Chapter 38

25.3K 418 105
                                    

[Ashley POV]

Bagong taon

Napabuntong hininga ako habang nakapalumbaba sa arm chair. Hindi nga ako nagkamali, sabi na nga ba at magpapasulat nanaman ang adviser namin ng aming mga ginawa nang nakaraang bakasyon. Cliche pero mabuti nalang at madaming magandang nangyari noong bakasyon kaya madami rin akong nasabi sa sinulat kong essay.

Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Pero bakit kaya singsing ang binigay niya?

"Kambal.."

Nabaling naman ang atensyon ko sa katabi nang tawagin niya ako.

"Oh bakit?"

Nakagat niya bigla ang labi saka parang kinakabahang nagsalita.

"A-ano mamaya na pala.." Mahinang sabi niya saka muling nagsulat.

"Baliw, ano ba kasi?" Curious kong tanong.

"Wala joke lang.."

Pinitik ko tuloy ang braso niya.

"Ano nga?" Pangungulit ko ulit.

"Mamaya na nga, promise.." Sabi niya.

"Akala ko ba joke lang?" Natatawang sabi ko.

Pinaikot niya ang mata bago nagsalita.

"Joke lang na joke yun nu ba.." Asar na sabi niya.

"Huh?"

Sasagot sana siya nang biglang may magsalita.

"Okay class. Please pass your papers. Your next teacher is already here.." Rinig kong sabi ng adviser namin.

"Ashley oh.." Sabi sa akin ng classmate kong nakaupo sa may likuran ko habang inaabot ang papel niya.

Nang mapasa na naming lahat ang mga gawa namin ay agad na nagpaalam sa amin ang aming adviser at siya namang pagpasok ng ng next teacher namin.

"Good morning class.."

Normal lang naman ang naging daloy nang aming klase. Ang ibang teacher namin ay ni-review ang mga dati naming lesson last December dahil mukhang halos lahat kami ay nagka amnesia matapos ang bakasyon.

"Kambal okay lang ba? Baka may lunch date kayo ni PJ ha?" Sabi sa akin ni Bri habang papasakay kami ng tricyle papuntang Jollibee.

"Ano ka ba. Wala kaming usapan ngayon. Tayo ngayon ang maglu-lunch date dahil alam kong madami kang i-shashare sa akin." Pagpapaliwanag ko sakanya.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Lokaret ka talaga."

Nang makarating na kami sa Jollibee ay agad kaming naghanap nang mauupuan. Dahil nga lunch time ay masyadong maraming tao, halos lahat nga yata na nandirito ay mga estudyante.

"Kambal, doon tayo oh?" Rinig kong sabi ni Bri habang may tinuturong bakanteng upuan.

"Sige diyan nalang.." Sabi ko naman saka nagmamadali kaming naglakad papunta roon.

"Kambal, one piece chicken sa akin saka spaghetti. Paupgrade mo na rin sa coke float ang drinks.." Sabi niya nang makaupo kami.

Kumunot naman ang noo ko.

"So, ako mag oorder?" Tanong ko pa rin kahit obvious naman na ang sagot.

"Yes. Ako na magbabantay dito. Wait ito bayad ko." Nakangising sabi niya pagkatapos ay nagbigay siya ng pera.

Pinaikot ko ang mata ko saka ko kinuha ang pang bayad niya.

"Bye kambal!" Pang aasar na sabi niya sa akin.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon