Chapter 2

92.3K 911 51
                                    

[PJ POV]

Ako si Paris Jae Hernandez. Pero PJ nalang ang itawag niyo sa akin dahil sa totoo lang ni hindi ko magawang sambitin ang pangalan ko dahil hindi ko alam kung saang baduy na teleserye napulot yan ng nanay ko. 22 taong gulang, last year ko na ngayon in college sa kursong mechanical engineering. Magulang? Tss wala ako nun. Nagtataka ba kayo kung saan ako nakakakuha ng pera na pinapautang ko? Dahil ito sa konting halaga na iniwan sa akin ng namatay na tatay tatayan ko na umampon sa akin.

Simula ng mamatay siya naiwan na rin sakin ang tatlong jeep niya. At yung ibang pera na ibinigay sa akin ni Tatay ay ipinambili ko ng bilyaran. Ang bilyaran ay naging isang malaking tulong sa akin dahil ang renta ng isang oras na paglalaro dun ay umaabot ng 800. Sa dami ba naman ng tambay dito sa amin na adik sa pagbibilyar? Sa isang araw halos lampas lima ang nagrerenta sa akin sapat na para mabuhay araw araw, dagdag pa yung boundary ng tatlong jeep ko at ang pagbabayad ng mga umuutang sa akin sa katapusan ng buwan.

Ngunit isang araw may isang di inaasahang nangyari sa buhay ko.

Nagising ang mahimbing kong tulog dahil sa lakas ng sigaw at katok sa baba. Iritang bumaba ako para pagbuksan kung sino man ang hayop na istorbo. Hindi na ako nabigla na isa sa mga nagungutang sa akin ang bumungad sa akin dahil katapusan ng buwan ngayon. Pero ang ikinabigla ko ay ang pilit na ibinabayad niya sa akin.

Isang BABAE

Tiningnan ko ng maigi ang babae na itunulak ni Aling Claire sa may harapan ko. Nagulat ako ng makita ko siya. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako ng makita ko ang makinis niyang binti at hita. Putang ina.

Buong pag uusap namin ni Aling Claire nasa kanya lang ang paningin ko. Awang awa nga ako sakanya ng magsimula na siyang umiyak at mag maka awa sa tiyahin niya na huwag siyang iwan sa akin. Una nga nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ang alok ni Aling Claire o hindi kasi unang beses palang na mangyari to sa akin, na tao ang ipambayad sa akin.

Pero hindi nagtagal napa oo na rin ako. Nakita ko bigla ang takot na bumalot sakanyang mga mata. Sa totoo lang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko dahil sa nakita kong reaksyon niya. Pero heto na ito wala naman mawawala sa akin kung tatanggapin ko.

Maya maya ay napagdesisiyunan na ni Aling Claire na umalis matapos niya akong kausapin. Pero nabigla ako ng itulak niya ang babae, ramdam kong malakas ang pagkakatulak niya dito kaya napaupo ito sa lupa. Nadumihan na tuloy ang puti niyang bestida dahil umuulan ngayon. Tiningnan ko lang siya habang iyak pa rin siya ng iyak habang nakatingin sa papaalis na si Aling Claire.

Nang puntong iyon, hindi ko alam kung ano at kung bakit merong parte ng isip ko na gusto siyang protektahan, parang gusto ko siyang alagaan. Natagpuan ko nalang ang mga paa ko na lumalapit sa kinaroroonan niya.

"Huwag ka ng umiyak."

Pag aalo ko sakanya sabay hawak ko sa bewang at binti niya para kargahin siya.

"A-ano.."

Alam kong naguguluhan siya sa kinikilos ko, tsk parehas lang kami dahil maging ako rin naguguluhan sa sarili ko.

"Simula ngayon, AKIN KA NA."

Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga katagang iyon pero totoo naman di ba? Simula ng dalhin siya dito sa puder ko AKIN NA SIYA.

Tinititigan ko lang ang mga mata niya at ramdam kong halos pigil niya ang paghinga niya dahil sa titig ko. Ang ganda niya pala sa malapitan mula sa mga magandang mata niya na kahit namamaga na dahil sa kakaiyak, sa matangos niyang ilong at sa mapupula niyang labi na mukhang masarap halikan. Naputol ang kaanuhan ko ng biglang ikinawit niya ang kamay niya sa batok ko. Ramdam kong huminga siya ng malalim at pumikit ng sinimulan kong tahakin ang daan papasok sa bahay. Kinarga ko nalang siya dahil alam kong nasakatan siya kanina sa pagkakatulak sakanya ni Aling Claire.

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon