Chapter 31

8 0 0
                                    

Chapter 31

Regionals

JASMINE'S POV

"Wait! You knew?" Hindi ko makapaniwalang sabi nang malaman ko na matagal na palang alam ni papa at hinihintay niya lang ako na magsabi. "H-how?"

"You guys didn't have to say it. It's written all over you."

Natulala ako at inalala lahat ng nangyari noon. Was I too obvious? Were we? I thought we hid it well? I made sure dad wouldn't figure it out, though?

"So, since you two already admitted it, puwede na ba ako magsalita?" Dad coughed again kaya natauhan ako.

"Dad–"

"Ops! Ako ang magsasalita muna. Nanahimik ako ng matagal kaya ako muna."

Sabay kaming napalunok ni Christian na ngayon ay hindi na makapagsalita dahil sa sobrang takot kay papa. Hinawakan ko ang kamay niya at seryosong tiningnan si papa na nagtagal ang tingin doon.

Tumaas ang dalawang kilay ni papa.

"You two are still young, sigurado ba kayo sa naging desisyon ninyo?"

"Opo! Siguradong sigurado na po ako sa kaniya!" Christian said with so much volume.

Papa looked at him in awe. "Kung makapagsalita ka naman hijo, parang pakakasalan mo na ang anak ko."

"Doon din po mauuwi iyon kaya hindi niyo po dapat alalahanin ang pagmamahal ko sa anak ninyo, Engineer!"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Christian. But papa pointed him out and glared at him.

"Hoy! My daughter is too young to think about that! You maybe in love with my daughter now, pero hindi pa natin masisiguro na mamahalin mo pa rin siya even after five years!"

"Papa? Bakit po ang negative ninyo sa amin?" Kunot noo kong tanong.

Papa sighed. "Anak, hindi sa negative ako. I am your father for pete's sake. Hindi ako nangako sa mama mo na pagtatapusin kita ng pag-aaral na wala akong gagawin. I have to make sure that you will graduate no matter what. Relationship are sometimes the reason behind failure. I just want to protect you from that."

"Hindi ko po sasaktan ang anak ninyo. Engineer, hayaan niyo pong patunayan ko po sa inyo iyon."

"And if you failed? At what expense are you going to give up?"

Nilingon ko si Christian na hirap na lumunok habang nag-iisip ng isasagot. Sinamaan ko ng tingin si papa matapos ng ilang minuto.

"I will not fail, Engineer. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Sa totoo lang po, matagal ko na pong mahal ang anak ninyo. Pero hinintay ko po siya hanggang sa mahalin niya rin po ako. Nangako po ako sa sarili ko na ang pagmamahal ko kay Jasmine ay hindi magiging dahilan para masira ang pangarap ninyo sa kaniya. Instead, I will help her reach her dreams. Susuportahan ko po siya sa lahat. Hindi ko po siya iiwan sa bawat hakbang niya papunta roon."

Napalunok si Christian at nagpatuloy.

"Maaari pong isipin ninyo na baka puro lamang po ako salita. Kaya po patutunayan ko po sa inyo ang lahat ng iyon. Ako po ay pinalaki ng mga magulang ko na may isang salita. Kaya po makakaasa po kayo na tutuparin ko lahat ng pangako ko po sa inyo, at sa kay Jasmine."

Our Story That Bloomed AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon