SPG
[Ashley POV]
Hiyang hiya ako nang makalapit na kami sa mga kaibigan niya. Kitang kita ko kasi ang mga pag ngisi nila lalong lalo na si Edgar. Alam ko naman kasing nakita nila yung ginawa ni PJ kanina kaya siguradong aasarin nanaman kami ng mga ito.
"PJ.." Mahinang sambit ko.
Hindi siya nagsalita, naramdaman ko nalang ang marahang pagpisil niya sa bewang ko na para bang sinasabi niya na mag relax lang ako dahil nandiyan lang siya.
"Tangina, iba ka talaga tol." Sabi ni Edgar habang nakangisi.
"Gago." Sagot naman ni PJ.
"Ulol. Uy sige tara na nga." Sabi ni Edgar sabay buhay niya sa motor niya.
"Yana, sa akin ka na sumabay." Pag aaya ni Pip kay Bri.
Napatingin tuloy ako kay Emman. Nakakunot ang noo nito at mas lalong kumunot ang noo niya nang umangkas si Bri sa motor ni Pip.
"Tara na guys!" Masiglang sabi ni Pip.
Sumunod na rin ito kay Edgar. Wala pang isang minuto ay pinaandar na rin ni Emman ang motor niya sumunod naman si Leo.
"Akala ko ba uuwi na tayo?" Takang tanong ko nang alisin niya ang pagkakayakap niya sa bewang ko.
"Pupunta muna tayo sa apartment ni Edgar birthday ng mokong tapos uwi lang tayo agad. Okay lang ba?" Pagpapaliwanag nito habang isinusuot sa akin ang helmet niya.
"Okay.."
Pinaangkas niya ako sa motor niya at hindi niya ito pinaandar hanggat sa di ako yumakap sa bewang niya. Namula tuloy ako dahil alam kong pinagtitinginan pa rin kami ng ibang estudyante sa paligid. Mga 20 minutes bago kami nakarating sa apartment ni Edgar, bale yung nasa pinakadulo yung sakanya. Lima kasing apartment na magkakadikit tapos may second floor lahat pero mukhang mas malaki itong inuupahan ni Edgar kumpara doon sa apat.
"Marami bang tao sa loob PJ?" Tanong ko nang matapos siyang mag park.
"Hindi. Tayo tayo lang naman."
"Okay."
Napangiti ako nang hawakan niya ang kamay ko bago kami pumasok sa gate. Napalingon ako sa kabilang apartment nang bumukas ang pinto nito. Nabigla ako nang makita kong si Aya iyon, yung class president namin. Nakapusod ang buhok niya, naka pajama na blue at malaking white printed shirt. Karga karga niya yung maliit niyang aso na puti, mukhang shitzu.
"Ashley?"
Napalingon ako kay PJ nang tawagin niya ako.
BINABASA MO ANG
Pambayad Utang
General FictionW A R N I N G: MATURE CONTENTS INSIDE!!! R-18 (LENGGWAHE, TEMA, SEKSWAL) BAWAL SA MGA SUMUSUNOD: *BATA *ISIP BATA *INOSENTE *PA DEMURE *CLOSE MINDED A/N MAY MGA EKSENANG HINDI PAMBATA KAYA KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG ISIPAN EH HINDI ITO PARA SAYO. N...