Babala: SPG bawal sa inosente.
[Ashley POV]
"Tangina ang kinis.." Sabi nito habang pinadadaanan ito ng mahaba niyang daliri.
Maya maya ay hindi na ito nakuntento sa tanging paghaplos haplos lang, hindi na ito nagdalawang isip pa na ibukas ito ng bahagya. Napapikit pa ito nang masamyo niya ang amoy nito.
"Ang bango.. ang-- ARAY! TANGINA SINO YUN?!"
Asar na napatingin si Edgar sa mga kasama niya, binato kasi siya ni Emman nang hawak nito na buto ng orange na kinakain nito.
"Kahit kalian ang manyak mong hayop ka." Naiiling iling na sabi ni Emman.
"Wow hiyang hiya naman ang libido ko sa libido mong gago ka." Sagot naman nito sabay bato kay Emman ng balat nang kinakain niya ring orange.
"Tangina problema mo?!" Asar na sagot ni Emman nang tamaan siya nito sa ulo.
"Magsitigil nga kayo para kayong mga bata!"
Napatingin silang tatlo sa sumigaw na si Pip.
"Anak ng puta Philip sayo pa talaga yan nanggaling?" Di makapaniwalang sabi ni Leo.
"Saka ka na mag speech kapag napalitan mo na yang pajama mong sponge bob!" Tawang tawa naman na asar ni Edgar. Napatigil naman ito sa pagtawa nang mapansin niyang sakanya naman ngayon ang mga ito nakatingin.
"Oh bakit?"
Mukhang nakuha niya naman kung saan ang mga ito nakatingin.
"A-anong tinitingin tingin niyo?! A-ano c-cute kaya tong si Patrick The Star!" Namumulang sabi ni Edgar habang nakahawak sa pajama niya.
"Gago!"
"Tarantado!"
"Baliw!"
Halos mamatay na ako sa kakatawa nang pagbabatuhin nila si Edgar ng balat ng orange na kinakain nila. Ang kukulit talaga nang apat na to, para pa ring mga bata kung magtratuhan. Napatigil lang ako sa pagtawa nang may yumakap sa bewang ko mula sa likod.
"Ang saya mo ah.." Sabi niya nang ibaon niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Tingnan mo oh parang mga bata ang mga kaibigan mo PJ.." Sabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga ito sa garahe.
Hindi siya sumagot bagkus naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa balikat ko pataas sa leeg ko. Napahawak tuloy ako sa braso niyang nakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...