Chapter 26
Date
JASMINE'S POV
"Ready ka na?" Nakangiting tanong sa akin ni Christian.
Tumango ako habang ngumingiti sa harapan niya. Umikot ako sa harapan niya para makita niya ng buo ang suot suot ko ngayon. Isang strap summer dress na kulay yellow na tinernuhan ng white close shoes. Ang mahaba kong buhok ay nakalugay lamang at may maliit na hairpin sa gilid.
May pasok kami kanina at maaga kaming umuwi para lang dito. Halos tumakas pa kami dahil hindi pa namin pinapaalam sa iba na kami na. Hindi pa namin napag-uusapan pero ayaw ko munang isipin iyon.
Gusto ko munang maranasan na makipagdate sa taong gusto ko.
"Kumusta? Maganda ba?"
Lumapit siya sa akin ng naka-angat ang labi. Hindi ako nakahinga nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya ng malapitan.
"Kahit anong suotin mo, napakaganda mo pa rin."
Hindi ko alam ang isasagot ko. Mas'yado akong nahuhumaling sa mga mata niyang nakangiti sa akin ngayon. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang bahagyang kinagat ang pang-ibaba kaya kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.
"Mapapaaway yata ako sa date natin mamaya."
"H-huh? Bakit?" Gulong gulo kong tanong nang lumayo siya sa akin.
Madrama niyang hinawakan ang sentido niya na parang problemadong problemado. Natawa ako dahil sa kabila ng kakulitan niya, talagang nagsuot pa talaga siya ng itim na sleeves na tinernuhan ng formal pants at black shoes.
Guwapo na siya mapa-uniform man namin o pang casual niyang damit. Pero dumoble iyon ngayong nakaayos siya na akala mo isang model sa suot suot niya. Maayos din ang buhok na tingin ko'y ginaya niya pa sa internet. Bagay naman niya kaya hindi ko siya maasar doon.
Nagulat ako nang panggigilan niya ang mukha ko kahit na hindi hinahawak iyon. Bumuntong hininga siya at ngumisi sa akin. May kinuha siyang kung ano mula sa bulsa niya.
Isang mask.
"Kailangan mong magsuot niyan. Mahirap na."
My heart warms because of that thoughtful gesture.
"Thank you..."
"Tara na nga. Baka kung ano pang magawa ko. Kailangan makabalik ka bago dumating papa mo kaya huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras."
"Sige!" Sumunod ako sa kaniya na tumakbo palabas ng gate namin.
Sumakay kami sa motor na hiniram niya sa papa niya. Nilagyan niya ako ng helmet at inalalayan na umupo sa likuran niya. Sumakay din siya bago naglagay ng helmet sa sarili niya.
"Hawak ka sa akin."
Natigilan ako nang ipulupot niya ang mga braso ko sa baywang niya.
"Ayan. Nasa tamang lugar ang mga kamay mo."
Hinampas ko siya sa kapilyuhan niya nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Agad niyang kinuha ang kamay ko at binalik iyon habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
