Chapter 40

25.4K 446 151
                                    


WARNING

[Ashley POV]

Tahimik ang naging buong biyahe namin ni PJ pauwi ng bahay. Hindi ko alam kung anong mayroon dahil okay pa naman kami kanina nang nasa hotel kami. Napakaseryoso ng mukha niya kapag pasimpleng tinitingnan ko siya habang nagmamaneho.

"PJ.." Tawag ko sakanya nang makarating na kami ng bahay.

"Mauna ka na sa loob.." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa unahan.

Galit ba siya? Pero bakit?

Napabuntong hininga ako bago ko napagdesisyunan na buksan ang pintuan ng kotse. Pasimpleng tiningnan ko siya muli bago ko ito isinara. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko tuloy ay para na akong maiiyak habang naglalakad papasok ng bahay.

Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay napaupo ako agad sa sofa. Ang bigat sa dibdib kapag bigla nalang siyang tumatahimik ng ganyan tapos hindi ko alam ang dahilan. Okay pa naman talaga kami kanina eh, naging ganyan lang siya nang medyo patapos na ang prom.

Isang malungkot na ngiti ang namutawi sa labi ko nang kunin ko mula sa purse kong dala ang sash na napanaluhan namin kanina. 'Couple of the Night' Hindi ko tuloy alam kung para ba talaga sa amin ang title na yun dahil sa mga nangyayari ngayon.

Nang makuntento na ako na tingnan ito ay inilapag ko muna ito sa center table. Mag aala-una na pala ng umaga. Medyo napahaba na ang pagmumuni-muni ko rito mga labing limang minuto na yata ang lumipas.

Teka bakit di pa siya pumapasok?

Napagdesisyunan ko tuloy na lumabas ng bahay para hanapin siya. Naglakad ako papuntang garahe pero wala na siya sa loob ng sasakyan.

"PJ?" Nag aalalang tawag ko sakanya.

Nakita ko siya na nakaupo sa metal na upuan na naroroon. Awtomatiko namang napatingin siya sa akin. Medyo nagulat ako  nang mapagtanto ko na naninigarilyo pala siya. Nang magtama ang tingin namin ay agad na hinulog niya ang sigarilyo niyang hawak saka niya ito tinapakan. Medyo matagal na rin nang makita ko siyang manigarilyo akala ko pinutol niya na ang bisyo niyang iyon.

"Bakit di ka pa nagbibihis?" Tanong niya pero hindi nakatingin sa akin.

Pinagmamasdan ko lang siya nang makaupo rin ako sa upuang nasa may tabi lang niya. Wala na ang coat niyang suot kanina. Tanging pulang long sleeve niya nalang ang suot niya pangtaas. Pansin ko rin ang necktie niyang suot na niluwagan niya yata.

"Naninigarilyo ka pa pala?" Pagbasag ko sa katahimikan.

Hindi siya sumagot. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin kaya napayuko nalang ako.

"Hindi na.. ngayon nanaman lang.. Tumigil na ako simula noong pagbawalan mo ako.." Mahinang sabi niya.

Napatingin ako sakanya.

"Kailangan ko lang talaga ngayon, di ko na rin naman uulitin, sorry.." Mahinang sabi pa rin nito habang di pa rin ako tinitingnan.

"PJ.."

Tumingin siya sa akin saglit saka siya muling nagsalita.

"Pasok na tayo sa loob, malamig na.." Sabi niya saka siya tumayo mula sa kinauupuan.

Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at niyakap ko siya mula sa likuran dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad.

"Paris Jae.." Malumanay kong sabi
habang nakasubsob ang mukha ko sa malapad niyang likod.

Ilang segundo rin kaming nanatili sa pwestong iyon hanggang sa hawakan niya na ang braso kong nakayakap sakanya. Dahan dahan siyang umikot paharap sa akin.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon