Chapter 6

47.1K 561 30
                                    

Babala: Pakipikit ng isang mata.

[ASHLEY POV]

Nauna na na siyang umakyat sa kwarto dahil mag aayos pa ako sa kusina. Pagkatapos kong mag ayos eh naligo na rin ako diretso. Nagpapatuyo na ako ng buhok sa banyo ng maisip ko ang isa kong problema.



Payagan niya kaya ako?


Pumasok na ako sa kwarto at nadatnan ko siyang may ginagawa sa may lamesa, yung parang study table. Saglit na tiningnan niya ako tapos eh bumalik rin lang ulit sa ginagawa niya. Nabigla ako sa nakita ko.


Nagsasalamin pala siya?

Bakit mukhang sa bawat segundong lumilipas eh mas gumawapo ang nilalang na ito? Kaya siguro ang daming patay na patay dito. Naku kapag nalaman ni Brianna ang kalagayan ko tsk ewan ko nalang.


"May kailangan ka ba?" Biglang tanong niya.


"Ah! Eh w-wala." Tarantang sabi ko.

Kanina pa pala ako nandito sa may pintuan habang tinitingnan siya nakakahiya. Sinarado ko na ang pintuan at naglakad papuntang kama. Humiga na ako patalikod sa direksyon niya, nasa kaliwa kasi ng kama yung table na kung saan siya gumagawa. Sinubukan kong pumikit pero ilang segundo din lang ay binukas ko ulit ang mga mata ko.



Paano ko ba sasabihin sakanya?

Hindi ako makatulog. Binukas ko ulit ang mga mata ko at dahan dahang umikot paharap sakanya. Nakatalikod pa rin siya sa akin at busy pa rin siya sa ginagawa niya. Lumunok ako ng laway bago ako magsalita..


Napabuga ako ng hangin, hindi ko masabi. Napagdesisyunan kong tumalikod ulit sakanya ng higa at nagtalukbong ng kumot. Matutulog na nga lang ako kaso..


Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko ng kumot sa akin at umikot ulit ako paharap sakanya. Nakagat ko ang labi ko dahil kinakabahan talaga ako sa magiging reaksyon niya kapag hiningi ko yun. Pero hindi naman pwedeng hindi.


Huminga ako ng malalim bago ko siya tawagin.


"PJ." Pabulong na sabi ko.


Nanlalaki ang mga mata ko ng medyo napahinto siya sa ginagawa niya kaya awtomatikong napatalukbong ako ng kumot at nagkunwaring natutulog.


Narinig ba niya?


Halos batukan ko na ang sarili ko sa sinabi ko.Makalipas ang ilang minuto ay dahan dahan kong ibinababa ang kumot at pasikreto kong sinilip siya gamit ang isa kong mata. Nakahinga ako ng malalim ng pinagpapatuloy niya na ang ginagawa niya. Inalis ko na sa mukha ko ang kumot. Nakatingala lang ako sa kisame habang nagpa-plano kung paano ko sasabihin sakanya. Tiningnan ko siya, napalunok ako ng laway ngayon ko lang naabsorb na naka sando at boxers short lang siya. Pinagmasdan ko siya haabang nakatalikod. Ang lapad ng likod niya, parang ang sarap.. haplusin.



Ano ba tong pinagsasabi ko?



Napakamot nalang tuloy ako sa ulo. Nakailang buntong hininga na ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkakaroon ng lakas ng loob na sabihin YUN sakanya.


"PJ."


"Hmm?" Sagot niya.


Biglang nanlalaki ang mga mata ko. Pinaikot niya ang swivel chair na kinauupuan niya kaya magkaharap na kami ngayon.



Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon