Chapter 5

14 2 0
                                        

CHAPTER FIVE

Basketball

JASMINE'S POV

"Sino ba 'yon?" Natataranta kong tanong nang halos itulak niya na ako pababa ng bike niya.

Nginuso niya ang gate. "Pumasok ka na sa loob. Huwag kang lilingon! Diretso ka lang!"

Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya ay sinunod ko 'yon. Bigla akong natakot dahil sa pagpupumilit niya. Sino ba ang taong 'yon at ayaw niya akong ipakita roon?

Wala akong nagawa kundi tumakbo papasok ng school. Naabutan ko sina Rita at Hazel na nag-uusap sa labas ng pinto. Huminto ako para makahabol ng hininga dahil sa tinakbo ko.

"Napano ka? Anong nangyari?" Lumapit sa akin sina Rita.

Umiling ako at hindi nagsalita. Nilingon ko ang pinanggalingan ko para makita kung nakasunod na ba si Christian. Pero ni anino niya ay hindi ko nakita kaya bahagya akong nag-alala.

"Tara na. Pasok na sa loob. Nandiyan n si ma'am." Sabi ni Hazel bago ako tinulungan sa bag ko.

Ilang minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin si Christian. May pinapasulat si ma'am kaya paniguradong mapapagalitan nanaman 'yon.

Sino ba kasi 'yon? Bakit kailangan pa akong patakbuhin? Hindi raw kami puwedeng magkita? Masama bang tao 'yon?

Nag-angat ako ng tingin nang makita ko si Christian na habol ang hiningang pumasok sa loob. Ang teacher namin ay napalingon sa kaniya habang siya ay agad na humingi ng paumanhin dito.

"Sorry ma'am. Nalate po ako."

"Saan ka nanaman nagsususuot, Mr. Balbalosa?"

Napakamot sa batok si Christian at ngumisi lamang sa teacher namin. Umiling nalang ang guro namin at hindi na nagtanong pa. Agad nagtungo si Christian sa kaniyang upuan. Sinundan ko siya ng tingin.

Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway. Tipid lamang akong ngumiti at bumalik sa pagsusulat.

Saan ba siya galing?

"Magsabi ka nga," bulong ni Ella sa akin na katabi ko sa subject ngayon. "Hinatid ka niya kanina?"

Lumingon ako sa kaniya. Gulat na alam niya 'yon.

"Paano mo nalaman?"

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at tinakpan ang bibig sa gulat. "Luh? Hinatid ka talaga?"

Kumunot ang noo ko. "Oo. Bakit? May problema ba?"

Umiling siya. "Wala naman. Tinanong ko lang."

"Nagulat din ako. Kaso ang sabi niya napagod na raw siyang maglakad kaya gumamit siya ng bike."

"Napakabait naman. Mabait talaga 'yan si Christian. Madalas lang talagang makulit."

Sang ayon ako dahil ilang beses na namin 'yong napatunayan. Pero kahit ganoon ay thoughtful naman. Kahit madalas ang pagkapilyo sa lahat ng kaklase namin.

"So, ihahatid ka rin niya pauwi?"

Umiling ako. Wala naman siyang sinabi na ihahatid niya ako atsaka wala naman kaming usapan. Ayos lang din naman na mag-isa akong uuwi mamaya.

"Hindi naman,"

"Nagsabay daw kayo noong kahapon eh?"

"Ah oo. Nagpaturo pa kasi ako sa library ng lesson natin sa algebra."

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon