[Ashley POV]
Mag aalas otso na ng gabi nang maka uwi kami galing kina Ate Grace. Bago kami tuluyang makauwi ay may binili muna si PJ sa isang tindahan malapit sa amin.
"PJ pwede mauna na ako sa bahay? Di ko na talaga kaya naiihi na ako.." Malumanay kong sabi ko sakanya.
Lumingon naman siya sa akin.
"Sure ka? Hintayin mo nalang kaya ako?" Nag aalalang sabi nito.
"Hindi ko na talaga kaya.." Kagat labing sabi ko.
"Osige, nasayo susi di ba? Susunod din ako agad." Sabi nito.
Tumango naman ako at nagmamadaling umuwi. Takbo lakad na ang ginawa ko dahil iba talaga ang pakiramdam ko. Nang medyo malapit na ako sa bahay ay may nakita akong babaeng nakaputing bestida sa tapat ng gate namin. Napakunot ang noo ko, lalapitan ko sana ito kaso bigla itong napatingin sa dako ko at pagkatapos at nagmamadali itong umalis palayo. Hindi ko ito masyadong napagmasdan. Pero ang sigurado ako ay mukhang mas matanda ito sa akin.
Nang mawala na ito sa paningin ko ay nagmamadali na akong pumasok sa bahay.
"Ashley?"
"Nasa cr ako!" Medyo pasigaw kong sabi.
Oh God. Sabi na nga ba kaya iba ang pakiramdam ko eh.
Narinig ko ang mga palapit niyang hakbang papuntang kusina.
"PJ?" Tawag ko mula sa loob ng banyo.
"Po?"
Kinagat ko muna ang labi ko bago nagsalita.
"PJ.." Nahihirapang sabi ko.
Agad namang bumukas ang pintuan ng cr.
"Shit! Anong nangyari?" Nag aalalang sabi nito habang nakakunot ang noo.
Nilumukos ko ang tiyan ko nang muling sumakit ang puson ko at balakang.
"PJ.." Naiiyak kong sabi.
"Shit!"
Agad siyang nawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Nakaupo pa rin ako sa bowl. Biglang sumakit ang puson ko kaya naman pala kasi bigla akong dinatnan. Bakit ba kasi nawala to sa isip ko?
Nakapikit ako habang nakayuko. Jusko ang sakit..
"Ashley.. nandito na ako.."
Narinig ko ang boses niya kaya napatingin ako sa may pintuan. May dala siyang napkin, at pampalit kong damit. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba pero parang naestatwa na siya roon.
"Salamat.. akin na.." Mahinang sabi ko pagkatapos ay nilahad ko ang kamay ko sakanya dahil hindi pa ako tapos mag ayos ng sarili.
Kitang kita ko ang pag alon ng adams apple niya. Napakunot ang noo ko, bakit parang takot siya?
"PJ.."
Napalunok muna siya bago siya humakbang paloob ng banyo. Lumapit siya sa akin at lumuhod siya para magkatapat kami.
"Ayos ka lang? Anong masakit sayo?" Malumanay niyang sabi pero ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
Parang may mali.
"Magiging okay rin ako.. Mag aayos lang ako ng sarili tapos labas na rin ako.." Pagpapaalam ko sakanya.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ulit nito pero parang balisa ang mata nito.
"Oo.. sige na muna mag aayos lang ako.." Mahinang sabi ko pagkatapos ay nginitian ko siya.
"Sige.. magluluto muna ako ng soup para mainitan tiyan mo.." Malumanay niyang sabi pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...