalis pa raw ito sa kalagitnaan ng review niya.

Napalunok ako at tumihaya. Tinitigan ang kisame habang iniimagine kung paano nga ba ang nangyari.

Hindi ko alam pero... Bakit may nararamdaman akong kung ano sa dibdib ko?

Dahan dahan ko itong hinawakan. Naramdaman ko ang napakabilis kong tibok ng puso. Kumunot ang noo ko. Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?

Kinagat ko ang labi ko at inisip kung paano nga ba ako makakabawi kay Christian. Ilibre ko ba siya? Paglutuan ko ng pagkain? Or i-treat ko siya sa bayan? Kung sabagay hindi pa naman ako nakakagala simula noong umalis kami rito.

Hindk ko alam kung hanggang anong oras ako nagising. Pero kahit alam kong medyo puyat ako, nakita ko na lamang ang sarili ko na maagang nag-ayos.

Naisipan kong gawan siya ng sandwich bilang pauna sa pambawi ko. Saka nalang ako babawi ng husto kapag tapos na ang district meet namin.

Pinanood ko pa sa YouTube kung paano gumawa ng kakaibang sandwich. Nahiya rin ako nang maabutan ako ni papa na gumagawa ng sandwich.

"Oh. Good morning. Maayos na ba pakiramdam mo?"

Kumuha siya ng isa sa mga sandwich na ginawa ko. Pipigilan ko sana siya dahil para kay Christian 'yon pero hindi ko na nagawa dahil nakain na ni papa.

"Ang sarap ah? Italian sandwich?"

"Opo... Para po sana... kay Christian."

"Christian?" Napatingin siya sa akin.

"I-I mean, sa mga tumulong sa akin kahapon po. Nakakahiya po kasi kung hindi ako babawi sa k-kanila..."

Napatango tango ang papa ko. "Ganoon ba?" May kinuha siya sa wallet niya at binigyan ako ng pera. "Ito, dagdagan mo. Ilibre mo sila sa kainan."

Nanlaki ang mga mata ko. "Naku pa! Huwag na po. Okay na po ito–"

"Okay lang anak. Pambawi ko rin dahil tinulungan ka nila sa school. Hayaan mo, 'pag 'di na ako busy sa trabaho, invite mo sila sa bahay natin para mapakain natin sila."

Ngumuso ako lalo na nang nilapag ni papa ang pera sa lamesa. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Pasok muna ako sa trabaho ah? Ingat ka sa school niyo."

Umalis na rin si papa pagkatapos no'n. Ako naman ay minadali ang huling sandwich na ginagawa ko. Ilang minuto pagkatapos ay narinig ko na ang batingting ng bike ni Christian.

"S-saglit!"

Natataranta kong kinuha ang bag ko at ang lunchbox na pinaglagyan ko ng sandwiches.

Paglabas ko, nabigla ako sa nakita ko.

Hindi si Christian ang nasa harapan ng gate. Si Timothy.

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon