Chapter 41

21.6K 397 195
                                    

[Ashley POV]

From: +639072370570

"Good evening, my lady.."

Kunot noong binasa ko ang mensahe. Napaayos tuloy ako nang upo sa sofa. Nandito kasi ako sa sala dahil hinihintay ko si PJ dahil may bibilhin lang itong pagkain sa labas.

"Sino naman kaya to?" Takang sabi ko.

To: +639072370570

"Sino ka?"

Ilang segundo lang ang lumipas ay tumunog ulit ang phone ko.

From: +639072370570

"Your secret admirer ;)"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa nabasa.

To: +639072370570

"Kung sino ka man tigilan mo ako. Bye."

Pagkasend ko ng text ko ay inilapag ko na ang phone ko sa may sofa. Kinuha ko nalang ang remote ng t.v. at naghanap ng magandang channel. Habang naghahanap ay muli nanamang tumunog ang phone ko.

From: +639072370570

"Ouch. Ang taray naman."

Tumaas naman ang kilay ko sa nabasa ko.

To: +639072370570

"Excuse me?"

Hindi pa isang minuto buhat nang maisend ko ang text ko ay agad na muling tumunog ulit ang phone ko.

From: +639072370570

"Ashley naman.."

Napakunot ulit ang noo ko.

"Kilala niya ako?"

Dahil sa kuryusidad ay nireplyan ko ito.

To: +639072370570

"Sino ka ba talaga? Kung hindi ka lang naman magpapakilala ay tigilan mo na ako."

Agad kong sinend ang text ko. Nilapag kong muli ang phone ko sa sofa at itinuon ko na ang atensyon sa telebisyon. Ilang minuto rin ang tinagal bago muling tumunog ang phone ko.

From: +639072370570

TJ to.

Hindi ko napigilang panlakihan ng mata nang mabasa ko ang text nito. Teka, paanong nangyari to?

To: +639072370570

"Saan mo nakuha number ko?" Takang reply ko sakanya.

Segundo lang ang hinintay ko bago ko narinig ang pagtunog ng phone ko.

From: +639072370570

"Hiningi ko kay Hazel.. ang daya mo kasi eh.."

Nanlumo naman ako sa sinabi niya.

"Hazel naman.." Asar na sabi ko nalang.

Hindi na ako nagreply pa sakanya. Sana makuha niya ang ibig kong sabihin. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang phone ko.

From: +639072370570

"Di ka na nagreply :("

Pagkabasa ko nito ay muli kong itinuon ang atensyon ko sa t.v. Pero muling tumunog nanaman ang phone ko kaso ngayon dinedma ko na ito. Hanggang sa makalipas ang ilang segundo ay sumunod sunod na ang pagtunog nito. Napabuntong hininga nalang ako bago ko binuksan ang phone ko.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon