[Ashley POV]
Pagkabulong ko ng mga katagang iyon sakanya ay naglakas loob akong titigan ang kanyang mga mata. Halatang halata pa rito ang sobrang pagkagulat dala siguro ng mga sinabi ko.
"Bakit di ka na diyan nagsalita?" Mahinahon kong tanong sakanya.
Naguguluhan pa rin ang itsura ng mukha niya, mukhang nabigla yata talaga siya sa pag amin ko. Pinipigilan kong tumawa para siyang batang sinabihan na hindi totoo si santa. Hay naku Paris Jae bakit ba ang cute cute mo ngayon sa paningin ko? Nakakagigil ka!
"PJ.."
"Huwag kang magbiro nang ganyan." Hindi makapaniwalang sabi niya habang nakatitig sa akin.
Hindi ko na napigilang mapangiti. Idinantay ko ang palad ko sa kanang pisngi niya.
"Hindi ako nagbibiro."
"Pero-"
"I love you Paris Jae.."
Nakangiting sabi ko sakanya. Pero nawala rin lang ang ngiti ko nang makita kong magtubig ang mga mata niya.
"PJ t-teka umiiyak ka ba?" Nag aalalang tanong ko sakanya.
Imbes na sumagot siya ay nginitian niya lang ako. Pinaikot niya ang braso niya sa bewang ko habang ang isang kamay niya naman ay napunta sa may kanang pisngi ko.
"Mahal mo ako?" Mahinahon niyang sabi habang nakatitig sa akin.
"I love you PJ.."
Tuluyan nang tumulo sa gilid ng mata niya ang luha niya. Hindi ko alam kung bakit siya naiiyak. Ano bang nakakaiyak sa sinabi ko? Umamin na nga ako sakanya eh.
"Shh tama na please.." Mahinahon kong sabi sakanya habang hinahalikan ko ang luhang tumulo sa may pisngi niya,
"Salamat.." Mahinang sabi niya.
"Saan?" Naguguluhang sabi ko.
Pinupunasan ko ang pisngi niya gamit ang hinlalaki ko nang hindi inaasahang ipagpalit niya ang pwesto namin. Siya naman tuloy ngayon ang nakapaibabaw sa akin.
"PJ-"
Napakurapkurap ako nang ilapit niya sa mukha ko ang mukha niya kasabay nun ay ang paglandas ng likod ng palad niya sa may pisngi ko.
"Kasi mahal mo ako." Malumanay niyang sabi.
Hindi ko napigilang titigan siya sa mga mata niya. Nakatingin lang siya sa akin habang dinadama niya ang pisngi ko. Bakit ganun? Bakit sa tingin niya ba hindi siya karapatdapat mahalin?
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...