Chapter 43

26.8K 444 135
                                    



[Ashley POV]

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan mula sa kwarto habang hawak ang phone sa kamay. Di ko mapigilang ngumiti. Sobrang saya ko dahil sa natanggap kong balita.

"PJ!"

Hinanap ko siya agad dahil siya ang gusto kong unang makaalam. Di ko siya nakita sa sala pati na rin sa kusina, maging sa likod bahay ay wala rin siya kaya napagdesisyunan kong lumabas ng bahay. Tama nga ako nandoon siya sa may garahe. Naka itim ma boxers short lang siya habang pinupunasan ang hood ng kotse. Mukhang katatapos niya lang na malinis ito. Medyo napahaba yata yung idlip ko.

"Oh gising ka na pala.." Nakangiting sabi niya nang mapatingin siya sa gawi ko.

Hindi na ako sumagot dahil agad na akong tumakbo palapit sakanya para mangyakap. Medyo natawa pa siya nang konti dahil sa ginawa ko pero gumanti rin siya ng yakap sa akin.

"Miss mo ako?" Malambing na sabi niya sa tapat ng tenga ko habang nakayakap sa akin.

"Hindi.."

Agad na kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Napasinghap ako nang biglang hawakan niya ang magkabilaang bewang ko saka niya ako binuhat paupo sa hood ng kotse.

Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at saka dumukwang palapit sa akin. Dahilan upang mapaurong ako.

"P-J.." Pabulong kong sabi.

"Siguraduhin mong hindi ibang lalaki ang rason nang pag ngiti ngiti mo dahil may kalalagyan ka.." Seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Napalunok ako sa klase ng titig niya pero sinalubong ko ito.

"Paano kung lalaki nga?" Matapang na sagot ko habang diretsong nakatingin din sakanya.

"Tangina.."

Nakita ko kung paanong umigting ang panga niya at kumunot ang noo niya. Mas dumukwang siya palapit sa akin kaya magkalapit na magkalapit na ang mukha namin.

"Subukan mo lang at di ka aabot sa kama.." Seryosong sabi niya.

Isang malalim na hininga ang nagawa ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Bakit anong gagawin mo? Sasaktan mo ako?" Matapang na sagot ko pa rin kahit ang totoo ay sobrang kaba na ng dibdib ko.

Ngumisi siya at pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya dahilan para umawang ng kaonti ang labi ko.

"Masasaktan ka talaga.." Pabulong niyang sabi.

Halos mapasinghap pa ako nang sumayad ang labi niya sa labi ko. Pero di ko maiwasang kabahan sa naging sagot niya.

"K-kaya mo na akong saktan?" Mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Isang ngisi ang sumilay sa labi niya bago niya ako sinagot.

"Huwag ka mag alala.." Tiningnan niya rin ako sa mga mata ko pero muli rin lang bumalik sa labi ko ang mga titig niya. "Masasarapan ka rin.." Halos pabulong niya nang sabi pagkatapos ay kinagat niya ang pang ibabang labi ko.

Awtomatiko namang uminit ang buo kong mukha dahil sa ginawa niya.

"PJ nagbibiro lang ako!" Medyo taranta kong sabi nang bitawan niya ang labi ko.

"Ang ayoko sa lahat ay yung nagsisinungaling.." Seryoso pa ring sabi niya.

"P-aris Jae.." Takot kong sabi habang tinitingnan ang walang emosyon niyang mukha.

Walang nagsalita sa amin hanggang sa bigla nalang siyang tumawa kaya kunot noong napatingin ako sakanya.

"Baby.." Pigil tawang sabi niya.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon