CHAPTER ONE
Pagkikita
JASMINE'S POV
"Anak, pasensya na. Dito muna tayo pansamantala." Sabi ni papa habang pareho kaming nakatingala sa 'di kalakihang bahay.
Katatapos lang naming mag-ayos ng mga gamit sa loob. Kalilipat lang namin nung isang araw at ngayon lang natapos maglipat. Lumabas kami ni papa para makapagpahinga. Naabutan niya akong nakatingin sa bago naming tahanan.
"Ayos lang pa. Ang importante, nakalipat na tayo."
Tumango si papa sa sinabi ko. Sabay kaming bumuntong hininga.
Dahil sa trabaho ni papa, palagi kaming lumilipat ng matutuluyan. Hindi naman ako nagrereklamo dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon. Alam ko naman na ginagawa niya 'to para matustusan kaming pareho. Mahirap ang buhay kaya walang lugar ang pagrereklamo.
Luminga linga ako sa paligid. Maliit na bayan lang 'to, nasa isang baranggay kami, sa bandang malapit sa school. Wala naman mas'yadong malalaking bahay rito. Marami ring palayan sa paligid at may malapit na dagat sa 'di kalayuan. Ang alam ko ang pangunahing hanap buhay dito ay pagsasaka at pangingisda.
"Maganda naman dito, pa. Madaling lakarin ang school. Hindi na kailangan ng pamasahe." Sabi ko habang tinitingnan ang kalsadang pababa.
Para kaming nasa gilid ng bundok dahil hindi straight ang lupa sa banda namin. Pataas pa sa kabilang side pero may pababa rin. Nga lang, paakyat ang daan papunta sa school. Kaya paniguradong nakakapagod din ang araw araw ko.
"Kailan ba pasok mo?" Tanong ni papa na tinitingnan ang wallet.
"Sa makalawa po,"
Binigyan niya ako ng pera. "Ito, pambili ng mga gamit mo."
Napatingin ako sa hawak ko. Five hundred pesos. Pambili ng notebook, ballpen, papel at iba pa. Hindi na ako bibili ng bag dahil maayos pa naman ang bag ko last year.
"Salamat po, pa." Sabi ko.
"Hayaan mo, babawi ako kapag nakasahod na kami sa katapusan."
Tumango ako at ngumiti. "Ayos lang po."
"Kumain ka muna bago ka umalis. Alam mo na ba kung saan ang merkado?"
"Opo,"
Ginulo ni papa ang buhok ko at ngumiti sa akin. "Ang galing talaga ng anak ko."
Ngumisi ako. Hindi na nagsalita at pumasok na sa loob. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako para makapaghanda na. Nagpaalam na ako kay papa bago umalis. Dahil ang merkado ay sa baba pa, naglakad lakad ako papunta roon. Walang masasakyan dito at sa baba pa kaya wala akong choice.
Tahimik ang buong paligid. Ang simoy ng hangin ay mas nadedepina lalo na ang mga puno sa paligid. This province life is so different from our city life before. Laking syudad ako kaya talagang nakakapanibago. Ito yata ang unang beses na nadestino si papa sa probinsya.
Habang naglalakad, may mga nakikita akong bagong mukha. Halos lahat sila ay napapalingon sa akin dahil bago ako sa paningin nila. Yumuko ako sa hiya, hindi sanay na pinagtitinginan. Dumaan ako sa palayan na nakita ko kanina. Ito ang pinakaunang makikita mula sa bahay namin.
May daan papunta sa 'di kalakihang bahay sa gitna. Kitang kita naman mula sa kalsada ang dagat sa likuran ng bahay na 'yon. Napakagandang tanawin. Siguro paglaki ko, ganitong lugar din ang naiisip kong tirhan. Malayo sa syudad at problema. Banayad lamang at tahimik na pamumuhay.
BINABASA MO ANG
Our Story That Bloomed Again
RomanceA writer... An artist... A place full of memories -- A/N: Slow update as of now like very slow hehehe
